CHAPTER 34

5.8K 109 6
                                        

"Mama wake up na po." Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko.

"Mmm" dahan dahan ko pang iminulat ang mga mata ko. Nakangiting mukha ng anak ko ang sumalubong sa akin.

"Mama come get up, fix your self na po. Here Papa bought this for you, he said you must wear this po." Sabi niya sakin habang nakaturo sa dalawang paper bags sa may paanan ng kama.

"What's that Shawn?" Napakunot noo pa ako. Kibit lamang ito ng balikat.

"I don't know po, Papa only said you must wear that. He also bought for me." Nakangiting sabi niya sa akin sabay hawak sa damit niya.

Saka ko lang napansin ang suot nito. Nakabihis pala ito ng magarang damit.

"Why?" Nagtatakang tanong ko sa anak ko.

"I don't know po. Faster Mama, Papa is waiting outside." Sabi niya lang sa akin.

"Ok, just wait for me I'll be quick ok." Nakangiting sabi ko rito. Kahit naguguluhan sinunod ko na lang ang sabi ng anak ko.

"Ahmm Mama don't forget to put make up, just light only to inhance your beauty po." Pahabol na sabi nito bago ito lumabas. Ang anak ko talaga.

Ilang sandali rin akong nakatitig sa pintong nilabasan ng anak ko. maya maya napako ang tingin ko sa paper bags na nasa kama. Wala sa sariling inabot ko ito at tiningnan ang laman nito.

Isang sleeveless plain white dress na lampas tuhod ang haba nito. Simply lang but napakalambot ng tela nito. Parang ang sarap sa balat nito.

Napa "OH MY " na lang ako at napatakip sa bibig ko ng makita ko ang halaga nito. Kaya pala, it cost twenty thousand five hundred fifthy pesos. Muntik ko pa itong mabitawan dahil sa gulat ko.

And also diamond earings na may silver necklace na may diamond rin. Katerno ng earings and silver pouch.

May kasama din itong silver high heel sandal, na may mga palamuting kumikinang na diamonds. In deffirent sizes.

Kung nagulat man ako sa halaga ng damit, mas lalo pa akong nagulat sa halaga ng sandal na ito. At sa halaga ng mga alahas pati na rin ang pouch. Parang gusto ko ng himatayin sa nakita ko.

Ang tatlong taong sahod ko sa kumpanya kulang pa kung pagsasamahin ko ito. Although simply lang din ang design nito. But eligant. Nakakalula talaga.

Napaigtad pa ako ng marinig ko ang mga katok sa pinto ng kwarto namin.

"Mama, are you done na po?" Narinig kong tawag sa akin ng anak ko.

Para akong nagising mula sa pagkakatulog. Natataranta tuloy ako sa pagmamadali.

"Almost done na anak!" Sabi ko rito. Nagmadali na akong nagbihis.

And I'm right napakalambot talaga at napakasarap sa balat.
Agad ko ring inayos ang buhok ko inilugay ko lang ito at bahagyang kinulot ang dulo nito.

At naglagay ng simpling make up. Then I wear my sandal. Isang ikot at sulyap muna sa salamin, and I feel contented when I saw my reflection in the merror.

Nagmukha tuloy akong sosyal sa mga suot ko. Lumabas na rin ako. Nagulat na lang ako sa paglabas ko.

Si Sir James nakaupo sa sofa paharap sa akin. Kita ko sa kanyang mukha ang gulat, pagkamangha at paghanga sa mukha nito. Natigilan pa ito.

Kaya napalingon na rin ang mga kasama nito sa direction ko. Dahil sa nakitang reaction sa kanya. Bigla kasi itong nahinto sa pagsasalita. Nandito ang mga kaibigan nito pati na rin ang kanyang mga magulang.

At isang may edad ng lalaki. Kahit ang kapatid ko andito, hindi yata ito pumasok. Kita ko rin sa mga mukha nila ang paghanga. Napasipol pa ang kaibigan nitong si Miguel.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon