SOMEONE's POV
Walang kamalay malay ang mga taong nasa loob ng isang kwarto na may mga matang nakamasid sa kanila.
Hindi! Hindi pwede! Hindi ito maaari! Hindi kayo pweding magsama! Hindi!
Nagngingitngit sa galit ang isang paris ng mga mata. Nanlilisik at tila nag-aapoy sa sobrang galit, silos at inggit ito. Habang nakasilip sa mga taong nasa loob ng isang kwarto.
Kailangan ko ng gumawa ng hakbang. Sige magpakasaya na kayo sa ngayon. Dahil hindi rin iyan magtatagal! Sulitin niyo na ang oras na meron kayo ngayon! Dahil siguradong luluha kayo ng dugo sa gagawin ko!
Parang baliw na itong humahalakhak habang papalayo sa lugar na iyon.
*****
"Ano ba! Kanina pa ako nahihilo sayo ah, umupo ka nga riyan, pwede ba! Huminahon ka nga!" Galit na sabi ng isang babae.
"Paano ako magiging mahinahon huh?! Sa tingin mo ganon lang kadaling gawin iyon huh? Hindi! Hindi, hindi pwede! Akin lang siya, akin lang! Naintindihan mo? AKIN. LANG SIYA!!!"
Sigaw nito habang palakad lakad sa loob ng maliit na kwartong iyon.
"Tulungan mo akong gumawa ng plano, kailangang tulungan mo ako. Naiintindihan mo? ANO? Sumagot ka! Dahil kung hindi ikaw ang uunahin ko!"
Sabi nito na biglang itinutok ang hawak nitong baril sa kasama nitong babae. Para na itong baliw. Nanlaki naman and mga nito sa takot sa ginawa ng kasama into.
"Ops..Hindi ako ang kalaban mo. Magkakampi tayo. Huwag ako ang tutukan mo ng baril. Saka isa pa syempre tutulungan kita. Ikaw pa? Malakas ka sa akin eh"
Sabi naman niya sa nababaliw ng babae. Sanay na siya rito, ganon pa man kinakabahan pa rin siya. Kapag umataki na ang pagkabaliw nito. Dahil talagang wala na ito sa sarili at wala ng pakialam.
Baliw nga diba? Kaya wala sa sarili! Bulong niya sa sarili niya.
"Talaga? Tutulungan mo ako?" Tuwang sabi naman nitong baliw na ito.
"Oo naman, diba sinabi ko? Pero sa isang kondesyon." Sabi naman nito.
"Anong kondesyon?" Biglang nanlisik at tumalim ang mga mata nito.
"Una, ibaba mo muna iyang hawak mong baril. Baka masayang lang ang bala niyan kung naipotok mo sa akin. Saka Wala ng tutulong sayo. At isa pa inumin mo muna itong gamot mo. Para naman mas lalo ka pang gumanda at sumiksi." Pang-uuto niya sa baliw na babae. Into and paraan niya ng pagpapainom into ng gamot.
Tumalima naman ang baliw na uto uto. At agad na kinuha ang gamot nito at ininom. "Maganda na ba ako? Mas Sexy na?" Tanong agad nito pagkainom.
At umikot ikot pa sa harap ng salamin. Na nasa loob ng kwartong iyon.
"Oo napakaganda mo na, at mas lalo ka pang sumiksi. Hindi lang siya ang maiinlove sayo. Kundi lahat ng lalaking makakakita sayo." Pang uuto niya muli rito.
Niknik mong baliw ka! Walang magkakagusto sayong lukaluka ka. Ambisyusang sira ulo ka na nga Ang pangit mo pa, kung hindi dahil sa prostitics na bigay ko sayo hindi ka magmumukhang tao! Mukha kang unggoy na pinaglihi sa labanos. Kung hindi ka lang maputi, ewan ko lang. Hmp black and white monkey!
Panlalait niya rito sa isip niya. Ang laki ng ngisi nitong baliw na ito sa sinabi niya.
Tuwang tuwa naman ito sa sinabi niya. At nagniningning pa ang mga mata nito. "Talaga? At mas maganda na ako kaysa sa kanya? Magugustuhan na niya ako?" Sabi pa nito.
"Oo naman." In yours dreams BALIW! Sabi nito. Pilit ang ngiti nito. Wala parin itong tigil sa kakaikot ikot sa harap ng salamin. Wari bang tinitingnan ang kagandahan niya.
Mahilo ka sanang baliw ka! Sabi na naman nito. BLAGG gulat itong napalingon sa babaing nasa harap ng salamin. Wala na ito doon. Ayon Nakadapa na sa sahig na parang palaka.
At tulog, tsk... Kahit tulog ang pangit parin. The Sleeping crazy witch. Ano kayang gagawin ko sayo? Nakapameywang pa nakaharap sa nakahilatang babae. Habang nag-iisip. "Hoy! Bangon diyan." Gising nito gamit ang paa.
"Ahhh balaha ka nga diyan, total paggising mo wala ka nang maalala." Sabi niya at hinakbangan pa ito. Lumabas na ng kwarto ng babae.
Iniwan niya lang itong nakahilata sa sahig.
*****
"Aray ko... Ang sakit ng katawan ko. Bakit dito ako sa sahig natutulog? Aray... Sakit ng ulo ko nabagok yata ako." Daing nito ng magising na ito kinabukasan.
"Lannie!!!" Tawag nito sa kasamang babae. "LANNIEEEE!!! Nasaan ka bang Babae ka ha?!" Sigaw ulit nito.
"Andito na bakit ka ba sumisigaw huh?" Sabi naman ng babaing tinawag nito.
"Bakit ba ang tagal tagal mo?!" Asik pa nito sa babaing kasama.
"Eh naghanda pa kasi ako ng almusal mo." Sabi naman nitong si Lannie.
"Naghanda ng almusal! Ang sabihin mo, nakipaglandian kana naman!" Galit na sabi pa nito.
Bwesit ka talagang baliw ka! Sarap mong lasunin, nako! Pag ako napuno na sayo iwan ko lang, lentek lang. Baka matuluyan kana habang buhay!
"Halika na nga ng makakain ka na, inihanda ko ang favorite mong foods." Sabi nitong si Lannie. At hinila pa ito palabas ng kwarto. Tumalima naman ang baliw.
"Where's dad?" Tanong nito kay Lannie. "Nasa kwarto pa natutulog, bakit?" Sagot naman niya rito.
"Bakit? Bakit, masama bang tanungin kung nasaan and daddy ko huh?!" Galit na sabi nito.
Naku!.. Talaga kang baliw ka!
"Kako baka gusto mo lang makasabay ang daddy mo sa pagkain." Pasinsiyusang sabi niya.
"Di ba sabi mo tulog? Paano kakain ang taong tulog? Ikaw nga! Kumain ka habang natutulog! Baliw!" Sabi pa nito.
Ay baliw talaga! "Baka gusto mong gisingin ko ang daddy mo." Sabi nalang nito.
Hay nako! Ang hirap talagang makipag usap sa taong may tuliling sa utak. Nakakabaliw.
Pinalisikan lang siya nito ng mata at dumiritso na sa hapagkainan.
Tusukin ko yang mata mo, kita mo!
Inambahan niya ito ng kamay. Bigla naman itong lumingon sa kanya. "Titingnan ko lang kung anong magandang ayos ng buhok mo ang gagawin ko sayo mamaya." Pilit ang ngiting sabi niya rito at hinawakan ang bohok into.
Kalbuhin kaya kitang siraulo ka, mas bagay sayo. Mukha kanang pagong, na pinaglihi sa unggoy.
Napangiti pa siya sa naisip niyang kalukuhan. Habang inimagine ang mukhang naisip niya para rito.
"Anong nginingiti mo diyan? May binabalak ka ano?!" Asik nito.
Aba! Nakatunog! "Iniimagine ko lang ang magiging hitsura mo mamaya sa gagawin kong ayos ng buhok mo at sa mukha mo. Sigurado maraming mabibighani sayo." Palusot nito na kunwari nakangiti pa.
"Talaga?" Tuwang sabi naman nitong baliw nato.
Tumango naman si Lannie dito. "Sige na bilisan mo nang kumain para masimulan na kitang ayusan." Tumalima naman ito.
Uto uto talaga! Kung hindi lang dahil sa binigay sa akin ng daddy mo, nungkang pagtiyatiyagaan kitang pakisahan. Ang hirap kayang makisama sa isang kagaya mo. Nakaka stress! Ayukong maging katulad mo noh! Pero kunting tiis na lang, nasa akin ang huling halakhak.
Napapangiti nalang ito sa naisip niya.
"Let's go ayusan mo na ako." Aya nito sa kanya pagkatapos nitong kumain.
Hay... Magbabalat kayo na naman ang unggoy.
Naibulong na lang niya sa sarili niya. At sinimulan na itong lagyan ng prosthetics ang mukha nito.
Sinong mag aakala na isang baliw ang nagtatago sa likod ng mukhang ito. At nag oopisina pa huh!
Naiiling nalang siya. Tuwang tuwa naman ito sa nakitang hitsura nito sa salamin.
"Ang ganda ko talaga." Sabi pa nito. Bago umalis.
Hmmpp, Ganda daw! Lukuhin mong sarili mo. Napaismid nalang siya.
BINABASA MO ANG
The Man Behind The Mask( Completed)
Romance( #1 In tagalogromance ) ( #8 In gorgeous ) ( #9 In tagaloglovestory) ( #1 In tagalog ) She is Shakera Alcantara, 24 yrs.old and single. Mabait at mabuting anak, masipag, walang hindi kayang gawin basta para sa pamilya. Sinubok ng pagkakataon ang ka...
