CHAPTER 26

906 19 0
                                    

Naging maayus ang pananatili ko sa mansyon noong mga lumipas na araw. Sobrang bait ni tita Clarice kaya naman napalagay na ang loob ko sa kanya.

" Gusto kong mag relax muna " Sabi ni tita Clarice.

Nakasakay kami sa kanyang sasakyan. Pagkagising ko kaninang umaga nag pasama nya sa akin para pumunta sa mall. 

Ngumiti ako sa kanya bago bumaba ng sasakyan. Kumapit sya sa braso ko pagpasok namin ng mall.

" Mag shopping muna tayo " aniya

Tumango ako at tumungo kami sa boutique.

" Pumili ka lang ng gusto mo ako na bahala."

" Hindi na po tita " nahihiyang Sabi ko.

Ayokong abusuhin ang kabaitan nya. Binigyan na nga nya ako ng trabaho pati ba naman ang pag bili ng mga ganito ay  mang gagaling pa sa kanya.

" Wag ka na tumanggi sige na kumuha kana eto bagay sayo !"

Binigay nya sa akin ang kulay yellow na sleeveless dress. Kinuha ko ito sa kanya sapagkat ayaw nya raw na may tumatanggi sa kanya.  Pagkatapos namin mag shopping pumunta naman kami sa salon. We decided to dyed our hair and it's color light brown.

" Mas lalo kang gumanda!" Sabi ni tita habang hinahawak hawakan ang buhok ko.

" Kayo din po tita "  nakangiting sabi ko.

" I know that " natatawang sabi nya.

Bago kami umuwi kumain muna kami sa fast food.

" thank you so much po"

" Your always welcome !" Nakangiting sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya bago tumungo sa kwarto ko. Inayos ko ang lahat ng binigay sakin ni tita. Napangiti ako dahil ang saya sa pakiramdam. Naisip ko na sana ganito rin kami ni mommy kaso mukhang malabo manyari yun!

Napalingon ako sa cellphone ko ng marinig kong mag ring ito.

CHASE CALLING..

" Hello?" Ani ko.

" Are you busy today" aniya sa kabilang linya.

Napakunoot ang noo .

" Bakit?"

" Baka kasi naiistorbo Kita "

" Ahmn Hindi Naman bakit ka napatawag"

" Nag kayayaan kasi sa bahay nila Brayden, birthday ng mommy nya if you are not busy I'll pick you up later"

" What time?"

" 6 pm "

" Ok sige "

He call ended. Nilapag ko ang cellphone ko sa kama at bumaba para gawin ang mga dapat gawin, actually sa dami ng maid dito hindi kona alam kung ano ang gagawin ko.

" Era"  tawag sakin ni tita na nakaupo sa sofa.

" Bakit po?"

" I'm going to the party later  do you want to join with me?"

" No tita may ibang pupuntahan po kasi ako "

Ngumiti sya .

" It's ok "

Nag paalam na ako sa kanya  para tumungo sa garden. Tumambay ako doon dahil sobrang sarap pagmasdan ng mga bulaklak, nakaka relax.

Hindi ko na namalayan na hapon na agad akong tumungo sa kwarto ko para maligo. Sinuot ko  yung binili ni tita na yellow sleeveless dress na fitted sa waist and 3 inches above the knee. Nilugay ko ang mahaba at kulot kong buhok mas lalong bumagay sa akin ang kulay. Nag lagay ako ng blush on then color pink matte lipstick kinuha ko ang Silver stiletto ko at napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

Started with a hate ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon