Chapter 27

26 14 19
                                        

***

"Ang sakit ng braso ko." Pagrereklamo niya habang minamasahe ito. "Bakit ba bigla-bigla nalang pumapasok sa kwarto mo yun?! Mabuti nalang mabilis akong nakatakbo!" Reklamo niya sa akin.

I sighed. Nilapitan ko siya na nakaupo sa kama. "I don't know." Minasahe ko na rin ang mga braso niya, "Ngayon lang niya ginawa iyon."

Simula kasi ng engagement party namin ay dito na tumitira si Eius para siguraduhin na hindi ako makakatakas sa kaniya. Bilib nga ako kay Romeo na sa kabila ng mga matang nakatutok sa akin ay nakakalusot pa rin siya sa mga bantay at pati kay Eius.

"Panira ng proposal ko sayo e!" saka siya ngumuso at niyakap na naman ako ng mahigpit. Nagseryoso siya saka bumaling sakin. "Itatakas kita dito bukas ng gabi."

Nagtataka akong binalingan siya. "Bakit hindi pa ngayon?" tanong ko.



Inilagay niya ang tikwas na buhok ko sa likod ng aking tenga saa siya ngumiti. "Gusto kong paghandaan ang kasal natin ng umaga at pagpatak ng gabi doon tayo magpapakasal. Sa oras na maitakas kita, pakakasal tayo agad." Napaiyak ako sa sinabi niya, tumayo ako at kumandong sa kaniya. I straddled his legs and burried my face on his neck.



"T-thank you." pahikbing sabi ko. "Thank you so much, Romeo." humagulgol ako sa leeg niya. Basa na yung t-shirt niya ng mga luha ko.



Pinaghiwalay niya ang pagkakayakap ko sa kaniya saka pinunasan ang aking mga luha. "Ano ba yan anak, napakaiyakin mo." Pagbibiro niya.



Hinampas ko siya sa dibdib na nakapagpatawa sa kaniya saka niya ako pinanggigilan na yakapin.



"I love you," bulong niya sa akin. 



Napangiti ako saka siya hinarap. I cupped his face and gave him a peck on his lips.



"I love you too," I whispered.



_________________________________________

-👻

Romeo Saved Me | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon