JAMES POV
"What are you waiting bro? Open it." Nanginginig at kinakabahan habang nakahawak ako sa envelop na iniabot sa akin ni Michael. Laman nito ang resulta ng pinagawa ko sa kanya. Dahil sa kuneksyon niya kaya dalawang araw lang may resulta na.
Tinawanan naman ako nito.
"You look nervous, relax bro. Open it now." Sabi na naman uli nito sa akin. Ng hindi parin ako umimik.
"Kinakabahan ako bro." Pagak pa akong napatawa sa sinabi ko.
"Oh, come on bro! Is that really you? Wow! For the first time bro ngayon lang kita narinig at nakita ng ganyan. It's unbelievable! It's really surprise me, bro. Wow." Sabi pa nitong hindi makapaniwala.
Kaya dahan dahan kong kinuha ang laman into. Kahit na nanginginig ang mga kamay ko, biglang nanubig ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, napakasaya ko. Tumatawa pa ako sa sobrang saya.
"Bro it's positive look bro, woh.. Positive bro! Positive! Yes!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa sayang nararamdaman ko.
"So, what's your plan now? Ngayong alam mo na ang totoo. Sasabihin mo ba sa kanya?" Tanong nito sa akin.
"Hindi ko pa Alam bro." Naguguluhang sabi ko kay Michael.
Hindi ko pa talaga alam kung sasabihin ko sa kanya ang nalaman. Siguro saka na lang.
"Mas mabuti kung sabihin mo na agad bro. Karapatan niya ring malaman ang totoo. At ikaw, ang karapatan mo. Bro kailangan malamam rin ng bata kong sino ka talaga sa buhay niya. Ayaw mo ba non, na mabuo ang pagkatao ng bata? Sigurado ako bro na hinahanap niya rin ang ama niya. Pangarap niya ring makilala ito. This is your chance bro, magpakilala ka." Pangungumbinsing sabi nito sa akin.
Ang totoo hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Kung dati atat na atat akong alamin ang totoo pero ngayong alam ko na, nalilito na naman ako. Napabuntong hininga nalang ako.
"Sana ganon lang kadali bro, pero paano kung ayaw nila akong tanggapin, ng anak ko? Paano kung ilayo niya sa akin ang bata? Paano kung iwasan nila ako? Paano kung--"
"Paano mo malalaman ang mga sagot sa tanong mo kung hindi mo sasabihin?" Putol nito sa sasabihin ko. "Bro relax, just do your part ganon lang. Tell them the truth, ngayon ka pa ba aatras? Ngayong alam mo ng may karapatan ka?" Dagdag na sabi pa niya.
"Thanks bro, yeah you are right." Sabi ko rito.
"I need to talk to her about this." Sabi ko pa. Kinakabahan ako, para akong teen ager na unang aakyat ng ligaw. Para akong dadaan sa harap ng crush ko. Tsk what the fuck! Palakad lakad lang ako sa loob ng opisina ko.
"What the fuck bro! Akong nahihilo sa ginagawa mo! Akala ko ba ok ka na? Nakapagdisisyon ka na? Eh sa kinikilos mo wala pa rin." Reklamo na nito sa ginawa ko. Napakamot na lang ako sa batok ko.
"I have to go, para makapag-isip ka ng maayos. Good luck bro, I'm happy for you. Congrats daddy ka na." Tumayo na ito at kinamayan pa ako sabay tapik sa balikat ko bago ito umalis.
"Thanks bro." Sabi ko sa kanya.
Naiwan naman akong naguguluhan. It takes time bago ako nakapag desisyon.
"Charry please tell Miss Alcantara to come here in my office now." Sabi ko sa secretary ko through entercom.
"Kuya hindi daw pumasok si Ate ngayon, according to Mrs. Ramos. There's an emergency daw." Later on sabi sa akin ni Charry.
"What?! Ano daw ang nangyari? Bakit daw hindi pumasok? Anong emergency? May nangyari ba sa kanya? O Sa anak ko? Ano? Tell me Charry, ano?!" Natataranta na akong bigla, biglang rumagasa ang kaba sa dibdib ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Paano kung may nangyari sa anak ko. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Walang pagdadalawang isip lumabas ako ng opisina. Pupuntahan ko ang mga kaibigan niya.
"Charry cancel all my appointments now." Utos ko rito, nagtataka man napatango nalang ito. Dali dali akong pumasok sa loob ng elevator.
"Mike!" Tawag ko kay Mike pagkapasok ko sa opisina nila. Nagtaka naman sila sa biglang pagdating ko pati na rin si Mike. Napatayo itong bigla at mabilis na lumapit sa akin.
"Yes kuya, what happened? Napasugod ka may problema ba?" Naguguluhang tanong nito sa akin.
"Where's Shakeera?" Mukhang nagulat pa ito sa tanong ko. Pero saglit lang iyon.
"Oh, bakit mo siya hinahanap?" Sabi lang nito imbis na sagutin ang tanong ko.
"Just answer my question Mike! Damn it! Where is she?" Mas lalo pa itong nagulat sa pagsigaw ko.
Pati ang mga nasa loob ay nagulat din.
"I don't know what happened pero nasa hospital siya ngayon." Paliwanag nito.
"Hospital?! Why?" Nag aalala na rin ako.
"Sinong naospital?" Sabi ko pa.
"Sir ang anak po ni Miss Alcantara sinugod niya po kanina sa hospital dahil nilalagnat daw po." Sabi ng isa sa mga kaibigan nito.
"Oh shit! Saang hospital?" Tanong ko rito at sinabi niya ang pangalan ng hospital.
Para akong pinagsakluban ng langit sa nalaman ko. Ang anak ko. Dali dali na rin akong lumabas ng opisinang iyon. Naiwan pa ring nakatulala ang ibang mga empleyadong kasamahan niya.
Lalo na ang mga kaibigan nito.
Shawn anak ko, please hold on baby daddy is coming. Sabi ko pa sa sarili ko. Ang lakas na ng kaba ko, parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas nito.
Mabilis ko lang narating ang naturang hospital. Agad kong tinanong ang kwarto ng anak ko. Tinakbo ko na ang papunta elevator.
Pumasok agad ako sa loob ng kwarto kung saan nandon ang anak ko. Pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita kong maraming bata sa loob. Agad kong iniikot ang paningin ko, then i saw her.
She was looking at me, puno ng pagtataka at pagkagulat ang romihestro sa mukha nito. Agad ko siyang nilapitan.
"How is he? What happened to him?"
Parang dinurog ang puso ko pagkalita ko sa anak ko. He was there lying on the bed. May nakasaksak na tubo ng dextros sa maliit na kamay nito.
Biglang tumulo na naman ang luha ko. Parang may matalim na kutsilyon nakatarak sa puso ko. Hinawakan ko ang maliit na kamay niya at hinalikan ko ito.
"Shawn andito na ako, andito na ang daddy. Hinding hindi kita iiwan babantayan kita. Pagaling ka na anak. Mahal na mahal ka ng daddy." Bulong ko sa anak ko. Pero sapat na para marinig iyon ng ina niya.
"Sir James?" Nagtatakang naguguluhang tawag nito sa akin, namutla pa ito.
"Ano pong sinasabi ninyo?" Tanong ulit nito sa akin ng hindi ako umimik.
"I will transfer him in a private room, hindi siya pwede rito. Baka mahawaan pa siya ng ibang sakit. Kakausapin ko lang ang doctor niya." Tinalikuran ko na ito. Hindi pa rin nakaimik, gulat pa rin ito. At halatang naguguluhan sa mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Romance( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...
