" get ready guys kailangan makabalik kayo dito within 20 minutes" sabi ni ate kokey.
Tumango kami at agad pumasok sa gubat. Kailangan namin mahanap ang 10 flag ng SUS sa loob ng 10 minuto. We decided na mag hiwa hiwalay para mas mapabilis ang aming paghahanap. Inilibot ko ang paningin ko , Napangiti ako ng makita ko ang isang flag na nakasabit sa puno. Naghanap ako ng pwedeng ipanungkit sapagkat hindi ako marunong umakyat sa puno. Napangiti ako ng makuha ko na iyun. Nagpatuloy ako sa paglalakad upang maghanap ng flag. Napangiti ako dahil ngayon lamang ako nakapunta sa ganitong lugar, ang sarap sa pakiramdam ng lamig ng hangin. Ang sarap sa tenga ng huni ng mga ibon. I look at my wristwatch and 5 minutes nalang ang natitira. I decided na bumalik na ngunit hindi ko matandaan kung saan ang way palabas ng gubat.
"Oh shit! Saan nga ba Yun " napahawak ako sa noo ko.
Napatingin ako paligid mas lalo akong naguluhan sapagkat maraming pasikot sikot na daan.
" Aish bahala na nga !"
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may natanaw ako na isang kubo. Napangiti ako at pumunta doon.
" Tao po? May tao po ba?"
Napatigil ako ng may dumungaw na matanda sa bintana.
" Sino ka?" aniya.
Ngumiti ako " ako po si Era. Pwede po bang mag tanong? Saan po ba ang daan pabalik sa resort?"
Naglakad sya palabas ng kubo. Nakasuot sya ng lumang damit at mahabang palda. May suot rin sya na belo sa ulo at nakalugay ang kulay puti nyang buhok na marahil ay dahil sa katandaan na.
" Anong ginagawa mo sa gitna ng gubat?" Aniya
" May activities po kaming ginagawa dito sa gubat Kaya Lang po masyado po akong naaliw sa paligid at hindi ko na po alam ang daan pabalik" paliwanag ko.
" Isa Kang dayuhan dito hindi ka dapat nag iisa" seryosong sabi nya.
Nakaramdam ako ng takot ngunit agad kong binalewala. Napatingin ako sa paligid maraming mga punong kahoy at nag iisa lamang ang kubo na ito sa gitna ng gubat. Bumalik ang tingin ko sa matandang babae na nakatingin din sa akin. Pinilit kong ngumiti at hindi pinahalata ang takot.
" May mga kasama po ako kaya lang nahiwalay po ako sa kanila, pwede p bang ituro nyo sa akin?" Ani ko
Tumingin sya sa akin at ngumisi " sige sa isang kondisyon"
ELISE P.O.V
Napahawak ako sa diddib ko sapagkat hindi ko maiwasang kabahan para sa kanya. Kanina pa kami nakabalik dito ngunit Wala parin sya. Napatingin ako kay kuya na hawak ang cellphone nya.
" Shit! can't be reach!" aniya
Naramdaman kong may umakbay sakin " don't worry she's gonna be okay"
" Aish! dapat hindi natin sya hinayaan mag Isa" nag papanic na Sabi ko.
" Calm down she's gonna be ok nag report na kami sa mga tauhan dito sa resort at hinahanap na sya ngayon" paliwanag ni Aidan.
Tumango nalang ako at yumakap sa kanya.
" What? Bakit hindi nyo nahanap?!" inis na sabi ni Chase.
" Malaki ang gubat na ito kaya hindi namin sya agad mahanap"
" Wag kayo titigil hanggat hindi nyo sya nahahap"
" She's really stupid " natatawang Sabi ni Sophie.
Tumingin ako sa kanya ng masama
" she's not stupid. Hindi nya lang talaga alam ang Lugar na ito"She tsked " pare parehas naman tayo na bago lang dito pero bakit hindi tayo naligaw? Tss sabihin mo tatanga tanga ang kaibigan mo!"
BINABASA MO ANG
Started with a hate ( Completed )
Ficción GeneralMeet Errieah, the girl living in seoul who doesn't felt free , existing and loved by his own parents because of some reason that she didn't even know, One day she decided to escaped and go somewhere that so far to her parents. She want to have a...