***
Nanatili akong nakakulong dito sa kwarto, hindi ako pinapalabas, kinulong ako ng sarili kong mga magulang. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng araw na iyon, patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang ngayon.
"Anak ano bang nangyayari sayo?" yan ang palaging tanong ni mommy sakin pero hindi ko masagot. Ipinagpaliban din ni Eius ang kasal, hindi ko alam kung bakit pero sa isang buwan na lang daw.
"Bakit ba hindi ka dumating?" bulong ko habang umiiyak. Ilang araw na akong hindi kumakain at naliligo, nawalan na ako ng gana sa lahat. Pinaalis na din si Mariyah bilang maid ko, hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapag-sorry sa kaniya, alam kong kailangan niya ang trabaho para sa mga kapatid niya.
Nakatulog ako sa sobrang pagod sa pag-iyak.
Napamulat ako at nakitang gabi. Nagising ako dahil sa pagtunog ng aking telepono, hahayaan ko nalang sana pero hindi ito tumitigil.
"Hello." inis na sabi ko.
"S-sweetie..." napatigagal ako sa kaniyang boses. Agad na nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na napigilan ang pagbagsak na aking mga luha.
_________________________________________
-👻
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
Short StoryShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
