SHAKEERA's POV
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makabalik na kami sa department namin. Kahit sa department namin wala kang ibang maririnig kundi tungkol sa bagong boss namin. Na sobrang gwapo at hot kuno. Marami rin ang nagpapansin mga kinikilig pa. Ngunit ni isa ay wala namang pinasin, ni tapunan ng tingin wala. Maliban sa akin at kay Mike? Iyon ang napansin ko sa kanya.
Kung makatitig samin parang mangangain ng taong buhay.
Bigla tuloy akong kinabahan, tuloy hindi ako mapakali kanina. Buti na nga lang hindi ako napansin ng mga kasama ko.Naging busy na rin kami. Maya't maya nakita kong nagmamadaling lumabas si Mike na nakangisi pa. "Hoy saan ka pupunta huh?" Narinig kong sita sa kanya ni Marie. Nginisihan lang niya ito at kinindatan pa.
Nakita kong bubulong bulong si Marie. Malapit ng maglunch break ng bumalik ang loko. "Ayos ah palakad lakad lang ang isa diyan." Parinig na naman Marie.
Nilapitan naman niya si Marie at nilambing. Bago bumalik sa kanyang pwesto. Napaka-swerte ko talaga sa mga kaibigan kong ito.
Sabay na naman kaming apat na bumaba sa cafeteria para maglunch. Tulad ng dati, dating pwesto na naman. Nagsimula na kaming kumain, panay pa rin ang kwentuhan at biruan ng mga kasama ko.
Natatawa nalang ako sa mga kalukuhan ng mga ito. Nagpukos nako sa pagkain, ng marinig ko ang mga nasa loob ng cafeteria ng nagkakagulo na naman.
Paglingon ang boss pala namin ang pumasok sa loob. Nagulat pa ako dahil andito siya, iyong boss kasi talaga namin ay hindi namin nakita dito na kumakain. Lagi iyon sa labas. Pero siya, andito ngayon.
Agad ko namang binalik ang tingin ko sa pagkain ng mapansin kong pumunta siya sa dereksiyon namin.
Binati siya nina Marie ng mapadaan siya sa amin. Ngunit wala akonh narinig mula sa kanya. "Hmmp ang suplado naman pala" naisip ko. Hindi ko kasi tiningnan kaya hindi ko nakitang tumango siya sa dalawa.
Hindi na naman ako mapakali. Dahil nararamdaman ko naman na ang mga matang nakatitig sa akin. Hito na naman ang pulso ko ang lakas ng tibok.
Nakita kong umilaw ang phone ni Mike sa ibabaw ng table na malapit sakin. Kinuha niya ito at nagtatype ng nakangisi pa. At muling nilapag sa table.
Napalingon naman ako sa kabilang table ng tumunog din ang phone nito. Napasimangot pa ito ng mabasa kung ano man iyon at tumingin kay Mike.
Ang lokong si Mike hito nagbibida na naman sa pagpapatawa. Natuwa ako ng matapos na kaming kumain at nang makalabas na. I really feel uncomfortable here inside.
"Mauna na po kami Sir." Sabay pa na sabi nina Marie at Kris. Tango lang ang tanging sagot ni boss. Tipid akong ngumiti at yumuko sa kanya bilang pamamaalam. Parang nabigla pa siya sa ginawa ko. Nakakatawa ang reaksiyon niya. Napatulala kasi siya at napaawang pa ang bibig.
Dali dali na akong naglakad, inunahan ko na ang tatlo. "Oy Sha mukhang hindi ka nagmamadali ah." Nakangisi pang tawag sa akin ni Mike.
"Magsi CR lang ako." Sabi ko, at nauna ng lumabas. "Ayos ah, CR agad pagkatapos kumain." Narinig ko pa ang sinabi nito habang tumatawa.
Agad naman akong pumasok sa loob ng cubicle at umupo sa nakatakip na iniduro. Doon ako huminga ng malalim ng ilang bisis din.
When i feel relax, lumabas na ako at naghugas ng kamay at nagtooth brush na rin. Then kunting lipstick at powder sa mukha. Lumabas na ako when I feel satisfied.
Nasalubong ko naman ang isang grupo. Agad nila akong inismiran nang makita ako. "Hmmp akala mo kung sinong maganda, santa santita naman". Narinig ko namang sabi nong isa. At nagsitawan naman ang dalawa pa niyang kasama.
Hindi ko sila pinansin at lumabas na. Patungo na akong elevator ng makita ko naman ang pagpasok ng bago naming boss sa private elevator. Pero hindi niya ako nakita.
Naging busy na muli kami sa trabaho. Sa sobrang busy hindi ko na namalayan ang oras, time to go na pala. Naghahanda na kami sa pag uwi.
"Guys mamaya huh, hihintayin ko kayo." Narinig kong sabi ni Mike sa amin.
