***
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napangiti ako pagkagising ko.
Ikakasal na ako mamaya. Bumangon ako at inopen ang playlist ko. I was giggling and dancing with the music.
'Romeo, save me, they're tryna tell me how to feel. This love is difficult, but it's real. Don't be afraid, we'll make it out of this mess. It's a love story, baby, just say, 'yes.' Oh, oh.'
Napatawa ako dahil nakaka-relate ako sa lyrics.
Yes, we'll make it out of this mess, Romeo. My sweetie.
'He knelt to the ground and pulled out a ring and said, "Marry me, Juliet you'll never have to be alone. I love you and that's all I really know."
I'm not Juliet but I have my own Romeo. Hindi man naging maganda ang ending ng paborito kong Romeo and Juliet, magiging maganda naman ang sa amin ni Romeo.
Dapat siguro ay Romeo and Esper para happy ending. Pinilig ko ang ulo at napatawa sa naisip ko.
Nakakabaliw pala talaga pag nagmamahal.
"Lady Esper, sobrang blooming niyo po ngayon," sabi ni Mariyah. Tinutulungan niya na akong maghanap ng white dress para mamaya.
Excited na ako.
"I'm just happy, Mariyah. Sobrang saya ko," masayang sabi ko habang sinusukat ang mga dress sa closet ko.
Tumulo ang luha niya. "Masayang-masaya po ako Lady Esper, mami-miss ko ho kayo dito."
Nilapitan ko siya saka niyakap. "Mamimiss din kita Mariyah." pareho na kaming humihikbi ngayon.
—
Nandito ako ngayon sa gazebo malapit sa simbahan. Sinuot ko na din ang bistida kong puti dahil ikakasal din kami ngayon din.
"Asan si Romeo? Akala ko ba sasalubungin niya tayo dito?" takang tanong ko kay Mariyah.
"Lady Esper baka ho nahuli lang at nagpagwapo pa ng todo para sa inyong kasal." saka siya humalakhak.
Tinignan ko ang aking relong pambisig. 11:50 PM, 5 minuto bago ang napagkasunduan naming oras.
Hinaplos ko ang singsing sa aking daliri. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Magkakasama na tayo, Romeo.
_________________________________________
-👻
BINABASA MO ANG
Romeo Saved Me | COMPLETED
Short StoryShe's a wreck. She's hurt. She's broke. Until he cames. He fixed her. He loved her. He saved her. He saved her? DID HE REALLY? PS: UNDER MAJOR EDITTING. CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO THAT IS USED IN MY COVER.
