SHAKEERA's POV
Ang sakit, ang sakit sakit na makita sa ganoon ang kapatid ko. Ayaw kong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Kailangan, kailangan na maging matatag ako sa harap niya. Sa paningin niya. Matalino siyang bata. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko, pero kailangan niyang maniwala.
Umuwi muna ako sa bahay namin upang kumuha ng mga gamit niya. At gamit ko na rin. Panay pa rin, ang pag-agos ng luha ko habang nasa loob na ako ng taxi. Hindi ko talaga mapigilan ang mga ito. Panay na rin ang sulyap sa akin ng driver. Dahil na rin sa impit kong paghikbi.
Ang sakit talaga ng dibdib ko.
Para na itong sasabog.
"Shakeera kamusta na si Shaina? Bakit ka umiiyak hija? May nangyari bang masama sa kanya?" Salubong sa akin ng kapitbahay namin. Pagkababa ko ng taxi. Mas lalo pa akong napahikbi sa tanong niya, kaya niyakap niya ako at hinagod ang likod ko.
"Manang kailangan pong maoperahan ng kapatid ko sa lalong madaling panahon. May namamagang ugat po sa puso niya. Sabi po ng doctor kailangan agapan agad habang maaga pa. Kasi daw po baka mas lumala ito pag binaliwala, manang hindi ko po kakayaning may masamang mangyari sa kapatid. At kakailanganin ko po ng malaking halaga, saan po ako kukuha non." Panay pa rin ang hikbi ko sa kanya.
"Kaya mo yan hija, hayaan mo kakausapin ko ang kapitan natin dito. Hihingi tayo ng tulong, at itong mga kapitbahay natin sabihan kong mag ambag-ambag kahit na kaunti. Para kahit papano ay mabawasan man lang. Kaya huwag ka ng umiyak hija. Magdasal tayo para sa ikabubuti ng kapatid mo. Kaya mo iyan, kaya niyo at kaya natin ito okey?" Sabi sa akin ni manang.
Kahit papaano ay lumuwag ng kaunti ang nararamdaman ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nagmamalasakit sa iyo. Gagawa ng paraan para matulungan ka kahit sa maliit na halaga. Nakakatouch.
"Maraming salamat po talaga manang, tatanawin ko pong malaking utang naloob po ito sa inyo." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Alam mo naman dito sa atin hija, kahit puro tayo mahihirap dito. Pero oras na may nangangailan isa sa atin ay talagang nagtutulungan tayo. Nag-aambagan. Isa pa magkakapitbahay tayo kaya tayo tayo lang nagtutulungan." Napatango lang ako sa sinabi ni manang tama kasi iyon sa oras ng kagipitan nag-aabot kami kahit na kunting halaga lang.
"Sige po manang kailangan ko na pong maghanda ng mga gamit na dadlhin ko po sa hospital." Paalam ko kay manang.
Sige hija hindi na kita iisturbuhin ha, pero basta bukas pag may naipon na kami ihahatid ko na lang sa hospital bukas." Sabi ni manang sa akin.
"Maraming salamat po talaga manang." Sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Ngunit bigla akong natigilan ng paglingon ko andoon pa rin pala ang taxing sinakyan ko.
Natampal ko ang noo ko. Hindi pa pala ako nakapagbigay ng pamasahi ko dahil wala akong dalang pera kanina. Nakakahiya, pero siguro naintindihan naman ako ng driver.
Agad na akong pumasok sa loob at kumuha ng pera. "Manong bayad ko po, pasensiya na po kayo kung natagalan ako. Salamat po uli sa paghintay." Sabi ko kay manong driver sabay abot ng pera sa kanya. Pinasobrahan ko na rin ng kaunti.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit hindi ko maiwasang tumulo na naman ang luha ko. Ng maalala ko na naman ang kundisiyon ng kapatid ko.
Hindi sinasadyang nakapa ko ang bulsa ng suot kong short. Nahawakan ko ang isang maliit na card. At tiningnan ko itong muli. Bago inilagay sa wallet ko. Naalala ko ang sinabi ng bakla.
Bumalik na ako sa hospital pagkatapos kong magligpit ng mga dalahin ko. Pati na rin ang binili kong fried chicken.
Tulog siya ng dumating ako, agad kong inilapag ang gamit namin sa gilid at hinalikan ko siya sa pingi. "Ate, nakabalik kana pala." Nakangiting sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Romance( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...
