A/N: Maraming-marami salamat sa lahat ng umabot dito. Alam kong marami sa inyo ang na-dissapoint ko pero ginawa ko po lahat para mapaganda ang istorya. Patuloy sana kayong magbasa ng aking istorya. Magkita-kita tayo ulit sa 'Número de Serie.'
***
"Ma'am eto na po yung picture doon sa venue." kinuha ko ang iPad at sinwipe.
"Thank you," sabi ko bago umalis ang sekretarya ko.
Ako na ang CEO ng aming kumpanya, nahirapan akong ibangon ito pero nagawa ko. Inspirasyon ko si Romeo pati ang anak ko.
Inayos ko ang laptop ko sa ibabaw ng lamesa sa aming garden.
Nakita ko ang anak ko na umaakyat sa isang puno. Agad akong kinabahan at dinaluhan siya. Pasaway talaga itong batang 'to!
"Zerionne! Bumaba ka diyan!" pagalit na sabi ko.
Humalakhak siya saka bumaba ng puno. Naglalambing siya yumakap sa akin.
Mga galawan ng batang 'to!
"Mommy parang gumaganda ka yata lalo." pambobola niya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi.
Kinuha ko ang towel niya saka pinunasan siya ng pawis.
"Ang hilig mong umakyat, nagmana ka talaga sa daddy mo. Para kayong unggoy, kung saan-saan umaakyat!"
Napatawa ako sa ala-ala na inaakyat ni Romeo ang gate at ang balcony ko.
Napatingala ako. Nakikita mo ba kami Romeo? Manang-mana sayo yung anak mo sa pag-akyat akyat. Napatawa ako saka patuloy na pinunasan ng pawis ang anak ko.
"May monkey bang handsome mommy?" nag-pout pa siya sa akin kaya napatawa ako at pinupog ko siya ng halik sa mukha.
"Oo, dalawa kayo ng daddy mo." panunukso ko sa kaniya kaya napasimangot siya lalo pero tinawanan ko siya.
"Zerionne!"
"My Atlas!"
Napatakbo agad si Z sa mga magulang ko. Alam na nilang si Romeo ang ama ng anak ko. Sinuportahan nila ako kay Z, noong pinagbubuntis ko siya. Bumawi din sila sa akin.
Mapait man ang mga pinagdaanan ko, marami namang magandang naging kapalit.
Maraming salamat Romeo, mahal ko.
"Happy 7th Birthday Zerionne Atlas!" bati ng mga tao kay Z. Agad namang napangiti ang anak ko. "Blow your cake and make a wish." they cheered.
Pumikit ito bago hinipan ang cake.
"Yey! Happy Birthday Z!" bati ulit nila.
Pumapalakpak ako habang tinitignan ang anak ko na masaya. Bawing-bawi lahat ng hirap ko sayo anak.
Tumakbo siya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. "Thank you, mommy." then he hugged me.
Kumalas ako at tinanong siya. "Ano namang winish mo?"
Ngumiti siya sakin bago sumagot. "I wished that where ever daddy is, I hope he's happy."
Nangilid ang mga luha ko sa sinabi ni Z. Sigurado ako anak, masaya ang daddy mo. Masayang masaya. Hindi ba Romeo?
Maybe Romeo didn't saved me.
But he leave someone who will,
He left me but he gave me a legacy.
That is Zerionne Atlas Montaniel Vanetti, my son, our son.
-END-
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
Short StoryShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
