“This-is-it!”Hindi makapaniwala si Elmo sa nakikita niya.
It’s a garden wedding.Iyon kasi ang gusto ni Ziri kaya naman kaagad niya itong sinunod.Lahat ng bisita ay naroroon na, maging ang pari na magkakasal sa kanila ay naroroon narin. May nag-iisa nalang talagang kulang…ang pinakamagandang babae sa araw na iyon… ang bride niya.
“Elmo, five minutes na siyang late.
Itutuloy p a ba natin ‘to?”Kinakabahang sambit ni Alvin. Si Alvin ang personal assistant ng ina ni Elmo. Siya rin ang itinuturing na nakakatandang kapatid ng binata dahil halos sabay na silang lumaki. Maagang pumanaw ang mga magulang ni Alvin kaya ang pamilya Magalona na ang kumupkop sa kanya ng permanente. Matangkad si Alvin, matangos ang ilong nito at may kasingkitan ang mga mata. Kayumanggi ang kulay ng balat niya at may matikas na katawan. Tall,Dark and handsome, iyan ang paglalarawan sa kanya ng mga babaeng patuloy paring naghahabol sa binata. Ngunit kahit ganoon pa man ay parati parin siyang nalalamangan ni Elmo dahil mas malakas parin ang sex appeal nito kaysa sa kanya.
“Chill ka lang Alvin, mas kinakabahan ka pa sakin e ako itong ikakasal.” He tapped his right shoulder. “Natraffic lang yun.”
“Sana nga, ayoko namang masayang ang pagsuway ko kay Tita Gina.”
Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ni Elmo ng marinig niya iyon.
“Pagsuway? Bakit ano na naman ang sinabi niya sayo?”“Sabi niya kasi puputulin niya raw ang lahat ng bank accounts ko sa oras na pumayag akong maging best man ng kasal mo kay Ziri.”
“She threatened you like that?!”
“You know Tita Gina, she’s the queen.” He paused.
“She’s the boss.”“Well not anymore, kaya nga pinush ko talaga ‘tong kasal na ‘to para mapatunayan ko sa kanya na hindi lahat kaya niyang paikutin sa mga kamay niya.”
“Elmo aminin mo nga.” Lumapit siya kay Elmo upang walang ibang makarinig sa sasabihin niya. “Ito bang kasal na ‘to gagawin mo dahil mahal mo si Ziri o dahil lang gusto mong may mapatunayan sa mommy mo?”
Hindi kaagad nakapagsalita si Elmo. Tumingin muna siya sa buong paligid nila para makapag-isip. Maganda ang buong paligid, punong-puno iyon ng bulaklak at mga nagliliparang paru-paro. Mayroong ding carpet at arko na pumapagitna sa dulo ng mga bulaklaking upuan na naroroon. Kakaunti lamang ang mga upuan na pinalagay nila Elmo dahil piling bisita lang din ang inimbitahan nila ni Ziri. All in all, the place was so melodic… so sweet… so refreshing… so solemn… so Ziri.
“I am doing this because I love Ziri so much and I am willing to give up everything… just for her.”
“Ziri must be lucky.”
“I am the lucky guy in here, Alvin.”
Elmo said happily.