***
"A-anong ginawa mo Romeo?! San ka nagpunta, bakit hindi mo ko sinipot?!" galit na galit ako sa kaniya. Umasa ako e, sobrang umasa!
"K-kung hindi ako makakaabot sayo, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita Esper—"
"Ano bang pinagsasasabi mo?!"
"—mahal na mahal na mahal kita." nag-umpisa siyang umiyak sa kabilang linya kaya napaiyak din ako lalo. "Ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Pakiusap ko alagaan mo sila mommy at daddy—"
"Romeo! Ano ba yang sinasabi mo?!"
"—pati ikaw Esper, alagaan mo ang sarili mo. Ah!" bigla nalang siyang dumaing at umubo.
Nagpapanic akong kinausap siya. "R-romeo!"
" I-i love you more than my life sweetie, p-please be strong, I know that I can't be with you anymore. S-sa susunod na buhay ko, ikaw agad ang hahanapin ko, g-gagawa ako ng paraan para tayo sa huli Esper, kahit humadlang ang buong mundo, hindi man natin matatapos ang kwentong nasimulan natin, pinapangako ko sayo hahanapin kita. H-hanapin kita."
"R-romeo, please sweetie, asan ka ba?! Pupuntahan kita!" halos maghisterya na ako sa pag-iyak.
" P-please be h-happy sweetie." pahina na ng pahina ang boses niya. "I love you."
Pagkasabi niya noon biglang umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid.
"R-romeooooo.." pagsigaw ko sa kabilang linya. Bakit may putok ng baril?!
Narinig akong may bumagsak. May ibinulong si Romeo bago namatay ang linya.
"S-sorry s-sweetie.. I-i I c-couldn't s-save y-you."
_________________________________________
-👻
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
Short StoryShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
