CHAPTER 54

772 24 0
                                    

" ok class dismiss"

Napatingin kami sa labas. Sobrang lakas ng ulan.

" Paano tayo makakapunta sa canteen Nyan" nakasimangot na sabi ni Elise.

" I forgot my umbrella!  eh kasi Naman maganda  Naman ang panahon kanina"  Sabi ni Mereah.

" Dito nalang muna tayo antayin nalang natin tumila"sabi ko.

" I'm starving huhu"  Sabi ni Elise.

Tumahimik kami ng pumasok si coach Apay.

" Half day Lang tayo ngayon , pwede na kayo umuwi" 

Nag sigawan ang mga kaklase .

" Take care guys" sabi ni Coach Apay bago umalis.

" Yehey!" Tuwang tuwa na Sabi ng dalawa.

Napailing nalang ako at kinuha ang gamit ko. Lumabas kami ng room at tumambay sa hall way.  Napangiti ako ng makita ko si Chase , kasama si Brayden at Eli.

" Let's go?"  Aniya.

Ngumiti ako at tumango sa kanya.

" Guys una na ako ha, bye!" Nag beso- beso kami.

" Ingat ka kayo"  sabi ni Eli.

" Kayo din ingat"

Binuksan ni Chase ang payong na dala nya.

" Let's go"

Naglakad kami patungo sa parking lot at sumakay sa sasakyan nya. Pinunasan ko ang mukha ko dahil kahit may payong kami ay basang basa parin kami. Napatingin ako kay Chase.

" Bat sobrang basang basa ka"

Ngumiti Lang sya akin at kinuha ang jacket sa backseat.

" Suotin mo baka lamigin ka"

" Paano ka?"

" I'm fine"

Kinuha ko Yun at sinuot. Napangiti dahil kahit papano nabawasan ang lamig na nararamdaman ko.

                      ELI P.O.V

" Kuya mauna na kami ha ingat kayo"

" Sa akin ka nalang sumabay"  ani ko.

" Ako na mag hahatid sa kanya dude, isabay mo nalang si Mereah" nakangiting sabi ni Brayden.

Napilitan akong tumango sa kanya.

" Bye friend ingat kayo" sabi ni Mereah.

" Kayo din" sagot ni Elise.

Naiwan kaming dalawa. Tumikhim ako kaya naman napatingin sya sa akin.

" Let's go" yaya nya.

Tumango ako. Binuksan ko ang umbrella na dala ko . Kumapit sya sa braso ko bago kami naglakad patungong parking lot.

" bat ba ang bagal mo mag lakad " inis na sabi ko.

" Duh nababasa kaya ako at tsaka look naka heels ako"

I tsked .

Pumasok na kami sa sasakyan ko. Napatingin ako sa kanya na basang basa.

" Let's go" aniya.

Tumango ako  at pinaandar ang sasakyan.

" Naaalala ko nung mga Bata pa tayo , Naliligo tayo sa ulan tapos magkakasakit ka haha" 

Nanatili akong nakatingin sa daan. Lihim akong napangiti ng maalala ang mga masasayang ala ala naming dalawa.

" Mas malakas talaga ako sayo" pagmamalaki nya.

Started with a hate ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon