***
"Perfecto!" pumalakpak pa ang wedding organizer. "3 days from now, kasal mo na Ms. Montaniel at Mr. Monserrate! Bagay na bagay talaga kayo."
Hinayaan kong si Eius ang makipag-usap sa wedding organizer.
"How about the theme color of the wedding, honey?" si Eius na ngayon ay tinitignan ang iPad na puno ng litrato ng disenyo para sa kasal.
"Ikaw bahala." walang gana kong sagot.
Pinanghahawakan ko ang sinabi ni Romeo na gagawa siya ng paraan para hindi ako maikasal sa iba. Ano kaya ang plano niya? Tatlong araw nalang ikakasal na ako.
"Yes, I want golden theme for our wed—" napatigil si Eius sa pagkausap sa wedding organizer at napaangat ng tingin sa akin. "Where ar—"
"Sa labas lang ako," Sabi ko at naglakad papunta sa hardin, hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Umupo ako sa may duyan sa may hardin ng aming bahay. I sighed. Tatlong araw nalang Romeo, anong plano mo sa sa ating dalawa?
"Esper!" napalingon ako dahil may tumatawag sa akin.
"Esperionne!" tumayo ako at hinanap ang pinanggagalingan ng boses. Alam ko ang boses na iyon. Romeo.
Nagpunta ako sa bush maze sa aming garden nang biglang may humila sa akin. "Ahhhhh!" sigaw ko pero naputol din agad iyon.
Inis ko siyang hinampas sa braso. "Palagi mo nalang akong ginugulat!" tumingin-tingin ako sa paligid, hinila ko siya papasok ng maze saka kinausap.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"
Ngumiti siya sakin saka hinawakan ang kamay ko. "May pupuntahan tayo."
"Alam mong hindi ako pwedeng lumabas." pigil na sigaw na sabi ko. Ang totoo niyan ay marami akong bodyguards na pinalagay ni Eius. Baka daw maisipan ko siyang takbuhan kaya bantay-sarado ako ngayon.
"Don't worry I asked help to Mariyah, maitatakas ka niya." Oo, alam ni Mariyah ang relasyon namin dahil minsan niya itong nahuli sa kwarto ko nang naghatid ito ng gatas sa akin.
Hinalikan niya ako sa labi ng ilang segundo bago nagpaalam. "Hihintayin kita sa labas ng gate sa likod bahay." At saka siya umalis.
_________________________________________
-👻
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
Short StoryShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
