Ilang araw ng hindi nagpapansinan sina Julie at Elmo. Kapag nasa sala si Elmo ay hindi makapunta roon si Julie, kapag naman nasa kusina si Julie ay off limits doon si Elmo.
Panay ang samaan ng tingin ng dalawa sa tuwing magkakasalubong sila ng tingin dahil pareho nilang sinusulyapan ang isa’t isa.
Para silang mga bata na nag-aagawan ng teritoryo, parang aso’t pusa na hindi nagpapatalo sa kung ano ang kayang gawin ng isa.“Akala mo kung sino siya.”
Napadiin ang paghiwa ni Julie sa ampalaya na ginagayat niya.
“Badtrip ka talaga, ikaw na ata ang pinakamasamang lalaki na nakilala ko.” Inis na sambit pa niya.“Really?”
Nagulat si Julie ng makita niya si Elmo na umiinom ng tubig sa tapat ng refrigerator ilang hakbang lamang ang layo mula sa kanya.
“Kung ako ang pinakamasamang lalaki na kilala mo,
ikaw naman ang pinakapkialamerang babae na nakilala ko.”Inirapan niya si Elmo bago siya magsalita.
“Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin basta naiinis ako sayo.”
“Sino ba ang hindi?”Ibinaba niya ang basong hawak niya sa lugar malapit sa kinatatayuan ni Julie.
“Hindi ko naman sinabing gustuhin mo ako miss dahil kahit kailan hindi ko ipinagpilitan ang sarili ko para magustuhan lang ako ng kung sino.”
He paused.
“lalo na kung sa isang tulad mo lang.”
And then he left…“Ah!!”
Ibinato ni Julie ang kutsilyong hawak niya dahil sa sobrang inis, kasabay nito ay hinubad niya ang suot niyang apron sabay lakad papalabas ng kusina.
Wala siyang pakialam kung nakashorts, nakamaluwang na t-shirt at nakasimpleng flats lamang siya dahil isa lang ang target niya, ang makalabas sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon. Busyng-busy si Elmo habang nagtetext siya nang nakatayo ng makita niyang dumaan si Julie sa kanyang harapan na para bang isang hangin na napadaan lang.
Otomatikong sumunod ang ulo niya sa direksyon kung nasaan si Julie, nakatingin lamang siya rito habang papalayo ito ng papalayo sa kanya.“Hoy miss saan ka pupunta? Gutom na ako!”
sigaw niya ng makita niyang binubuksan ni Julie ang gate.“Bahala ka sa buhay mo! May kamay ka,
may bibig ka, kayang-kaya mo ng maghanap ng makakain mo!”“Pero-”
Hindi malaman ni Elmo ang sasabihin niya ng mabuksan na nito ang gate dahil nagra-rumble na ang mga dragon sa tyan niya dahil sa gutom.
“Hoy Julie bumalik ka nga rito!” But he was too late…
dire-direcho ng umalis si Julie at wala siyang ideya kung saan ito pupunta. “Badtrip! Paano ako nyan ngayon?”
Sumilip siya kaagad sa kusina para tingnan kung ano ang niluluto ni Julie at ang tanging nakita niya lang doon ay ang iba’t ibang hiwa ng ampalaya, kung baga sa isang painting, abstract ang pagkakagayat ng mga iyon.
“Badtrip talaga! Patay ka sakin mamaya Julie!” dagdag pa niya.***
“Ms. President?”Napatigil si Gina sa ginagawa niya ng marinig niya ang pagtawag ng secretary niya sa labas ng pinto ng office niya.
“Come in, Liz.”
Hinantay niya muna na tuluyang makapasok ang sekretarya niya bago niya iwan ang mga ginagawa niya.
“Ms. President, si Chairwoman po nasa lobby na at dito raw po siya sa office niyo didiretso sabi ni Ma’am Lou.”“What?! Si Mama?!”
Napatayo siya dahil sa balitang iyon ng secretary niya.
Hindi niya kasi inaasahan na sa mapapabilis ang dating ng kanyang ina dahil ang usapan nila ay sa isang buwan pa ito bibisita sa kanya.
“Yes Ms. President, ang Mama niyo nga po.”“My God.”
Huminga muna ng malalim si Gina bago niya muling tingnan ang kanyang sekretarya na mukhang takot na takot dahil sa reaksyon niya.
“Paki-welcome nalang siya Liz
and please order some food for her.”“Yes po.”
Hindi mapakali si Gina habang inaatay niya ang pagdating ng kanyang ina.
Kaagad niyang inayos ang mga kalat sa mesa niya at nag-spray ng air freshener dahil amoy na amoy niya pa ang kape na iniinom niya kaninang umaga.
Inayos niya rin ang sarili niya ng mabilisan para magmukhang - muna sa buong paligid niya si Vera Arroyo.
Si Vera ay kilala dahil sa pagiging successful business woman niya. Kilala rin siya sa pagiging mataray at estrikata niya ngunit pagdating sa kanyang nag-iisang apo ay nawawala ang katarayan at ka-estriktahang taglay niya sapagkat si Elmo lamang ang bukod tanging nakakapagbibigay sa kanya ng kasiyahan.“Good afternoon Mama.”
Nakipagbeso siya sa kanyang ina bago niya ito inalalayan sa pag-upo sa couch ng office niya.
“I’m surprised to see you here today.”Hindi pinansin ni Vera ang anak niya at tila ba’y may hinahanap siya sa lugar na iyon.
“Where’s my grandson? Is he here?”“He’s not here.”
She paused.
“He’s not even working here Mama.”“What?”
Tiningnan niya ng seryoso si Gina.
“I told you to hire him.”“Your grandson’s such a pain in the neck.
He doesn’t want to work here.”“I get it.” Tumayo siya ng walang pasa-pasabi.
“He doesn’t want to be here because you’re here.”“And what’s that suppose to mean, mother?”
Humarap siyang muli kay Gina para 5-usap sila ng maayos.“Give me his address.”
Biglang kinabahan si Gina ng tanungin iyon ni Vera sa kanya dahil alam niyang hindi pa maayos ang sitwasyon ng kanyang anak.
At lalong ayaw niyang malaman ng kanyang ina na nag-asawa ng kung sinong babae lamang ang pinakamamahal na apo nito.“I don’t know his address, Mama.”
“I know you’re lying.”
Mataray na sambit ni Vera. “Ms. Liz!”Kaagad namang pumasok ang sekretarya ni Gina ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng chairwoman ng kompanyang iyon.
“Yes Madamé?”“Please tell Alvin to meet me at the lobby as soon as possible.”
“But Mama-”
pag-angal ni Gina habang tinitingnan niya ang sekretarya niya at si Vera.“What are you waiting for Ms. Liz? Call him!”
“Yes Madamé.”
Mabilis na sambit ni Liz ng nataranta na siya sa sigaw ni Vera.“Mama, this is not a good idea.”
“I want to see my grandson. Is that too much to ask Gina?” Huminga muna ng malalim si Vera ng hindi na siya nasagot pa ni Gina. Dali-dali na siyang lumabas sa office nito para magpunta na sa lobby at makausap si Alvin tungkol sa address ng kanyang apo.
To be continued…