CHAPTER 1

10.1K 129 3
                                        

SHAKEERA's POV

"Good Morning ate." Bati sa akin ng kapatid kong Shaina ng makapasok na siya ng bahay. Kadarating lang nito galing sa trabaho night shift kasi ang duty niya. Nurse kasi ang bunso ko sa isang malaking hospital dito sa Maynila.

"Good morning din Ina." Bati ko rin sa kanya at nginitian ko siya kita ko sa mukha niya ang sobrang pagod. "Marami bang pasiyente ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ate, isa kasi ako sa mga nag assist kay Doc sa operating room. Isang car accident patient, himala nga at nabuhay pa siya. Grabi kasi ang tinamo niya sa aksidenting iyon, and I don't know kung makakalakad pa siya." Sagot niya sa akin, at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"I'm sure magiging okay din siya, diba sabi mo nga na himalang nabuhay siya. So ang ibig sabihin lang non na hindi impossibly na hindi siya makalad muli, at matapang siya at malakas. Siya sige na magpalit ka na muna at ng sabay na tayong mag-almusal."

Sabi ko sa kanya, at tinungo ko na ang kusina. At siya naman ay sa kwarto niya. Maya't maya lang ay lumabas din may bitbit nang tuwalya at tumungo na sa CR.
"Ligo lang ako ate." Tumango lang ako sa kanya.

Kami na lang ang magkasama, ulila na kami sa magulang. Sabay na namatay sa aksidente sila nanay at tatay. Nabungo kasi ang bus na sinakyan nila dahil nawalang ng preno. Biente anyos na ako noon at katorse pa lang si Shaina. Wala kaming kilalang kamag-anak dahil parihong laki sa bahay ampunan ang mga magulang namin. At hindi rin nila kilala kung sinu-sino ang mga magulang nila. Kahit mahirap naka survive naman kami dalawa sa awa ng Diyos. Kaya hito kami ngayon, kasama na rin pala namin ang anak kong si Shawn Arch. Arch, ang mga letrang naka tattoo sa dibdib ng kanyang ama.

Maliit lang ang inuupahan naming apartment, may dalawang kwarto. Ang sala at kusina ay magkarugtong, nilagyan lang ng maliit na divider sa gitna na nagsilbing harang.

Wala kaming gaanong gamit, sa sala may maliit na coffee table. Dalawang single na upuan at isang medyo mahaba na kasya tatlong katao. At isang maliit na flat screen TV, ang kusina naman mayroon lang kaming maliit na refrigerator, stove at maliit na mesa na pang- apatan lang.

Ang CR ay nasa may bandang kusina, at maliit lang din.
Limang taon na din kaming nangungupahan dito.

Nai-ayos ko na ang mesa ng lumabas na ang kapatid ko.
"Tulog pa ba si Shawn, ate?" Tanong niya sa akin. At di ko mapigilang mapangiti pagkarinig ko sa pangalan ng anak ko. Si Shawn mag-lilimang taon na siya, his our strength.

"Good morning Mama, good morning tita." Bati sa amin ng anak ko, at hinalikan niya kami sa pisngi ng makalapit na siya sa amin ni Shaina, at naupo na rin kaya hindi ko na nasagot pa ang tanong ng kapatid ko.

"Good morning too anak." Bati ko rin sa anak ko at hinalikan ko rin siya sa pisngi.

"Good morning too baby boy." Sabi rin sa kanya ni Shaina. Hahalikan niya rin sana ito ngunit umiwas ito at napasimangot.

"Tita! I'm not a baby anymore I'm a big boy now, I'm already five years old." Pinakita pa niya sa tita niya ang nakabuka niyang palad. Natawa na lang kami sa sinabi sa amin ng anak ko, ayaw niya kasi na tinawag siyang baby kasi nga big boy na daw siya.

