Shakeera's POV
Tulog na tulog pa rin ang anak ko ng bumangon ako. "Ang gwapo talaga ng anak ko, kahit nakanganga ang cute pa ring tingnan." Napapangiti na lang ako habang tinitingnan ko siya.
Kahit saan angulo ko siya tignan wala talaga siyang nakuha mula sa akin. Nakuha niya sa kanyang ama ang physical feature niya for sure.
Pumunta na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Sinangag na kanin, hot dog, itlog, bacon at tuyo na may sawsawang suka na may kamatis. Ang mga niluto ko.
Inihanda ko na rin ang mga gagamitin ko para sa pagpasok at sa para mamayang gabi sa party.
Kakalabas ko lang ng banyo ay siya ring labas ng anak ko mula sa kwarto namin.
"Gising na pala ang anak ko, good morning Shawn." Bati ko sa anak ko. Pupungas pungas pa siya
"Morning too 'ma." Nakangiting sabi niya rin sa akin sabay taas ng mga braso niya sa leeg ko. To hug and to kiss me.
"Magbibihis lang si mama ha, then mag almusal na tayo." He just node at me.
Maya't maya lang ay bumukas na ang pinto sa sala at pumasok na ang kapatid ko.
"Hi buddy, good morning." Nakangiting sabi niya sa pamangkin niya. "Good morning ate." Bati rin niya sa akin. Niyakap agad siya ni Shawn at hinalikan.
"Good morning too tita." Sabi ng anak ko sa kanya.
"Wow, sarap naman nakakawala ng pagod." Sabi niya sa anak ko habang pinupupog niya ito ng halik sa mukha.
Napapangiti nalang ako habang pinapanood ang dalawa. Yeah, that's true nakakawala talaga ng pagod ang anak ko. Makita ko lang siya, mayakap, mahalikan, at malambing, ayon tangal agad ang pagod ko. Ganito yata ang ipikto ng anak sa ina. Sarap ng feeling.
Pumasok na ako at nagbihis na, wearing my gray pincel cut skirt na hangang ibabaw ng tuhod. And a white long sleeve blouse with buttons, and a pair of black strap sandal as my foot wear. With a light make up, hinayaan ko lang na nakatugay ang basa ko pang buhok.
Nasa hapag na ang dalawa pagkalabas ko. At titig na titig sa akin ang anak ko.
"Why Shawn?" Sabi ko sa kanya.
"Mama, why you always look so beautiful everyday?" Napa Oh at namangha naman ako sa sinabi ng anak ko sa akin. I did not expect his words for me.
"You know why mama is getting more beautiful everyday Shawn? It's because mama is happy and in love with my one and only man, and it's you. Its because of you anak." Madamdamin kong paliwanag sa kanya.
"Hmmp, why me Shawn? Am I not beautiful too?" Tampo kunwaring sabi naman ng kapatid ko ky Shawn. Natawa na lang ako ng mahina sa inasal ng kapatid ko.
"You too tita but mama is more." sagot naman ng anak ko sa tita niya. "Ganon?" Sabi niya dito.
"Yeah, why tita you don't want? At least you are still beautiful." Sabi naman ng anak ko. Napatawa na lang ako sa anak ko.
"Anyways Shawn may dadaluhan tayong party mamayang gabi hah, I already prepare your clothes. Kaya naka-ready ka na pag uwi ko mamaya ok." Paalala ko sa kanya.
Tumango lang siya. "Children's party ate?" Tanong sakin ni Shaina.
"No, birthday kasi ng isang kasamahan ko sa department. Si Mike, at pinapasama nila itong si Shawn. Saka wala rin naman magbabantay sa kanya mamaya kung iiwan ko siya kasi nga may pasok ka. Kaya isasama ko na, at gusto rin nilang makilala na itong anak ko." Napatango na lang siya sa sinabi ko.
Nagpaalam na ako sa dalawa pagkatapos namin kumain, para pumasok na sa trabaho. Suot ko na ang aking gray coat at sling bag ng lumabas na ako ng bahay.
Sakto na mang may dumaang taxi paglabas ko kaya pinara ko na ito. Taxi ako sa umaga pero nag jejeep na ako sa hapon.
Twenty minutes before eight in the morning ng dumating ako. Binati agad ako ng mga gwardya pagkapasok pati narin ng iba ko pang kasamahan.
Nagmamadali kong tinungo ang elevator para sumasakay. Marami na rin ang nag aabang sa tapat. Pero ng mapansin ko ang isang grupo ay hindi na ako pumwesto malapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Storie d'amore( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...
