***
Puno na ng pantal ang balat ko dahil sa lamok.
12:30 AM.
Wala pa ring Romeo. Kinakabahan na ako pero patuloy pa rin sa pagpapatatag ng loob ko si Mariyah.
"Lady Esper baka nagkaroon lang po ng problema, huminahon lang ho kayo.
3 AM.
Nagsisimula nang tumilaok ang mga tandang sa paligid.
3 oras, pero wala paring Romeo.
"Mariyah, bakit wala pa rin siya?!" umiiyak na sabi ko. Habang tumatagal papalakas ng papalakas ang aking paghikbi.
Napaupo ako sa lupa kaya naman agad akong dinaluhan ni Mariyah.
"Lady Esper tumayo ho kayo diyan, madudumihan iyang bestida niyo. Maniwala ho kayo dadating siya." Yumakap ako sa kaniya saka umiyak sa kaniyang mga braso.
"Tatlong oras na Mariyah, hindi ako paghihintayin dito ni Rome—"
"Esperionne!" nakarinig kami ng boses ng isang lalake.
"Rom—, L-laneius?" naguguluhan kong tinignan si Eius sa harap ko.
Agad niya akong binuhat na parang sako ng bigas.
"Eius! Eius! Ibaba mo ko!" nagpupumiglas kong sabi. Kinaladkad ng mga tauhan si Mariyah.
---
"Anong ginagawa mo sa lugar na iyon ng alas tres ng madaling araw, Esper!" umalingawngaw ang boses ni daddy sa buong mansion. Nakaupo ako sa sofa katabi si Eius habang umiiyak, kinu-kwestiyon kung bakit hindi sumipot si Romeo.
"You're trying to escape, do you?!" dagdag ni daddy na sinipa ang maliit na lamesa sa sala kaya nabasag ang vase na nasa ibabaw nito.
"Honey stop it, you're scaring her." pag-aawat ni mommy kay daddy.
Hindi ako sumagot at nanatiling umiiyak, mas iniisip ko ang hindi pagsipot ni Romeo kaysa sa galit nila.
_________________________________________
-👻
![](https://img.wattpad.com/cover/234102192-288-k427626.jpg)
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
NouvellesShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.