CHAPTER 36

5.7K 110 10
                                        

Paggising ko kinabukasan, agad akong nagligpit ng mga gamit namin ng anak ko. Pagkatapos naming mag-almusal. Kaunti lang ang mga dadalhin ko.

Mga importanting gamit lang. Dahil hindi ko pa alam ang mangyayari. Kahit ang kapatid ko ganoon din. Iiwan lang namin dito sa apartment ang ibang gamit.

I really didn't expect na isasama ni Sir James ang kapatid ko. Ipapakiusap ko sana iyon sa kanya kung sakali man na isasama niya kame ng anak ko.

Kakatapos lang naming magligpit ng may biglang kumatok sa pinto. Isang medyo may edad ng lalaki ang nasa labas ng pinto.

"Magandang araw po Mrs. Smith ako po si Rey, Mang Rey nalang po itawag niyo sa akin. Inutusan po ako ng asawa niyo na kunin na po ang mga gamit ninyo kung tapos na kayo." Nakangiting sabi nito sa akin.

"Pasok ho muna kayo Mang Rey. Gisto niyo po ba ng maiinom? Juice po, kape o tubig po." Aya ko rito.

"Huwag na po ma'am salamat." Tangi nito sa akin.

"Shakeera nalang ho Mang Rey huwag na pong ma'am, nakakahiya naman po." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Naku! Ma'am Shakeera nakakahiya naman sa inyo. Asawa po kayo ng amo ko, kaya amo ko na rin po kayo. Saka po utos po sa amin ni Sir na igalang po kayo." Agap nitong sabi.

"Hindi naman po ibig sabihin na pagtinawag niyo po ako sa pangalan ko, ay hindi niyo po ako ginagalang Mang Rey." Nakangiti ko pa ring sabi kay Mang Rey.

"Saka po naiilang po kasi ako na tinatawag niyo po akong ma'am." Dugtong ko pa.

"Sige po Sha, Sha nalang ang itawag ko sa inyo." Sabi nito.

"Sige po Mang Rey, Sha nalang po. Iyon din po kasi ang tawag sakin ng mga kaibigan ko." Nakangiting tumango naman ito sa sinabi ko.

"Nakahanda na ba ang mga gamit niyo? Sha." Sabi nito.

"Opo Mang Rey kakatapos lang po naming maghanda. Pero sabi po ni Sir James after office niya na kami sususnduin." Sabi ko rito.

"Ang sabi po ni Sir, sa akin idadaan ko kayo sa opisina bago ko dalhin ang mga gamit niyo sa bahay ninyo. Hinihintay po kayo ni Sir." Sabi niya sa akin.

"Po? Hinihintay niya kami?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Opo" tumatangong sabi niya sakin.

"Bakit daw po, Mang Rey?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Naku Shakeera hindi ko rin alam. Basta ang utos ni Sir sunduin ko kayo at ihatid sa bahay ang mga gamit niyo. Iyon lang ang sabi niya." Mahabang sabi sa akin ni Mang Rey.

"Ganon po ba, sige po magpapalit lang po kami." Paalam ko sa kanya bago ako pumasok sa kwarto namin. Tinawag ko na rin ang kapatid ko para makapaghanda na din ito.

Hindi naman nagtagl lumabas na kami. "Siya nga po pala Mang Rey anak ko po si Shawn, ito naman po si Shaina kapatid ko po siya. Shaina, Shawn si Mang Rey pala." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Kumusta po kayo Mang Rey?" Nakangiting sabi ng kapatid ko.
"Ok naman ako hija, awa ng diyos." Nakangiting sabi rin nito.

"Hello po, Mang Rey." Nakangiti rin ang anak ko. Nagmano pa ito kay Mang Rey.

"Napakabait namang bata, kaawaan ka ng diyos hijo. At talagang kamukhang kamukha mo ang ama mo noong kabataan niya." Tuwang tuwa sabi nito sa anak ko.

"Thank you po." My son thank him. Lumapit naman si Mang Rey sa mga gamit namin. "Ito lang ba ang mga dadalhin niyo Sha?" Tanong niya sa akin.

"Opo Mang Rey, mga importanting lang po namin."
Nakangiti g sabi ko sa kanya.

Dalawang bag lang ang dala namin. Isa ang para sa akin at isa rin ang para sa anak ko. Pangatlo ang kay Shaina.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon