CHAPTER 51

5.1K 96 10
                                        

"BABE ASAWA KO." Mahinang tawag ko sa kanya. Umiiyak pa rin ito. Humahagulgol.

"Babe, buhay ka?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya, dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko.

Totoo ba itong nakikita ko or Am I  hallucinating? Na buhay ang asawa ko? At nakayakap ito sa akin ngayon. Lord kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising. Hinding hindi ko po talaga kakayanin pa ang lahat.

Nagtataka naman itong nag-angat ng tingin sa akin. Nakakunot noo pa, waring nagtatanong ang mga tingin nito.

"Oo buhay ako, buhay na buhay. Bakit mo naman naitanong yan?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Paano? Ang sabi ng mga kaibigan ko wala ka na daw, that you didn't make it. You didn't survived dahil sa dami ng sugat na natamo mo, at maraming dugong nawala sayo." Paliwanag ko sa kanya. Mas lalo pang kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Paano mo naman nakakausap ang mga kaibigan mo? Eh samantalang ngayon ka lang nagising, limang araw kanang walang malay. Natutulog ka lang dahil sa itinurok sayong pamapatulog. Dahil sa bigla kana lang naghe-hysterical. Sabi nga ni mommy nag-hysterical kana naman kaya kinailangan ka uling turukan." Mahinang sabi ng asawa ako sa akin.

"Limang araw na akong tulog?" Gulat na gulat ako sa nalaman ko, ganon na katagal.

"Yes, limang araw na." Humihikbi na ito. Para namang dinurog ang puso ko. "Saka isa pa wala naman akong sugat, galos oo peroo tama ng bala wala. Ikaw nga itong maraming tama ng baril. Ikaw din tong sinalinan ng dugo, dahil sa dami ng dugong nawala sayo. Halos maubusan ka na nga. Mabuti na lang at magka match kayo ni Papa, kaya nasalinan ka agad. Pinag-alala mo talaga ako ng sobra." Sumisinghot singhot na ito habang nagsasalita.

Shes crying. Gusto kong matuwa, hearing na nag-aalala ito sa akin. I hug her, hinahaplos haplos ko pa ang likod ng asawa ko.

"Shhh, please don't cry babe. Sorry kung pinag-alala kita. And thanks God your truely alive, akala ko talaga totoong wala ka na. Na iniwan mo na ako, kami ng anak natin. Hindi ko kaya babe, hindi ko kayang mawala ka sa akin, sa amin ni Shawn." Maluha luha ring sabi ko sa asawa ko.

"Siguro iyon ang napanaginipan mo, kaya ka nag-hysterical. Grabe namang panaginip iyon, pinatay mo pa talaga ako. Napakasamang panaginip naman." Nangingiting sabi na nito.

Napatitig naman ako sa mukha nito. Napakaganda talaga ng asawa ko. Kahit medyo namumugto ang mga mata nito. Dahil sa kakaiyak. Hindi ko napigil ang sarili kong haplusin ang pisngi nito. Habang titig pa rin ako sa mata niya.

"Ako ba ang dahilan ng pamumugto ng mata mo?" Mahinang tanong ko sa kanya hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

Bahagya naman itong umismid, saka mahinang tumango sa akin. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa naging reaksyon niya, napaka cute kasi nitong tingnan at bahagya pang namula ang pisngi.  Agad din naman akong kinurot nito sa gilid saka inirapan pa.

"Kainis ka, tuwang tuwa ka pa diyan. Hmp." Sabi pa nito na ikinahalakhak ko pa. Mas lalo pang namula ang mga pisngi nito.

"I Love You Babe." Mahinang bulong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Natigilan naman ito sa sinabi ko, at maluha luhang napatitig sa akin. Hanggang sa tuluyan na itong umiyak. Nag-aalala naman ako sa naging reaksyon ng asawa ko.

"Babe?" Hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak.
"Sweety? May masakit ba sayo? O may nasabi akong hindi mo nagustuhan?" Umiiling lang ito. Sisinghotsinghot pa.

"Mahal din kita, kainis ka." Nagulat pa ako sagot nito. Agad naman akong napangiti, I never expected na mahal din pala ako ng asawa ko.

"YES! Mahal din ako ng asawa kooo! Yahoo! Mahal ako ng babe ko! Yes!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw. Dahil sa sayang nararamdaman ko.
Ang saya ko ang saya saya ko. Sisisgaw pa uli ako ng pero agad na tinakpan nito ang bibig ko.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon