JAMES POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit na naman ako naiinis. Kanina nainis ako sa doctor na iyon, halatang may gusto sa ina ng anak ko. Lalaki rin ako kaya alam ko ang mga tingin na iyon. At gusto pang idamay ang anak ko sa kalandian niya.
Huh! That will never happen! Akin lang ang mag-ina ko! Mag-ina ko?
Naitanong ko sa sarili ko.
Nawala lang ang inis ko ng matikman ko ang mga niluto niya. Napaka-swerte ng anak ko dahil siya ang naging ina nito.
Hindi lang maganda at sexy, maalaga na at masarap pang magluto. Mapagmahal din. At napakaswerte ko rin dahil natikman ko ang luto niya.
Tama nga ang sinabi ng anak ko kanina ng magkwentuhan kami sa sala nila. Habang nagluluto ng para sa tanghalian ang mama niya.
"Know what Papa? Mama is a good cook! Po." May pagmamalaking sabi nito sa akin.
"Really son?" Tanong ko naman sa kanya.
"Yes Papa." Siguradong sabi pa nito sa akin.
Tumayo ito tumungo na sa kusina. Habang hila ako sa kamay. Hindi naman kami napansin nito, sininyasan ako ng anak ko na wag maingay.
Kaya napagmasdan ko itong mabuti habang nagluluto. Napaka-graceful at napaka pino ng kilos nito. At ang sexy pa, mukhang ang lambot pa rin ng katawan nito. Yeah, I remember.
Ang hot din nito. Tuloy nag-init ang pakiramdam ko. Naramdaman ko pang nagalit ang alaga kong sawa sa katawan ko.
Titig na titig pa rin ako sa kanya ng bigla itong lumingon. At nagulat pa ito ng makita kami ng anak namin na nakaupo habang pinapanood siya.
"Gutom na ba kayo? Sandali na lang 'to?" Tanong nito sa amin ng anak namin.
"Yes Mama I'm hungry na po." Sabi naman ng anak namin.
"Kunti na lang maluluto na itong nilaga." Nakangiting sabi nito sa anak ko habang kumukuha ng mga pingan.
"Let me, asikasuhin mo na lang yang niluto mo." Agaw ko sa mga hawak nitong pingan.
Ilang saglit pa luto na ito, at inihain na rin. Sarap na sarap sa pagkain ang anak namin. Marami rin itong nakain. Kahit na ako, ang dami ko ring nakain. Napakasarap kasi ng mga niluto nito.
"You don't need to go to work, ipinagfile na kita ng leave kay Mike, for seven days. Asikasuhin mo na lang ang anak natin. Don't worry with pay ang leave mo."
Sabi ko sa kanya habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan namin. Tinanguan lang ako nito, ni hindi man lang ako nilingon.
"Papa I want to sleep po, can you come with me?" Narinig kong sabi sa akin ni Shawn.
"Magpahinga na rin po kayo Sir, alam kong pagod din kayo. Tabihan niyo na lang siya." Napatitig ako rito dahil sa sinabi niya,
Sir, po, kayo. She's the mother of my son pero pagtawag sa akin sa pangalan ko, hindi mabanggit banggit! Ganon ba kahirap para sa kanya na tawagin ako sa pangalan ko? Tsk.
Napabuntong hininga na lang ako,
"Is that really hard for you to call me by my name? Huh!" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Halata naman itong natigilan dahil sa sinabi ko.
"Boss ko po kayo, kaya dapat lang po na igalang ko kayo." Sabi nito sa akin.
"But you are the mother of my son." Mariing sabi ko rito.
"Kahit na po, you are still my boss and I'm only his mother. At wala po tayong relasyon." Naiinis ako sa sinabi niya.
"Yes I'm still your boss, so you should follow me. And no more buts, that's it! Call me by my name and that's an order from your boss! Or else." Dudurugin kitang muli sa mga bisig ko.
BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Romance( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...
