CHAPTER 52

4.2K 86 11
                                    

TRICIA?!"  Hindi ako makapaniwalang nandito ito ngayon.

"Yes, the one and only Tricia. Surprise..." Nakangiting sabi nito sabay lapit sa amin ng asawa ko.

"Kailan ka pa dumating? And how did you find us here?"

"Will, sa tanong mo kung kailan ako dumating. The day you were ambushed, Oh my God! That night? It's really a horror. Gosh." Sabi nito na medyo may kaartihan sa boses nito.

"Ang arte arte." Bubulong bulong naman ang kaibigan kong si Arthur.

"Hmp." Inirapan naman ito ni Tricia. Napangiti na lang ako sa inasal ng dalawa.

"Anyway, I'm the one who brought you two here. I was few cars away from you. Behind your back that night. Kakalapag ko pa lang, and we're on our way home na nga. And Oh my gosh really! I witness everything. I witness how your car bump into that tree. Gosh! It really scares me a lot. Gosh as in oh my gosh. You know, first time ever I saw an incidence like that! With my two eyes grabe. Will, actually. It's  Manong naman talaga ang nakakilala sa sasakyan mo. I just help him, you know. At first hindi ko kayo nakilala cuz of the bloods in your face and the feeling na shock na shock ako sa mga pangyayari. And Not until ng matitigan ko kayong mabuti. And na pa Oh My God Manong I know them! Sabi ko pa kay Manong that time. And I told him to make it fast, his driving and take you here. You know." Mas lalong inartihan pa nito ang pagsasalita.

Napatawa na lang ako sa isip ko. Alam kong sinasadya niya iyon para mas lalong inisin si Arthur. Dahil inis ang isang ito sa kaartihan ng kinakapatid kong ito. Ang talim ng tinging pinukol nito kay Tricia. Hindi naman ito nabigo.

"Tsh,  Pare sa labas lang ako, Sha huwag kang masiyadong didikit diyan baka mahawa ka sa kaartihan ng babaing yan." Sabi nito bago lumabas ng kwarto.

"Hmp, problema mo?" Sigaw naman naman nito. Napatawa na lang ako sa asal ng mga ito.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig... Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal..." Biglang umaalingaw ang boses ni Miguel sa loob ng kwarto. Kumanta kasi ito.

"Tse! Ka Miguel." Sabay dampot ng apple at ibinato iyon sa kanya. Agad naman nitong nasalo, humahalakhak pa ang loko pagkasalo ng masanas sabay kagat.

"Thanks." Sabi pa nito at itinaas pa iyon.

"This is really gonna be exciting." May kahulugang sabi naman ni Michael.

"You said it bro. I miss seing the cat and the dog fighting." Sigunda naman in Daniel. Sabay tawa pa.

"Tse! Lumayas na nga kayo rito. Sumama na kayo sa kaibigan niyong bitter pa sa ampalaya, na mababaw ang puwet." Inis na taboy nito sa tatlo. Panay naman ang halakhak ng mga ito.

"Bakit naman kami, ikaw ang lumabas. Habulin mo nagpapahabol lang yon sayo." Sabi pa nito.

"Kayo ang hahabulin ko nito kapag hindi pa kayo lumabas ngayon mga bweset kayo." Sabay dampot ng kutsilyo at iniumang sa kanila. Nag-unahan naman ang tatlo sa pinto, wala pa ring tigil sa pagtawa.

"Pikon!" Sigaw naman ni Migs Kay Tricia.

"Mga gago! Bweset!" Sabi nito saka lumingon sa amin. "Mga bahag naman ang buntot." Tumatawang sabi pa niya.

"Relax Trish ang wrikles." Nakatawang sabi naman ng asawa ko.

Nakakunot noo akong napatingin sa kanya. Kung makipag-usap kasi ito parang matagal ng kakilala. Relax na relax ito sa pakikipag usap, knowing Tricia na mapili ito sa mga kinakausap at kinakaibigan.

"You two, do you know each other?" Hind ko napigilang itanong sa kanila. Sabay naman silang napatingin sa akin.

"Yes" Sabay pa nilang sabi.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon