CHAPTER 47

4.3K 90 7
                                    


"Mmm" Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang banayad haplos sa pisngi at braso ko. Dahan dahan akong kumilos at nag-inat ng mga braso at katawan ko.

Dahil sa pangangawit na naramdaman ko. Biglang natigil sa ere ang mga braso ko ng maramdaman kong parang biglang lumaki ang anak ko.

Mabilis kong idinilat ang mga mata ko. Bahagya pang lumaki ang mata ko sa gulat. Dahil hindi pala ang anak ko ang katabi kundi ang ama ng anak ko. Ang asawa ko.

Saka pa lang nag sink in sa isip ko ang mga nangyari. Parang sinilihan ang puwet ko sa sobrang bilis ng pagbangon ko. Akmang tatayo na ako ng hawakan nito braso ko.

"Sorry if I wake you up sweety. How's your feeling now?" Sabi nito sa akin.

"Ahm, hindi naman. Ok lang. Napahaba yata ang tulog ko. Anong oras na ba? Kailangan ko na sigurong bumalik sa trabaho ko, Nakakahiya naman." Natatarangtang sabi ko sa kanya.

Talagang nakakahiya, napasarap yata ang tulog ko dahil sa pagyakap ko sa kanya. Mabilis na akong naglakad papunttang pintuan, pero agad iyong natigil ng magsalita ito.

"It's already seven PM babe, kaya hindi mo na kailangang bumalik sa opisina niyo. We will go home now." Nakangiting sabi nito sa akin.

Nang lingunin ko ito. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos. "G-Ganon A-Ako katagal na natulog?" Hindi pa rin ako makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nauutal pa ako. Matamis lang itong ngumiti saka tumago sa akin.

"It's ok babe, ang importante nakapag pahinga ka ng maayos. Anyway kailangan na
nating umuwi, namimiss ko na si Shawn." Kumilos na rin ito upang bumaba sa kama.

Inayos muna nito iyon bago lumapit sa akin. Saka pa lang ako parang natauhan ng marinig ko ang pangalan ng anak ko. Alam kong nag-aalala na iyon, dahil hindi man lang ako nakatawag sa kanya upang ipaalam na matatagal kami sa pag-uwi.

"Si Shawn , kailangan kong tawagan." Nagmamadaling lumabas na ako ng kwarto.

"I already callled him, kanina while you still asleep. Sinabi ko na medyo late na tayo makauwi, dahil tulog ka pa. And he told me na huwag na kitang gisingin hintayin na lang daw kitang magising, dahil pagod ka daw." Mahabang sabi nito.
Na nagpatigil uli sa pagkilos ko.

"Ganon ba, thank you." Iyon lang ang nasabi ko.

"Wait kukunin ko lang yong mga pinabili mong pagkain kanina." Agad na nitong tinungo ang pantry area.

Saka ko lang rin naalala na nagpabili pala ako ng mga pagkain. Lalo na ang manggang hilaw na may kasamang bagoong.

Bigla akong nakaramdam ng paglalaway, parang gusto ko ng papakin ang mga iyon. Nagulat pa ako dahil sa biglang pagtunog ng tiyan ko, napahawak tuloy ako rito.

"Oh, it's better to eat first before we go home babe." Sabi nitong agad na inilabas ang mga pakain sa plastic saka ipinainit nito sa microwave ang pizza.

Agad naman akong natakam ng maamoy ang mga iyon. Sinungaban ko kaagad ang manggang hilaw saka isinawsaw sa ice cream. At nilagyan ko rin ng bagoong ang slice ng pizza saka mabilis na kinain.

Malapit ko ng maubos ang pagkaing nasa harap ko ng maalala ko ang kaharap ko. Hindi ito kumikilos, nakatitig lang ito sa akin habang kumakain ako. Napatulala pa ito, at puno ng pagtataka at amusement sa mukha nito. Nahiya akong bigla.

"Sorry, gutom lang ako, muntik ko na palang maubos." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa hawak niyang isang slice. Wala pang bawas iyon. Saka lang rin parang natauhan ito. Alanganing ngumiti sa akin.

"It's ok babe, don't worry. Natutuwa lang ako dahil magana kang kumain. Hindi ko alam na gustong gusto mo palang nilalagyan ng bagoong iyang pizza saka isinasawsaw sa ice cream ang maggang hilaw."

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon