“Kwarto?”
Napakunot ang noo ni Julie.
“Anong gagawin natin dun?”
“Bakit saan mo ba gusto? Dito?”
Pilyong sagot ni Elmo.
Nang makuha ni Julie ang gustong ipahiwatig ni Elmo ay kaagad niya itong itinulak papalayo sa kanya.
“Alam mo matalino man ang matsing,
napaglalamangan din.”“Julie, isa!”
“Mag-laway ka Elmo.”
Mapang-asar na sambit niya bago niya tuluyang talikuran si Elmo upang magpunta kung saan nakapark ang sasakyan nito.“Julie bumalik ka rito hindi pa ako tapos makipag-usap sayo.”
“Pwes ako tapos na.”
“Julie naman.” Padabog niyang sinundan si Julie dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa sa desisyon nito.
Kainis binitin ako.” He murmured.“Ano aalis na ba tayo?”
Inosenteng tanong niya ng tumayo si Elmo sa pinto kung nasaan ang driver’s seat.“Oo na, ‘yan naman ang agenda mo di ba?
Ang bitinin ako.” Nagmamaktol na sambit niya.“Bitinin?”
She laughed while she was crossing her arms.
“Aminin mo nga, talo ka na ba sa pustahan natin?”“Na ano?”
She cleared her throat.
“Naiinlove ka na sakin no?”“Ako?” Tinuro ni Elmo ang sarili niya.
“Baka ikaw, nadala ka nga sa halik ko eh.”
Pagmamayabang pa niya.She scoffed.
“Ako pa pala ngayon,
eh sino kaya satin dalawa ang unang humalik?”“Alam mo tinitest lang talaga kita.”
“Palusot mo Magalona, hindi na ‘yan lulusot sakin.”
And then she opened the frontseat’s door.
“May nakalimutan pala sa kwarto ha.” Patuloy na pang-aasar niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.“Bwisit.”
Pumasok nalang din si Elmo sa loob ng sasakyan kahit na medyo nahihiya siya kay Julie dahil sa biglaan niyang paghalik dito. Bigla niya nalang iyong naramdaman. Bigla nalang nangyari.
***
“Hoy Elmo kanina pa ako daldal ng daldal dito,
bakit hindi ka pa nagsasalita dyan?”
Inabutan niya ito ng isang bote ng tubig.
“Uhaw ka ba?” Iling lamang ang isinagot ni Elmo sa kanya. “Elmo naman, kausapin mo ako, ano ba ang nangyayari sayo?”“Julie, wala lang ba para sayo yung-”
“Ayoko ng pag-usapan ‘yan,
wag nalang sanang maulit Elmo.”