IKA-LIMA

55 7 1
                                    

FEVER..

“Galit ka ba?”

Napatingin ako sa kanya. Tapos umiling ako.

“Nainis lang,” I answered.

“Pareho lang yun.”

“They’re different.”

“Okay okay," he said in defeat at tinignan ang hubad kong balikat.

“Wala akong pakialam kahit mainis ka sa’kin Emi. But I don’t like how you dressed up tonight,” he said and without saying another word he took off his coat and put it on me. “Wag ka ng makipagtalo. Wear that for now.”

Tulad ng sabi niya hindi na ako nakipagtalo. I’m too flustered to pick a fight anyway. My cheeks are burning amidst this chilly night.

“Ihahatid na kita..”

Not again!

“Papunta na si Ani,” I said immediately.

As much as I like how he is showing me concerns, ayoko ng magkaron ng kahit anong ugnayan sa kanya. I don’t like how I am feeling when I am with him. I need to stop now.

Tumango siya. “Hindi na kita pipilitin.”

His phone suddenly rung. He answered it without hesitation..

“Klara.."

He doesn’t even hesitate saying her name infront of me. Meaning, wala lang talaga sa kanya lahat ng ginagawa niya sa’kin. Habang ako dito halos di makahinga tuwing tinitignan niya ako.

He suddenly laughed. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. So I got jealous. I envy her. For making him laugh that way, na noon ay ako lang ang nakakagawa.

But my agony did not stop there. Parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa dibdib ko, when I heard him say,

“Okay bye.. I love you.”

Okay that’s it! That’s my limit!

Buti nalang nakarating na si Ani. Kaya walang sabi-sabi ay pumasok ako agad sa kotse to hide my tears from Khy. Ayoko na.. ang sakit..

Ang sakit pa rin pala..

I’m still not over him.

Narinig kong kumatok sa bintana si Khy. Binaba ni Ani ang glass window, pero hindi ako tumingin kay Khy. Instead, I closed my eyes.

Narinig ko silang nagbatian. And then I felt him staring at me kahit nakapikit ako. Alam kong tinitignan niya ako.

“Take her home safely,” rinig kong sabi niya.

“Oo nemen," sagot ni bakla.

And then I heard the engine come to life. Nung tuluyan ng nakaalis ang kotse, saka ako dumilat.

Napatingin si bakla sa akin.

“Mapang-asar talaga si destiny no? How could he send that man in the same restaurant at the same time when you’re having your blind date? I feel like something will happen," sabi niya.

I just sighed.

“He loves her,” sabi ko habang nakatingin sa labas.

“You love him. Still love him,” sagot niya.

I did not answer. Pero alam kong alam namin pareho ni Ani na tama siya. I still love Khyree Jared.

And then a minute later, kinalabit ako ni Ani. I looked at him.

“Oh tissue.. kanina ka pa diyan,” sabi niya.

Yah.. crying again! My ghad Karen!

--

SUNDAY ay walang pasok sa trabaho. Nung dinilat ko ang mata ko, I immediately knew something is wrong with my body.

“Ahh ahh,” I said trying to hear my own voice.

Sore throat, nauseous, and body pains. Hinawakan ko ang sarili kong noo. May trangkaso ata ako.

Saka ko naalala na naulanan ako kagabi. Hayst.

Pinaka-hate ko sa lahat ay tuwing nagkakasakit ako. Kasi masiyado akong alagain. Hindi ko kayang gumalaw ng ako lang.

Kinuha ko ang phone ko and called Ani.

[Yes Kareng?]

“San ka?”

[Nasa bahay ako ng isang friend kong bakla.. inuman kami.. bakit?]

“Ah.. wala.. gala sana tayo.” I lied.

[Sure? Wait gurlalo! Ba’t parang husky ang boses mo? Okay ka lang ba?]

“Okay lang ako baliw. Kakagising ko lang kasi.”

[Sureness?]

“Yep.”

Hayst.. Alangan naman istorbohin ko si Ani eh minsanan lang yun mag-enjoy kasama friends niya.

I look up my other contacts, pero nahihiya akong manghingi ng favor. Ayoko ring tawagan ang pamilya ko, kasi malayo sila. Mag-aalala lang sila.

And then I came to stare at his name on my phone.

“No.. no way,” I mumbled to myself.

Napahiga ako sa kama ko. Ang sakit talaga ng ulo ko. Nagtalukbong ako ng kumot at pinatay ang aircon. Sobrang lamig ng katawan ko.

I forced myself to sleep.

Pero nagising ako because of chills. Nanginginig na ako sa lamig. Kahit anong balot ko sa katawan ko ng kumot ang lamig pa rin.

Sobrang lamig.. ang init ng hininga ko.. and I feel like dying. I felt so helpless and vulnerable. I hate this, kaya ayokong nagkakasakit ako.

Bigla kong naramdaman na may nag-alis ng kumot sa mukha ko. Hindi ko mahagilap dahil nahihirapan akong dumilat dahil sa sakit ng ulo at sa lamig.

“God.. ang taas ng lagnat mo..”

Kahit nahihirapan ay dinilat ko ang mga mata ko.

Am I being delirious?

Or is Khy really here?

Be The BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon