Chapter 34

28 15 28
                                    

A/N: Sorry po sa dissapointment pero gusto ko kasing maranasan ang magsulat ng ganitong istorya. Sorry po talaga. Continue niyo lang po kung gusto niyong maliwanagan sa nakaraang chapters. Enjoy reading! ☺

***


"Anak parang awa mo na, kumain ka para magkalaman ang sikmura mo." eto ang pinapakiusap sa akin ni mommy habang sinusubuan ako. "Bakit ka ba nagkakaganiyan? Malapit ka ng ikasal, ayusin mo ang sarili mo," sabi niya.

"Mommy akala ko ba papakasalan ko ang taong mahal ko?" walang buhay kong sagot sa kaniya.

May dumaang lungkot sa mga mata niya pero agad ding nawala iyon. "Hindi na mababago ang desisyo—"

Nagmamakaawa akong tinignan siya. "Ayaw kong makasal mommy." patuloy na hikbi ko.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Para din sa ikabubuti mo ito."

Hindi na ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ito nakakabuti sa akin. Labis labis ang pighati ko nang nalaman ko noong araw na iyon. Hinimatay ako noon at pagkagising ko ay nagtangka akong maglaslas. Nahuli ako ni mommy kaya nila ako itinali sa kwarto.

Isang buwan na ang nakalipas pero heto at miserable pa rin ang lagay ko, walang maayos na tulog at hindi kumakain.

Ang sarili kong pamilya'y ikinulong ako sa kwarto ko saka itinali para hindi na ako magtangka sa buhay ko.

Wala na yung buhay ko, wala na si Romeo, mananatili lang akong miserable kaya bakit hindi pa nila ako hinayaang mamatay. Mahihirapan lang ako kung papatagalin ko pa ang buhay ko.

Gusto ko ng sumunod sayo Romeo. Hindi na ako makapaghintay, kahit man lang sa kabilang buhay ay makasama kita.

Pumatak ang mga luha ko saka umiyak ulit. Bakit ba kailangang mawala ka pa? Mga hayop ang gumawa sayo nito!

Wala na akong balita sa kaniya simula ng araw na ikulong ako dito.

Napabuntong-hininga si mommy sa tabi ko saka ibinaba ang plato.

"Kukuha lang ako ng maiinom mo, babalik ako agad." mataman niya muna akong tinitigan bago umalis.

Napawi ang luha ko ng makita ang isang garapon ng gamot sa bedside table. Iyon ang gamot na ipinapainom sa akin dahil nagkaroon daw ako ng depression.

Agad kong kinuha iyon, mabuti na lang at abot ko iyon kahit may tali ang mga kamay ko.

Agad akong napangiti.

"Makakasama na kita, mahal ko." bulong ko bago ko ibinuhos sa bibig ko ang tabletas. Hindi na mahalaga ang lasa nitong mapait, mas mahalaga sa akin na makakasama ko na si Romeo.

Malapit ko ng maubos ang tabletas ng marinig ko si mommy na sumisigaw.

"Esperionne! Anak!" agad niyang inagaw ang bote sa kamay ko pero huli na siya ng dating.

Bumubula ang bibig kong tumitig sa kaniya saka ako napangiti. "M-mommy, m-malaya na a-ako."

"Asterrrr! Asterrrr! Si Esperionne, yung ambulansiya, dali!" tawag ni mommy kay daddy bago bumaling sa akin. "Anak, wag mo kaming iiwan, ikaw lang meron kami." habang kalong-kalong ako at umiiyak.

"Ma-masaya na ko mommy, i- i'm sorry."

Bago dumilim ang paligid, nakita ko si daddy na lumuluhang patungo sa akin. Kaagad niya akong binuhat saka hinahalikan ang ulo ko.

"Sorry anak, I'm sorry."

_________________________________________

-👻

Romeo Saved Me | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon