***
Sa sobrang pag-iyak ko dahil sa sinabi ni Romeo. Bumaba ako para kumuha ng tubig, pagbaba ko ng hagdanan nakakita ako ng pulis.
"Ma'am mag-iimbestiga lang ho kami." sabi ng isang pulis.
"Bakit dito?" takang tanong ni mommy
"May namatay ho kasi malapit dito, tatanungin lang namin kung meron ba kayong kahina-hinalang napansin ngayon."
"Oh my god, sinong namatay?!" gulat na sabi ni mommy. Nakaramdam ako ng takot, asan na kaya si Romeo. Ano ang ibig sabihin niya sa mga sinabi niya. Bakit may alingawngaw ng baril sa linya at malapit dito sa bahay? Nagsisimula na akong kabahan.
"Zorromeo Vanetti ho."
Tumigil ang mundo ko sa narinig. Nag-uumpisa nang uminit ang sulok ng aking mga mata. Agad akong lumapit sa pulis at saka hinawakan ang balikat niya.
"Baka nagkakamali lang kayo! Hindi pa patay si Romeo! Tama! Buhay pa siya, kausap ko siya kanina! Ilabas niyo siya!" paghihisterya ko sa sala agad akong dinaluhan ni mommy at nilayo sa may pulis.
"Pasensiya na ho ma'am pero nakumpirma na ho namin. Puno ng bugbog ang katawan niya, meron ding mga paso, may isang saksak sa tagiliran, at may tama ng baril sa bandang puso—" nanginginig ako habang pinapakinggan yung pulis. Sinong gagawa sayo nito, Romeo?!
"—natagpuan din ho namin na hawak niya ang isang pulang box na may dalawang singsing sa loob." parang nabingi ako sa narinig nagbagsakan ang luha ko at napahagulgol ako ng malakas.
I thought Romeo will save me,
But no, let's scratch that.
My Romeo wrecked me, broke me, and killed me...
Because of his death.
_________________________________________
-👻
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
NouvellesShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