"Ops... Sorry? Nakalimutan ni tita big ka pala." Nakangiting sabi ni Shaina sa anak ko.
"Oh siya, sige na tama na iyan kumain na tayo." Awat ko sa dalawa. At nagsimula na kaming kumain, hindi ko na kailangang subuan ang anak ko. Nilalagyan ko na lang ng pakain ang plato niya at siya ng sumubo mag-isa. Ayaw niya kasing sinusubuan, pang baby lang daw kasi iyon. Two years old pa lang si Shawn marunong na siyang gumamit ng kutsara at tinidor. Napaka independent na niya, ayaw niya rin na pinapaliguan siya at binibihisan. Siya na naliligo at nagbibihis sa sarili niya, ang ginagawa ko lang ay ihanda ang mga kailangan niya.

"You want more rice anak?" Tanong ko sa anak ko ng makita kong wala ng lamang kanin ang plato niya. Heavy breakfast kasi kinakain namin.
"Yes mama please and egg also." Sagot naman niya sa akin kaya nilagyan ko uli ng isang sandok kanin at itlog ang plato ng anak ko. Natutuwa ako dahil magana ito sa pagakain.

Maya-maya ay natapos na rin kaming kumain.
"Ate ako ng bahalang magligpit dito, baka malate kana sa trabaho mo." Sabi sa akin in Shaina. At nagsimula ng magligpit ng pinag kainan namin.

Si Shawn naman ay nagtungo na sa sala, at nanonood ng palabas saTV. Pumasok na rin ako sa kwarto namin at nag-ayos na. Isang kulay black pincel skirt na hangang tuhod, at white long sleeve with collar na nakatupi hangang siko ang suot ko. At isang black high heeled strap sandal na three inches ang taas ang sapin ko sa paa. Light lang din ang nilagay kong make up, at ang mamasamasa ko pang buhok na natural brown ay naka messy bun lang na my ilang hibla na nakatagas.

Napangiti ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin, hindi mo aakalain na may anak ako. Naging mas pormado kasi ang katawan ko pagkatapos kong ipanganak si Shawn, mas nagkalaman ako kumbaga At ang dibdib ko medyo lumaki rin. Ang mga mata ko naman ay parang mga mata ng manika na kulay brown, na may mahabang pilik mata. Pariho kami ng mga mata ni Shaina, na namana namin sa nanay namin. Pareho din kami ng ilong matangos na para bang nililok ng magaling na sculptor. Ang mga labi namin ay katamtaman lang, hindi malaki hindi rin maliit. Sa hugis lang kami ng mukha nagkaiba, medyo may kaliitan ang mukha ko. Samatalang Kay Shaina ay bilugan, pareho din ang kulay ng balat namin. Di gaanong kaputian pero makinis naman, na pinahalong kulay ng mga magulang namin.
Pareho din kaming matangkad, 5'6" ako at 5'5" naman si Shaina.

Lumabas na ako ng kwarto at kinuha black sling bag ko, pagkatapos kong suriing mabuti ang sarili ko. Nagpaalan na ako sa anak ko, "Shawn pasok na si mama ha be good okey, huwag kang mag-ingay matutulog ang tita Shaina mo. Pagod iyan sa trabaho, iyong bihisan mo naihanda ko na at ang pagkain mo nasa mesa lang ha." Bilin ko sa anak ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Yes mama, don't worry about me I already know what to do. You take care okey?" Napangiti nalang ako sa anak ko, napakalambing talaga nito. "Okey po Boss Shawn, I love you" sabi ko sa kanya.
"I love you too mama." Sabi niya rin sa akin.

"Shaina alis na ako." Paalam ko rin sa kapatid ko na nasa kwarto na niya. "Sige ate ingat ka." Sagot niya din sa akin. At lumabas na rin ako ng bahay, at naglakad ng kaunti papunta sa may kalsada para mag-abang ng masasakyan. Isang sakayan lang papunta sa company na pinagtatrabahuhan ko. 7:20am na kaya nagtaxi na lang ako para medyo mabilis, nakasakay naman ako kaagad. Himala sa himala hindi ako naipit sa traffic 10minutes lang ang naging biyahi ko, kaya madali akong nakarating sa pinapasukan ko.

Agad akong nagbayad sa driver pagkadating namin at mabilis na bumaba sa taxi. Inayos ko muna ang suot ko bago naglakad papasok sa company.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon