IKA-UPAT

54 7 1
                                    

DATE..

I lay in my bed, both hands on my stomach, staring blankly at the ceiling, and super wide awake at 2 am. Sino naman kasi ang makakatulog sa sinabi niya?!!

Umupo ako sa kama at nagdesisyong uminom ng gatas, hoping that it might help sleep get to me. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan na naglakad papuntang kusina. Nung dumadaan ako sa sala ay doble ingat ako, kasi baka magising siya.

I tiptoed in my own home.

“Can’t sleep?”

Napatigil ako at napalingon.

Gising pa siya?

“Yah,” sagot ko.

“Same here..”

“Hindi ka ba komportable sa apartment ko?”

“No, it’s not your apartment. Iniisip ko lang si Klara.”

Upon hearing that, umigting ang tenga ko. At alam kong pagkatapos ng pag-uusap nato, papasok ako sa trabaho na walang tulog.

“Kung ano maiisip niya na natulog ako sa apartment ng iba,” dagdag niya.

That.. hurts.

“She’ll understand," sabi ko nalang and went back to my room without getting my milk. Nawalan ako bigla ng gana.

And I started sobbing.

We both can’t sleep. But the reasons are different. I can’t sleep because of him. And he can’t sleep because of her.

At tulad nga ng sabi ko, nag-umaga nalang hindi ako nakatulog kahit saglit. My heart ached so much na pati antok hindi ako kayang dalawin.

When I went out of my room that morning wala na siya. And he just left a note saying,

*I made breakfast. Thank you for making me stay.*

At napatingin ako sa mesa. Breakfast made by him. For me.

But I know, while my heart is pounding so hard because of this, para sa kanya wala lang to. It’s just a simple gesture to show his gratitude.

--

AFTER THAT hindi na kami nagkita ulit. Naging busy ang WWM sa pagprepare ng wedding nila, at sa iba pang events na kami ang nag-handle. Of course, nagsimula kami as Wedding Maker, but we diversified our company. Ngayon, we cater birthday, wedding proposals, and other events.

“Bakla.. yung sinabi mong blind date last week, okay pa yun? Pwede pa?”

“Oh my gosh Kareng!” sabi niya na nanlalaki ang mga mata. “Payag ka na?”

And dami na niyang sinet-up na blind date para sa’kin pero wala akong ni isang pinuntahan. Pero ngayon, nakapag-isip-isip ako. I think it’s time. To date someone and fall in love again.

Tinanguan ko ang tanong niya.

“Oh my gosh! Oo naman gurlalo! Pwedeng-pwede pa! Don’t worry.. ako bahala sa’yo,” sabi niya na parang mas excited pa kesa sa’kin.

Siguro sinadya ng tadhana na magkita kami ni Khy ulit. To give me closure. Para maka move on na ako. Since siya parang okay na naman kasi nagmahal na siya ulit ng iba. Siguro sinadya to ng universe para time ko naman na maging masaya.

--

“Kailangan ba talaga mag-ayos ng bonggang bongga Ani? Blind date lang to,” sabi ko habang sinusuri ang damit na suot ko.

“Ano ka ba! This might be the turning point of your life! Don’t worry! I’ll glam you up baby.”

Napairap nalang ako at hinayaan na siya sa gusto niya.

Be The BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon