FIRST MEETING..
Umalis ako kaagad sa yakap niya at hinampas siya sa dibdib. Umatras ako at tinakpan ang katawan ko gamit ang kamay ko.
“A-anong sin? Hoy Khy anong pinagsasabe mo d-diyan!” sabi ko na nauutal.
Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.
Argh!
Heart, please calm down!
--
“Magandang umaga tiyang,” bati ko.
“Good morning po,” bati rin ni Khy.
“Oh? Kamusta naman ang tulog niyo? Wala naman sigurong milagro diba?” malokong sabi ni tiya Josie.
“Actually po--”
“Ha-ha-ha tiyang naman,” sabat ko agad at baka ano na naman ang sabihin ni Khy.
“Hi po ate at kuya. Good morning po," bati ni Jessa na kakarating lang sa kusina.
“Hi Jessa naku ang laki mo na. Baby ka pa nung last kong kita sa’yo," sabi ko.
“Oo nga. She even calls you mama," dagdag ni Khy.
“And she calls you papa,” sabi ko rin.
Nakangiti kaming nagkatinginan ni Khy, pero nawala din ang mga ngiting yun at sabay kaming napaiwas ng tingin.
Memories..
“Pano yan? Mukhang malakas pa rin ang alon at hangin kahit wala na masyadong ulan,” sabi ni tiyang.
“We’ll stay here tiyang, until the storm eases.”
Napatingin ako kay Khy dahil sa sinabi niya. Oh how I wish the storm will never ease.
“Oh siya siya, kain na tayo.”
Nagsikain na kami ng umagahan.
“Anong plano niyo ngayong araw?” tanong ni tiyang.
“Wala naman po. Tapos na naman po kami sa dapat naming gawin so I think stay nalang ako dito tiyang or tulong ako sa karenderya ni tiya Marta,” I said.
“Actually tiyang we’re going out. Maglilibot kami since matagal na kami di nakabalik dito,” biglang sabi ni Khy dahilan para mapatingin ako sa kanya.
We’re going out?
He and I? Here in Maragsa?
“Naku buti pa nga!” masayang tugon ni tiyang.
I look at Khy and he just smiled at me. So seryoso na to? Seryoso na siya sa sinabi niyang pagpapanggap namin?
I’m scared. Kasi baka maging sobrang masaya ako dahil sa pagpapanggap namin, then after all of it, I’ll be devastated again. I’ll be wasted again.
But whatever. I’d choose to get hurt later just to get another minute with Khyree now.
I excused myself dahil nag-ring ang phone ko.
“Hello..”
[Are you okay? I’ve been worried sick. Kagabi pa kita tinatawagan.]
I forgot about Randolf. I seem to forget about all things kapag kasama ko si Khy.
“I’m sorry lowbat phone ko kagabi. I think I’ll be stuck here until tomorrow. The weather is still not good. Hindi pa pwedeng magbyahe.”
[Where are you staying? Are you okay there?]
BINABASA MO ANG
Be The Bride
RomanceWhat happens when you have to organize a wedding for your ex-lover? A wedding that is identical to the wedding you planned together in the past? Karen's dream wedding is about to happen. With Khy as the dream groom. But.. will she be the bride?