CHAPTER 26

5.1K 84 5
                                    


SHAKEERA's POV

Naiwan akong nakatanga, sa gulat ko. Dahil sa biglang pagsulpot ng anak ko sa opisina kasama pa si Sir James. Imbis na sagutin ang mga tanong ko iba pa ang sinabi nito. Anong nagyayari, bakit magkasama sila.
Naguguluhan pa rin ako sa mga pangyayari. Nakatanga pa rin akong nakatingin sa nilabasan nilang pinto.

"What's the meaning of that Sha?" Pukaw sa akin ni Marie. Nakalapit na pala ito sa akin.

"I don't know." Naguguluhan pa ring sabi ko sa kanya.

"Miss Alcantara, pinapatawag ka ng boss sa office niya." Maya maya narinig kong sabi ni Mrs. Ramos.

Kinabahan ako baka may ginawang hindi maganda ang anak ko. Agad akong lumabas ng opisina at tinungo ang opisina ng boss ko. Sinalubong naman ako ng nakangiting si Miss Charry.

"Hi ate Sha, pasok na po kayo sa loob. Hinihintay na kayo nina kuya." Sabi pa nito. Alanganing ngumiti ako sa kanya.

"Sige salamat." Nahihiyang sabi ko.

Dahan dahan rin akong naglakad sa harap ng pinto. For the first time ngayon lang ako nakapunta rito. Ngayon lang ako makakapasok sa opisinang ito, kung hindi pa sa anak ko.

Kumatok ako ng tatlong besis. Naghintay ako ngunit walang sumagot.

"Ate, pasok na daw po kayo sabi ni kuya. Sound proof po kasi iyan." Nakangiting sabi pa nito.

Dahan dahan kong tinulak ang pinto. At sinilip ko loob, tahimik wala akong narinig na ingay. Nagtataka tuloy ako, inikot ko ang mata ko sa paligid. Napakalawak, napakalinis at napakaganda ng lugar na ito. Glass wall at kita ang paligid nito.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang isang pinto na nasa loob lang din ng opisina. At iniluwa nito ang anak ko kasama si Sir, nakangiti ang mga ito.

"Mama." Nakangiting tawag ng anak ko sa akin habang patakbong lumapit.

"Careful Shawn you might fall, don't run." Saway ko sa kanya. Umupo ako sa harap niya at hinalikan ito, isang smack sa labi nito. At kinarga ko ito.

"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko sayo kanina." Sabi ko rito.

"Hinatid siya dito ng kapatid mo kanina, may emergency raw sa hospital pinapunta siya." Si Sir na ang sumagot.

Kaya napalingon ako sa kanya. Nasalubong ko pa ang matiim niyang titig sa akin, kinabahan tuloy ako. Kaya agad ko itong binawi.

"Ah ganon po ba. Lets go na Shawn." Sabi ko rito at inaya ko na ang anak ko.

"Mama later na po, Tito James order foods for our lunch." Sabi nito. Napatingin ako kay sir, tumango lang ito.

Maya maya bumukas ang pinto at pumasok si Charry may bitbit ng mga supot ng pagkain. Galing sa isang mamahaling restaurant.

"Foods are ready na Kuya." Sabi nito at lumabas na.

"Thanks." Narinig kong sabi naman nito.

Hinila naman ako ng anak ko papunta sa misa. Nahihiya man napalapit na rin ako. Ang daming pagkain parang sampong katao ang kakain nito.

"Come mama let's eat." Sabi nito at kumuha na ng plato at kutsara. Ibinigay iyon kay Sir at sa akin na rin, bago siya kumuha ng sa kanya.

"Thanks kid." Sabi nito saka nilagyan ng pagkain ang plato nito. Nagulat pa akong napatingin sa kanya dahil pati plato ko nilagyan din. Hindi na ako umimik pa.

Tahimik lang kami habang kumakain. Parang may dumaang angel. Tunog lang ng kubyertos ang maririnig.

"Mama I'm full." Maya maya ay sabi ng anak ko. Huminto na rin ako sa pagkain, sa totoo lang hindi ako nakakain ng maayos. I'm not comfortable.

"Tapos kanang kumain? Kakaunti lang kinain mo." Tumango lang ako. Ngunit nakita kong nilagyan niya pa ang plato ko.

"Eat, don't be shy, you just eat little." Sabi pa nito. Napatingin na lang ako sa kanya. At bumalik na rin ito sa pagkain niya.

Napipilitan man tahimik ko na ring kinain ang nilagay niya sa plato ko. At naubos ko na rin ito.
Niligpit ko na rin ang kinainan namin pagkatapos. At dinala sa may pantry na nasa loob lang din.