"Mike." Tawag ko sa kanya "Text mo sakin ang address niyo." Sabi ko rito. Nakita kong kumuha siya ng sticky note at sinulatan iyon. At iniabot sa akin.
"Hindi na kailangang e-text kung pwede namang isulat Sha." Natatawang sabi niya.
"Hindi rin naman kailangang isulat kung pwede namang sabihin din." Natawa na rin ako.
Sabay sabay na kaming bumaba. Ngunit kaming tatlo nalang nila Marie at Kris ang magkasamang nag abang ng jeep.
Mas naunang nakasakay ang dalawa. Hindi nagtagal ay nakasakay na rin ako.
Naabutan ko sa sala ang anak ko at ang kapatid ko. Agad naman siyang tumayo pagkakita sa akin.
"Mama." Sabay yakap sa leeg ko at hinalikan ako sa labi."Hi ate." Bati rin sa akin ni Shaina sabay halik sa pisngi ko.
Kumusta naman kayong dalawa rito." Nakangiting tanong ko sa kanila."Ok lang naman ate nakatulog naman ako ng maayos. Good boy naman itong little buddy ko." Sabi nito sa akin na nakangiti pa.
"Mabuti naman kung ganon, at hindi ka kinukulit nitong pamangkin mo. Pahinga lang saglit si mama hah, mamaya aalis na tayo." Tiningnan ko anak ko.
"Ok mama I'll wake you up na lang po." Sabi niya sa akin. At pumasok na ako sa kwarto namin at nagpalit ng short at shirt bago nahiga sa kama.
"MAma wake up na po." Isang mahinang tapik sa pisngi ko ang gumising sa akin.
"Hmmm, anong oras na nak?" tanong ko sa anak habang humihikab pa at nag-iinat ng mga braso."Its time to get up na po." Sabi pa niya sa akin.
"Ganon? Huh." Kaya pinupog ko siya ng halik sa pisngi niya. Tawa naman siya ng tawa sa ginawa ko.
"Mama enough na po." Tumatawa pa ring sabi niya sa akin.Pass six na pala ng tingnan ko ang oras sa cp ko. Kaya bumangon na ako at sabay na kaming naligo. Nakahanda na rin ang kapatid ko para pumasok sa hospital.
"Ate pasok na po ako." Paalam niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. "Sige ingat ka, ang ganda talaga ng kapatid ko." Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya.
"Syempre naman ate mana ako sayo eh." Sabi naman niya sa akin.
"Oh siya sige na baka malate ka, traffic pa naman." Bumitaw na siya sa akin at hinalikan ang anak ko sa labi bago lumabas.Nakabihis na kami ng anak ko. Kulay peach na three forth body fit na dress na hangang tuhod ang suot ko. And three inches skin tone strap abendschuhe sandal ang Sapin ko sa paa. Ganon din ang kulay ng sling bag ko. Light lang din ang make up ko, my long hair nakalugay lang at medyo kinulot kulot ko ang dulo.
Si Shawn naman, pariho kami ng kulay ng damit. Peach long sleeve polo shirt na nakatupi hangang siko and a blue short. And a pair of boat shoes na kulay light brown.
"Ang gwapo talaga ng anak ko."
Nakangiting sabi ko sa kanya. "Mama, do I look like my papa? Kasi sabi nila I don't look like you daw po." Hindi na ako nagulat sa tanong niya sa akin."Siguro, I don't know Shawn." Sabi ko sa anak ko. At habang tinititigan ko siya, bigla akong natigilan at kinabahan ng may nakita akong isang imahi sa mukha ng anak ko. "Impossible" naibulong ko at naipililig ko na lang ang ulo ko sa isiping iyon.
Agad kong sinabi sa driver ang address na pupuntahan namin. medyo matraffic parin. Hangang sa pumasok na kami sa isang exclusive subdivision.
"Kuya hindi ba tayo naligaw?" Nagulat ako. Hindi ko napigilang itanong sa driver.
"Hindi po ma'am ito po iyong address na sinabi niyo, madalas po akong maghatid ng pasahiro dito." Sagot na man niya sa akin.Huminto kami sa isang malaking gate papasok, tinanong muna kami ng nakatalagang guard kung saan kami. Pinapasok naman kami ng sabihin ko ang pupuntahan namin.
Grabi ang mga bahay dito ang lalaki. At ang gaganda. Parang nagpapaligsahan sa laki at ganda. No hindi bahay kundi mga mansion, nakakalula talaga.
Huminto na ang taxi sa isang napakalaki at napakagarang gate, ng isang mansion.
"Ma'am andito na po tayo." Sabi sa akin ng driver. Agad naman akong nagbayad at nagpasalamat. Bago bumaba.Akay akay ko si Shawn nagtungo na kami sa may gate. Automatic iyong bumukas, pinakita ko sa guard ang invitation card ko at pinapasok na kami.

BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Romance( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...