Chapter 25

28 14 21
                                        

***


We looked so childish here in my room because we're playing something.

"Ah! that hurts!" I screamed.

"Sorry sweetie, I was rough with you." he said looking apollogetic.

"Grabe naman, ang sakit!" I said. I can almost feel my tears building up,

"Sweetie, hindi ko pa nga sinagad e." hinaplos niya ang buhok ko saka ipinagpatuloy namin ang ginagawa. 

Tinakpan niya ulit ang mga mata ko dahilan para wala akong makita

"Ilan 'to?" tanong niya sa akin.

"Uhm, tatlo?" hula ko.

"Wrong answer!" 

Napaigik ako sa sakit ng pagpitik niya. "Aray! Ayoko na talaga!" I said frowning at him. "Sino bang nag-imbento nitong larong ito! Sabi mo di pa sagad yung lakas mo e ang lakas mo makapitik!" reklamo ko habang minamasahe yung noo ko. 

Kainis naman 'tong pitik bulag, hindi man lang ako nakahula kahit isa.

At isa pa, ang sakit niyang pumitik!

Niyakap niya naman ako ng mahigpit at isiniksik ang sarili sa aking leeg.

Naalala kong may hindi pa pala ako nasabi sa kaniya kahapon.


"Romeo?" seryosong tanong ko.

"Hmm?" malumanay na sagot niya.


"Anong plano mo sa ating dalawa?" malungkot na tanong ko sa kaniya.

He hugged me tighter. "I will stop your marriage at all cos—"

Tinanggal ko ang mga braso niya sa aking baywang saka siya hinarap. "2 days from now, I'm getting married."

Hindi ko man lang nakitaan ng takot ang mukha niya sa sinabi ko sa halip ay kinuha niya ang kamay ko at nakaramdaman ako ng malamig na bakal na isinusuot sa aking daliri. Napaiyak ako ng makita iyon.


"Romeo..." naluluhang sabi ko habang matiim na nakatitig sa kaniya. 


"I promised you that I'll save you from this mess." He smiled as he caressed my face. "Pakasal na tayo, Esper." Doon na bumuhos ang aking mga luha. Napayakap ako sa kaniya ng sobrang higpit saka umiyak ng umiyak.


Narinig kong nag-click ang door knob ng aking pintuan hudyat na may nagbubukas non.

_________________________________________

-👻

#Huliperohindikulong.

#Pitikbulagislife

Romeo Saved Me | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon