UNA

76 8 1
                                    

WEDDING GOWN..

WWM or Wed With Me ang kompanyang itinayo ni Karen kasama ni Ani. Ang kompanyang ito ay Wedding Maker. The company will take care of everything in the wedding. Mula sa susuotin, sa reception, sa foods, at lahat lahat na.

Karen Emily Regido, the CEO. She built the company with only 3 staffs. She was awarded as the Best Entrepreneur of the Year, a year after WWM was founded.

“Sorry talaga gurlalo.. hindi ko alam na si Khy pala yung ano.. yung ano niya," sabi niya na di matapos-tapos ang sentence.

Baliw talaga.. di nalang sabihing fiancee..

“Okay lang bakla.. ano ka ba. Tsaka matagal na yun. We’re over,” sabi ko.

“If you want Kareng, I can handle this project for you.”

“Ano ka ba.. let’s be professional okay? Ano ulit motto ng WWM?” I said eyeing him.

“Work over emotions,” sagot naman niya.

“See? Atsaka my ghaaad gurl.. I’m so over na no.”

“Sure ka gurl?” he said unconvinced.

“Oo nga!”

“Ok. Kareng pa-borrow ako ng company car ah..”

“Sige.”

Binigay ko sa kanya yung susi. At nung nakaalis na siya, saka ko naaalala na may lakad pala ako kasama ang kliyente namin. Magpapatahi na kami ng mga susuotin sa kasal nila.

Tanga! Wala tuloy akong masasakyan nito.

HABANG nag-aantay ako ng taxi, ay may humintong asul na sasakyan sa harapan ko. At nung bumaba ang bintana ng kotse ay bumungad sa akin ang mukha niya.

“My fiancee asked me to pick you up.”

Ewan ko pero naiinis ako..

Sa word na fiancee.

“Okay lang. Taxi nalang ako," I said trying hard to ignore his presence.

For god's sake heart! Stop drumming so hard! He's just Khy! Just Khy!

“Pinuntahan kita dito para sunduin tapos magta-taxi ka?”

Sinamaan ko siya ng tingin. At sumakay nalang sa kotse niya. Kainis.

Sa passenger’s seat ako umupo. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

“Sit infront," sabi niya lang.

Napairap ulit ako. Bwisit. Ayoko siya katabi!

At dahil ayoko na makipagtalo, lumipat nalang ako.

Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Tapos nung nagred ang traffic light ay huminto siya.

ANG TAHIMIIIIIIIIIIIIIIK.

“Music? Radio? Kahit ano?” sabi ko nung di ko kinayanan ang katahimikan.

“You know I don’t like playing anything in the car.”

Napairap ako.

Yah.. old habits never die.

Tas binalot na naman kami ng katahimikan. Kumakati na bibig ko talaga dahil sa sobrang tahimik.

“So.. kumusta," he suddenly said almost making me jump in surprise.

“Okay naman," sagot ko lang and he nodded his head. “Ikaw?” dagdag ko.

“I’m good. Getting married.”

Napaiwas ako ng tingin.

Hell what?! Umiwas ako ng tingin?! Why? Why would I do that? Why DID I do that?!!!

“Ikaw? May boyfriend?” tanong niya.

“Wala.”

After sa’yo, wala na. Tas ikaw diyan, ikakasal na. Unfair.

“Why?” tanong niya.

“Ang hirap humanap ng papantay sa’yo,” bulong ko.

“What?”

“I mean, busy sa work. Career muna ako focus.”

He stepped on the gas when the light switched to green.

“Why did you choose us?” tanong ko. “Sinadya mo bang kami ang piliin para sa kasal niyo?”

“No. Believe me, it’s pure coincidence. Si Klara ang pumili at ni hindi ko alam kung anong kompanya ang hinire niya.”

“Alam niya ba?” I hesitated for a moment kung ipagpapatuloy ko ba ang sasabihin ko, but I continued anyway. “Yung tungkol sa’tin?”

He took a glance at me and answered,

“No.”

Natigilan ako sa sunod niyang sinabi.

“She doesn’t have to know. It’s in the past anyway.”

I got sliced in the heart without a warning.

“Nga naman," sabi ko nalang.

What I didn't expected was getting hurt when he said it's in the past. The past..

NANG MARATING namin ang lugar kung saan sila magpapatahi, pumili na sila ng mga designs. Ka-partner ng WWM ang designer.

“I love this one.. it’s very elegant," sabi ni Klara habang nakatingin sa isang picture ng wedding gown.

It’s a laced wedding gown.

My dream wedding gown.

“It’s perfect,” sabi ni Khy.

I almost rolled my eyes pero pinigilan ko. Be professional Karen!

“It’s perfect.. but I want to add something,” Klara declared.

“Sure thing honey.. what do you want to add?” tanong ni Madam Zenia na designer.

“Gusto ko may highlights na royal blue ang gown ko.”

“WHAT?!” -- “Why?”

Sabay pa kami ni Khy dahilan para bahagyang kumunot ang noo ni Klara.

“Why? This is my gown.. I can add anything I want to add right?” sabi ni Klara.

Nagkatinginan kami ni Khy pero agad ding nag-iwasan.

“Yes of course. Of course," I said trying to regain my composure.

Ganun ang dream gown ko eh. Laced gown highlighted with royal blue.

Same talaga kami ng gusto? Asar.

Tas napatingin ako kay Khy.

Nagreact siya.

Does it mean naaalala niya pa?

Ang dream wedding namin?

Be The BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon