IKA-TULO

53 9 1
                                    

REASON..

“You forgot your purse.”

I stayed here crying for an hour, I’m sure maga na ang mata ko. And I’m sure nagtataka siya kung bakit nakatayo parin ako dito pagbalik niya at umiiyak pa.

Pinunasan ko ang luha ko at inabot ang purse ko.

And we just stood there, staring at each other na para bang pinapakiramdaman namin ang isa’t isa.

“Hatid na kita,” he finally said.

“Wag na. May trabaho pa akong tatapusin.”

“Alam kong wala kaya get in the car. Ihahatid kita Emi," he said with conviction kaya wala na akong nagawa at sumakay nalang sa kotse.

Napatingin ako sa phone ko.

12:14 pm.

Nagitla ako nung bigla niyang inilapit ang mukha niya sa’kin.

“W-what are you d-doing..” I stuttered because I suddenly got nervous.

“Seatbelt.”

Tinulak ko siya palayo.

“Ako na. Ako na," sabi ko ng kinakabahan

“Sorry," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. “Nasanay lang..”

Then nagets ko ang ibig niyang sabihin.

Tuwing sumasakay ako ng kotse, lagi kong nakakalimutang mag seatbelt kaya siya lagi ang nagsusuot ng seatbelt sa’kin. Noon. Noon yun.

So naaalala niya pa.

“Ano man yung nagpaiyak sa’yo, I hope you’re fine.”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Pa’no ko sasabihin na siya yung dahilan ng pag-iyak ko?

And I’m not fine! I feel like I’ll never be fine again.

Tahimik na kami pagkatapos nun. Tinuturo ko lang sa kaniya yung direksyon.

Hanggang sa..

“Oh no no.. no!” biglang sabi niya.

Tapos biglang tumigil ang kotse. Napatingin siya sa akin with a concerned look.

“Sorry.. di ko na-check. Out of gas,” he confessed shyly.

“Malapit na din naman dito ang apartment ko.. lalakarin ko nalang.”

Tinignan niya yung labas.

“Gabi na.. delikado.”

“I’m fine Khy. Kaya ko ang sarili ko. And besides, this is my neighborhood.”

“Hatid na kita.. tara,” sabi niya at lumabas na ng kotse at hindi man lang ako pinakinggan.

Wow great. This is the typical Khyree Jared.

Part of me is telling me this shouldn’t be happening, pero may part din sa’kin na gusto ang nangyayare ngayon.

Habang naglalakad kami, may tinawagan siya. Pero parang walang sumagot.

Nakita kong nagulat siya ng konti nang makita niya ang building kung saan ako nakatira. This is the same building na plinano namin noon kung saan kami titira as married couple. Funny, right?

“Nakakahiya man tong hingin sa’yo but,” panimula niya. “Can I stay for the night?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Wala na akong masasakyan ngayon.. wala ring sumasagot sa bahay, at hindi rin sumasagot si Klara.”

I hesitated. I felt uncomfortable. Pero anong magagawa ko? Alangan naman itaboy ko yung tao.

I led him to my apartment. And once again, he was surprised.

“Wow.. this is exactly the house we dreamed before..”

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang maiisip niya tungkol sa mga natuklasan niya.. pero bahala na!

“Do you need anything? Food? Drinks?” tanong ko na may tensyon ang boses.

Like wtf! Sino namang hindi kakabahan? I’m alone in this house with Khyree Jared. And he’s not just any other person! He is Khyree! Someone please teach me how to breathe!

“I’m good. I just need to stay for the night. I’m so sorry for all this trouble Emi.”

“Ano ka ba.. okay lang. Para namang wala tayong pinagsamahan.”

Pareho kaming napatigil dahil sa sinabi ko.

Sh*t! Ba’t ko naman yun sinabi?

Pero bakit naman hindi? Kung talagang wala na, edi okay na dapat kahit ma-topic pa yung past namin right?

So yun.. bigla akong pinagpawisan kaya umalis na ako sa harap niya at kumuha ng kumot at unan para sa kanya. Syimpre sa sofa siya matutulog. Alangan naman magtabi kami?

Jusko!

Nang-iinit ako dahil sa pinag-iisip ko!

“Eto oh..”

Binigay ko sa kanya yung unan at kumot.

“Really.. I’m sorry for all of these,” he said.

“Sana kasi pinagpabukas mo nalang yung purse ko,” I said at naglakad na papunta sa pintuan ng kwarto ko.

But before I was able to open the door, nagsalita siya.

“I was actually glad na naiwan mo ang purse mo sa kotse ko.”

Napalingon ako sa kanya na bakas ang kaguluhan sa mukha. Anong ibig niyang sabihin?

“Nagkaro’n ako ng rason para balikan ka.”

And my heart just exploded. WHAT?

Be The BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon