DREAM-LIKE..
“W-what are y-you d-doing here,” nahihirapan kong sambit at sinubukang bumangon pero pinahiga niya ako ulit.
“Shhhh.. you’re sick. Saka na ako magpapaliwanag. First,” sabi niya habang inaalis sa mukha ko yung buhok ko at inilagay ito sa gilid ng tenga ko. “Let’s drop your fever down..”
Hindi na ako nagreklamo dahil wala na rin akong lakas. Nagdedeliryo na nga ata ako at naiimagine ko na andito si Khy.
Maya-maya naramdaman ko ang paglagay niya ng patch sa noo ko. Maybe it’s for cooling fever. I didn’t bother opening my eyes, dahil kahit gusto ko man, ay hindi ko kaya.
Inayos niya ang pagkakakumot sa akin, and I heard him leave the room. I don’t want to sleep because he’s here. But my body betrayed me.
Nagising ako kasi ginising ako ni Khy.
“Hey, you should eat," sabi niya.
Umiling ako.
One thing kapag nagkakasakit ako, ang hirap kong pakainin at painomin ng gamot. Ewan ko talaga bakit, pero kasi pag kumakain ako nasusuka ako, kaya mas pinipili kong wag nalang kumain. Lalo na pag umiinom ng gamot, sinusuka ko rin agad ang gamot. At dahil na rin hindi ako marunong uminom ng tabletas.
Ang pait ng lasa neto kaya hindi ko ito mainom.
“You need to eat kung gusto mong gumaling ka.”
Umiling ako ulit at ipinikit ang mata ko. Kaya lang pinilit niya akong paupuin sa kama. Pinasandal niya ako sa headboard ng bed at tinignan sa mata.
“Eat.”
And so.. wala na akong nagawa. Nanghihina pa rin talaga ang katawan ko. Tinanggal niya ang patch sa noo ko at hinawakan ito gamit ang palad niya.
Tapos kumuha siya ng thermometer at nilagay iyon sa tenga ko. Nang mag-beep ito ay chineck niya.
“Mataas pa rin ang lagnat mo,” komento niya.
Inilagay niya sa harap ko ang food tray na may stand. Nakita kong chicken porridge ang nasa bowl.
Nagluto siya?
If I am in my normal state, baka kinilig na ako. He used to cook this kapag nagkakasakit ako. This is also the reason why I don’t want to get sick simula nung maghiwalay kami. It’s because whenever I am sick, yung luto niya ang hinahanap ko. And he’s not there anymore.
Nakakatawa na ngayon, matitikman ko ulit ang chicken porridge niya.
Sinubukan niya akong subuan.
“Ako na,” I said weakly.
Ibinaba niya ang kutsara at tinignan ako.
“Just.. let me take care of you," he said and my heart melted. Hinayaan ko nalang siyang subuan ako.
Just for now.. just for today.. let’s pretend he is still mine.
“Ayoko na,” sabi ko nung wala na akong ganang kumain. Nasusuka na naman ako.
“Konti nalang Emily.. dalawang subo nalang to..”
Umiling ako..
“Ayoko na talaga," I plead.
He surrendered at inalis na yung food tray sa harap ko. Pinainom niya ako ng tubig.
Papahiga na sana ako nung bigla siyang nagsalita.
“No, no.. not yet. You still have to suffer another agony," he said half smiling.
At parang alam ko na..
“Hindi ko na kailangan ng gamot. I just need to rest," sabi ko.
Pero para siyang walang narinig dahil naglabas na siya ng gamot.
“Ayoko please?” sabi ko.
Nginitian niya lang ako. And I know the meaning of that smile. It means I have to drink meds.
Nilagay niya sa kutsarang may tubig ang isang tabletas ng gamot at pinatunaw ito. At tapos dahil matagal matunaw ay dinurog niya ito gamit ang isa pang kutsara at tapos nilagyan niya ng melted caramel. I am so touched. He still remembers everything. Everything.
Alam niyang napapaitan ako sa lasa ng gamot, that’s why he always do this kapag nagkakasakit ako. Pinapatunaw niya sa kutsara ang gamot tapos nilalagyan ng caramel.
“Your caramel is ready lil Emi,” he said playfully.
At pinigilan kog wag mangiti but I failed. I weakly smiled at him.
Ininom ko yung isang kutsarang gamot na may caramel at tapos pinainom niya ako ng tubig.
“Now let’s tuck you to bed,” sabi niya at tinulungan akong makahiga ng maayos.
Why..
Why is he so sweet? Why is he making me feel so special and loved?
And before sleep crept me, I said my final words to him..
“Thank you Khy," I mumbled and I saw him smile before I drifted to dreamland.
--
UMAGA NA nang nagising ako. Inalis ko yung patch na nasa noo ko. Siguro nilagyan na naman ni Khy ng patch ang noo ko.
Pero wait! Talaga bang andito si Khy? O panaginip lang lahat yun?
Nanlumo ako. Baka nga.. baka panaginip lang lahat yun. Imposible namang pupunta siya dito.. pa’no naman niya nalaman na may sakit ako?
Nag-inat-inat ako. I feel so much better. Nahihilo pa ako, pero kaya ko na. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina.
Nung narating ko ang kusina, I stopped and realized..
HELL! It wasn’t a dream! Khyree Jared is really here!
BINABASA MO ANG
Be The Bride
RomanceWhat happens when you have to organize a wedding for your ex-lover? A wedding that is identical to the wedding you planned together in the past? Karen's dream wedding is about to happen. With Khy as the dream groom. But.. will she be the bride?