Chapter 24

26 15 27
                                        

***

"Mom, Dad, this is Esper, my future wife." nakita ko ang gulat sa mga mukha ng magulang ni Romeo pati din naman ako ay nagulat. Wala nga kaming label, pano niya ko naging future wife!

Ang sinabi niya palang pupuntahan namin ay sa bahay nila. Wala akong ideya na ipapakilala niya ako sa magulang niya! Sana man lang ay nakapag-ready ako!

"Hija, sigurado ka na ba dito kay Zorromeo?" alalang sabi ng mommy niya. Napakunot naman ang noo ko.

Yung daddy niya naman ang nagsalita. "Oo nga hija, baka ginayuma ka lang nitong panganay namin."

"Mom! Dad! Wag niyo naman akong siraan kay Esper!" nagtatampong sabi niya sa kanila saka yumakap sa akin. "Feeling ko nga ako ang nagayuma niya e!" pinalo ko siya at sinamaan ng tingin.

"Anong ginayuma sinasabi m—"

"I've been enchanted by your beauty." Putol niya sa sasabihin ko saka ako nginitian. Bigla akong namula sa sinabi niya.

Mainit ang naging pagtanggap nila sa akin. Hindi namin kasing-yaman sila Romeo pero masasabi ko pa ring mayaman sila. Marami pala silang businesses at si Romeo ang humahawak non lahat.

Nagpaalam na ako dahil baka mabuking ang aking pagtakas, nagpasundo ako kay Mariyah dahil siya ang ipinaalam kong kasama ko.

Pagkadating ko sa bahay naabutan ko si Eius na madilim ang paningin sa akin. Bakit nandito pa rin siya? Anong oras na?

"San ka galing?" tanong niya.

"Sa mall. Sige akyat na ako." Akmang aakyat na ako ng hagdan ng dumagundong ang boses niya.

"Nag-uusap pa tayo!" napatalon ako sa lakas ng boses niya. "Saan. Ka. Nanggaling?!" galit na utas niya.

Alam ba niya? May nakakita ba sa amin ni Romeo?

Kinakabahan akong sumagot pero pinigil ko iyon. "S-sa mall nga! Pwede ba, pagod ako!" Saka padabog na umakyat ng hagdanan.

Isinarado ko agad ang pintuan at saka sumandal sa likod, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Kailangan pa naming mas mag-ingat sa susunod.

_________________________________________

-👻

Romeo Saved Me | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon