JAMES POV
"How come na walang nakuhanan ang CCTV kung sino ang naglagay ng envelope na ito?! Ereview niyo ng maigi! Mula kahapon hanggang kaninang umaga. Tingnanan niyong mabuti kung sino ang lumapit sa table asawa ko! Maliwanag?
Lahat kayo mananagot pagwala wala kayong nakita. Anong ginagawa niyo sa harap ng monitor kung wala kayong napansin na kahit anong kahina hinala sa kilos ng mga taong pumapasok at lumalabas sa building na ito.
Sa dami ninyo impossible na hindi niyo napansin o nakita man lang! Don't tell me na sira ang camera sa opisinang iyon! At kailan pa? kahapon o ngayon? kung kailan nangyari ito?" Hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko.
Sa sobrang galit at maihampas ang dalawa kong kamay sa mesa sa harap ng monitor. Nakayuko lang ang mga ito.
"Pasinsya na po sir, bigla po kasing nagkaabirya sa lahat ng connections kagabi bandang alas onse po." Mahinang sabi ng isa sa mga tao na nakaasign dito sa control room.
"Gaano katagal nangyari ito?" Napakunot noo naman ako sa sinabi nito. Kalmadong tanong ko rito.
"Hindi naman po ganoon katagal Sir, saglit lang po. Wala pong sampong minuto." Sabi naman noong isa.
"At sa loob ng oras na iyon ay may nangyari ng krimen." Sabi ko ulit sa kanila.
Hindi pa rin nawala ang galit ko. Saka naman biglang bumukas ang pinto ng control room. At pumasok dito si ang kaibigan kong si Arthur.
"What's the problem bro? Hmm, mukhang seryoso ah." Agad na sabi nito, na naging seryoso rin ang mukha.
Iniabot ko naman sa kanya ang envelope na hawak ko. Agad din niya itong binuksan at tiningnan ang laman nito. Saka napaiiling iling pa.
"Where did you get this? At kailan pa ito?" Seryosong tanong nito sa akin.
"Kaninang umaga, sa table ng asawa ko. Hindi maganda ang idinulot nito sa kanya. Dinala ko sa siya clinic earlier dahil nawalan siya ng malay. Dahil sa sobrang pag-aalala at takot." Sabi ko sa kanya.
Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong magalit, lalo na nang maalala ko ang mukha ng asawa ko kanina. Tumawag ako kanina sa clinic at kinumusta ang lagay niya, but shes still sleeping sabi ng nurse na nakausap ko.
At siniguro niyang ok lang ito. Medyo nakahinga ako sa nalaman ko. And I told her na tawagan ako oras na magising na ito. IYon nalang ang hinihintay ko sa ngayon.
"Tiningnan niyo na ba ang mga kuha ng CCTV?" Sabi naman nito sa akin.
"Yes, but we saw nothing. Walang nkuhanan ng camera." Sabi ko sa kanya. Napakunot noo itong napatingin sa akin.
"Bigla daw nagkaabirya sa lahat ng connections kagabi."
"Gaano katagal?" tanong naman niya.
"Almost ten minute." sabi ko.
"Akong bahala rito." Sabi naman nito saka inutusan isa isa ang mga naka tuka sa harap ng monitor.
Marami itong sinabi. At command sa mga ito. Mabilis namang tumalima ang mga ito. Eksperto ito pagdating sa ganitong mga gawain.
"BINGO!" Biglang narinig kong sinabi nito.
Kaya napatitig ako sa tinuturo niya sa monitor. Naka-paused ito, at bahagyang nakazoom in pa.
"No sweat." Pagmamayabang pa nito. Wala pang twenty minutes, ibig sabihin nakita na nito.
Nakakunot noo lang ako habang naatitig sa monitor. Hindi masiyadong aninag ang mukha nito. pero basi sa tindig nito, isa itong bababe. Kaya mas lalo akong napakunot noo.
BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Romance( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...
