***
Nataranta kaming dalawa dahil papabukas na ang pintuan.
"Romeo!" sigaw ko. Saktong bumukas ang pinto at pumasok si Eius. Kinabahan ako at lumingon sa paligid.
Saan nagtago yun?
"Who's Romeo?" galit na sabi ni Eius. Agad-agad niyang hinalughog ang kwarto ko at tila may hinahanap. Pumunta siya sa mga closet ko at pinagbubuksan niya yon.
"What are you doing Eius?!" pigil ko sa kaniya. Dumiretso naman siya ngayon sa banyo at doon pumasok.
"Where are you hiding him?!" galit na sabi niya. Alam na ba niya? Kinakabahan kong nilibot ang paningin ko. Naaninag ko ang bulto ng lalake sa may balkonahe, nasa likod siya ng sliding door na natatakpan ng kurtina. Kumakaway siya sakin at nakangiti.
He's crazy, pachill-chill lang siya diyan habang hihimatayin na ako sa kaba.
"Nasaan mo tinago yung lalake mo, Esper?!" dumapa pa siya para tignan ang ilalim ng kama ko.
"Ano bang sinasabi mo Eius?! Get out, now!" nanggagalaiting bulyaw ko sa kaniya.
"Wag mo naman akong gawing tanga Esper! Narinig kong may tinawag kang Romeo bago ako pumasok! For fuck's sake ikakasal ka na sakin!" nagsisigawan kami dito sa kwarto. "Siguro ay nandito siya!" agad siyang dumeretso sa balcony.
Kumabog agad ang dibdib ko at pinigilan siyang pumunta doon.
Nandoon nagtatago si Romeo!
"Eius! Nooooo!" hindi ko siya napigilan at nakarating kami ng balcony. Hinahanda ko na ang sarili ko sa mangyayari ngayon pero walang nangyari. Wait!
Where the hell did Romeo hide? Wala siya dito sa balcony! Saan na siya nagpunta?
Baka tumalon?!
"Oh sige maghalughog ka Eius!" matapang na hamon ko sa kaniya. "Nababaliw ka na!"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Make sure Esperionne that you're not cheating on me!" then he suddenly walks out from the room.
I felt relieved when he walked out. Agad kong ni-lock ang pintuan at hinanap siya sa balcony.
"Romeo where the hell are you?" pinipigilan ko ang hindi mapasigaw.
"S-sweetie." mahinang tawag niya.
"Oh my god! Where are you?" tumakbo ako sa railings at hinanap siya.
"B-baby i-in h-here." I lowered my gaze. Nakita ko siyang nakalambitin sa may railings ng balcony. I face-palmed.
"H-hi..." he said.
Damn you Zorromeo!
_________________________________________
-👻
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
Short StoryShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