"Just keep it there." Sabi niya ng makita niyang huhugasan ko na sana ito. Napaigtad pa ako sa gulat ng magsalita siya. Nakasunod na pala ito.

"Ok lang po madali lang naman ito." Sabi ko at mabilis na hinugasan ko na rin ito. Nagulat pa ako paglingon ko dahil muntik ko ng mabunggo si Sir. Hindi pala ito umalis sa likuran ko.

Biglang rumagasa ang kaba sa dibdib ko. Para na namang may naghahabulang kabayo sa loob nito. Ang lakas ng tibok nito na halos naririnig ko na. Nakatitig lang siya sa akin, sa mga mata ko at pababa sa labi ko. Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan ko.

Napalunok pa ako ng laway ko. At nakita ko rin siyang napalunok din. Dahil sa gumalaw ang adams apple niya.

Dahan dahang bumaba ang mukha niya sa mukha ko. Pababa ng pababa, unti unti naramdaman ko na lang na lumapat ang mainit niyang labi sa labi ko.

Napapikit na lang ako. Dahan dahan itong gumalaw. Ang isang kamay niya nasa batok ko, ang isa naman nasa baywang ko mahigpit na nakahawak. Ang dati magaan at mahinang galaw na labi ay biglang naging mapusok, at mapaghanap.

Hindi ko namalayan unti unti na palang tumaas ang mga kamay ko sa batok niya. At iniyakap ang mga braso ko roon. Doon na ako kumuha ng suporta, dahil parang nanlalambot ang mga tuhod ko.

Naramdaman ko naman na mas lalong humigpit ang hapit niya sa akin. At mas naging mas mapusok pa ang mga labi niyang naghahanap ng katugon.

Naramdaman ko na lang na bahagya niyang kinagat ang lower lip ko. Kaya naibuka ko ito, iyon ang hinihintay niyang pagkakataon.

Pinasok niya kaagad ang dila niya at ginalugad ang loob ng bibig ko. Nilalaro ng dila niya ang ang dila ko.

"Mmmm." Hindi ko napigilang mapaungol. Ang sarap kasi sa pakiramdam.

Parang may bulta bultahing kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nakakapaso pero masarap. Napagaya ako sa ginawa niya. Ang lambot ng mga labi niya, nakakabaliw.

Parang nahalikan ko na ito dati, parang naramdaman ko na rin ito. Parang natikman ko na rin ang mga labing ito. Parang pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito. Parang ganito rin ang nangyari noon, six years ago.

At biglang umiksina ang mga pangyayari sa loob ng isang unit. Parang ganito rin ang mga nakita kong eksina. Di ko sinadyang naitulak ko siyang bigla. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Kita ko pa sa mukha niya ang gulat at pagtataka, sa ginawa ko.

"Shakeera." Mahinang sambit niya sa akin. Naihilamos pa niya ang mga kamay niya sa mukha niya. At napabuntong hiningang nakatingin sa akin.

Mabilis naman akong tumalikod, at lumabas na ng pantry. Naiwan siyang nakatayo pa rin doon. At inakay ang anak ko palabas ng opisina niya.

"Let's go Shawn." Naguguluhan mang nakatingin sa akin ang anak ko sumama na rin siya sa paglabas ko.

"Mama." Napatingin ako sa anak. "I saw you and tito James kissing." Sabi niyang hindi man lang nakatingin sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi ng anak ko.

Bigla akong nakaramdam ng pag-init ng mukha ko. Nakakahiya ang anak ko pa mismo ang nakakita sa katangahan ko. Hindi pa rin ako nakaimik sa kanya.

"It's ok mama don't be shy, I understand your feelings." Nakangiti na ito sa akin. Nakaramdam talaga ako ng hiya.

"It's not what you think anak." Nasabi ko na lang sa kaniya.

Buti na lang kaming dalawa lang ng anak ko, kung nagkataon na may kasabay kami sa paglalakad. Talagang nakakahiya. Baka kung ano pang iisipin nito.

*****

Isang paris ng matalim at nalilisik na mga matang nakatingin sa dalawang taong naglakad patungo sa elevator. At narinig nito ang pag-uusap ng dalawa. Nagngalit ang mga bagang nito sa galit, Inggit at selos. Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamay nito. Nangingig pa.

Hindi maari ito, akin lang siya! Walang sinuman ang magmamay-ari sa kanya! Kundi ako lang! Ako lang! Papatayin ko ang sino mang hahadlang sa daraanan ko! Humanda ka, malas mo lang!

Sabi pa nito sabay talikod sa dalawang nag-uusap.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon