My Groom, My Bride: Chapter 11

35 1 0
                                    

Oh well, may dinner date pala. Hindi mo man lang ako inimbita?”

Natigilan sa pagtatawanan sila Elmo at Julie ng biglang may nagsalita. Nang makita ni Elmo kung sino iyon ay kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi nito habang si Julie naman ay naiwang nagtataka dahil wala siyang ideya kung sino ang sosyal na babae na nakatayo sa may di kalayuan.

What are you doing here,Gina?”

Come on son-”
Tiningnan niya ng masama si Julie bago siya muling tumingin sa kanyang anak. “And who’s this woman? She is not Ziri, isn’t she?”

Umalis ka nalang kung wala kang sasabihing maganda.Inis na sambit ni Elmo.

At bakit mo naman ako papaalisin?” mataray na sambit ng kanyang ina. “Kung may dapat na paalisin dito-” Tiningnan niya ulit ng masama si Julie.
Siya ‘yon.”

I’m not asking for your opinion.”
Tumayo si Elmo para maghugas ng kanyang kamay.
Julie, maghugas ka narin ng kamay mo,
nawalan na ako ng gana.”

Ha?”
Tumingin siya kay Elmo dahil hindi niya maintindihan ang mga nangyayari.Hindi niya alam kung sino ang Gina na inaaway nito. Ni wala siyang ideya kung bakit para bang galit na galit sa kanya ang sopistikadang babaeng iyon. Nang sandaling magpakawala si Elmo ng seryosong tingin ay wala na siyang nagawa pa kundi sundin ito kasabay ng kanyang pagtango.
Sige Elmo.” Mahinang sambit niya.

At kailan ka pa natutong magkamay Elmo Moses?
Wag mong sabihing tinuruan ka ng babaeng yan na magkamay?”
I

nayos niya ang pagkakahawak niya sa kanyang bag.
Ang hirap kasi sayo pipili ka nalang ng pakakasalan mo yung wala pang-”


Pwede ba!”
Hindi na nakapagtimpi si Elmo ng matapos niyang hugasan ang kanyang kamay. Nagulat naman si Julie ng bigla itong sumigaw dahil pareho silang nakatayo sa harap ng lababo. Hindi niya magawang humarap kay Gina katulad ng ginagawa ni Elmo dahil natatakot siya sa mga titig nito sa kanya. “Leave us alone Gina.”

Leave us alone? She heaved a sigh.
For God’s sake Elmo, I’m still your mother.

Aalis ka o tatawag ako ng security?”

Are you threatening me?”

Guard!”
Sigaw ni Elmo habang walang takot niyang tinitingnan si Gina.

Kaagad naman na rumisponde ang guard ni Elmo ng tinawag niya ito, kahit hingal pa ay pinilit nitong magsalita upang alamin kung ano ang ipag-uutos sa kanya ng kanyang amo.
“Sir bakit po?”

Di ba sinabi ko sayo na wag kang magpapapasok ng hindi ko kilala?”

Pe-” He paused.
Pero sir si Ma’am Gina po ‘yan, siya po ang mommy niyo.”

Tumingin siyang muli sa kanyang ina bago siya magsalita.
She’s not my mom and I want her out of my house.”

my groom my bride By: JulielmolovinWhere stories live. Discover now