"Julie ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait o sadyang baliw ka lang talaga? Bakit ka magpapakasal sa lalaking hindi mo naman mahal?" Hindi mapakali si Peebee sa paglalakad habang tinitingnan niya si Julie na panay ang kagat sa labi nito.
Si Peebee ang kababata ni Julie na naging matalik na kaibigan niya narin kinalaunan.Siya ang napaglalabasan ng sama ng loob ng dalaga tungkol sa mga dinadaing nito mapatungkol man sa usaping pamilya o sa usaping 'PUSO'.
Hindi maiwasan ni Julie na mangamba dahil sa hindi birong laro na papasukan niya, ang pag-aasawa.Tiningnan niya si Peebee na tila ba'y isa siyang bata na naliligaw na ng landas."Peebs, "wala naman na akong magagawa, tingnan mo 'tong bahay namin, konting kagat nalang ng anay gigiba na. Siguro gusto narin ni nanay na guminhawa ang buhay namin kaya ayan gumawa na siya ng paraan."
Alam mo Julie, kahit anong paraan pa 'yan maling-mali,tingnan mo ha." Kinuha ni Peebee ang pagkahaba-habang listahan ng mga utang nila Julie sa pamilya ng lalaking nakatakdang ipakasal sa kanyang kaibigan. Ultimong tuyo at kamatis inasa na ng nanay mo sa grocery nila-"
"Wag na wag mong sasabihin ang pangalan niya Peebee kundi-" Pinutol na ni Julie ang mga susunod pang sasabihin ng kanyang kaibigan dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga iyon.
"Kundi ano?" Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago siya umupo sa lumang kawayan na upuan nila Julie. "Tanggapin mo na ang kapalaran mo Julie dahil malapit ka ng maging Mrs. Restituto Balbasor." She laughed.
"Peebee pwede ba tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo. Hindi ka na nakakatuwa."
Kaya nga Julie, habang maaga pa umatras ka na dyan sa plano ng nanay mo. Tingnan mo ha, 'yang apelyido ni Restituto habang buhay mo na 'yang dadalahin at habang buhay narin kitang aasarin." Pinagtawanan niyang muli ang kanyang kaibigan.
"Pambihirang buhay 'to oh." Tumayo si Julie sa kinauupuan niya upang makasimoy ng hangin mula sa maliit nilang bintana. Iyon ang nakasanayang gawin ng dalaga sa tuwing naiinis o galit siya dahil mas nanaisin niya pang ibunton sa hangin ang galit at inis niya kesa sa mga taong nakasasalamuha niya sa pangaraw-araw.
Saan ko naman kukuhain ang tatlumpong daang libo na utang ni nanay? Kahit siguro umiyak na ako ng dugo hindi ko parin kayang kumita ng ganoong kalaki sa pananahi Peebs."
Galing sa mahirap na pamilya si Julie. Laki siya sa hirap. At tulad ng ibang dalaga sa barangay nila, ang pananahi na ang nakagisnang kabuhayan sa lugar na iyon kaya'y wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang sumunod sa agos ng kanyang buhay.
Hindi na siya nakatungtong pa ng kolehiyo dahil narin sa kapos sila sa salapi. ISANG KAHID,ISANG TUKA. 'Yan ang sitwasyon niya, at dahil narin sa sitwasyon ng pamilya niya ay sinasamantala naman ng pinakamayamang pamilya roon ang kahinaan nila. Si Restituto Balbasor ay ang masugid na manliligaw ni Julie. Hindi ito kagwapuhan, mayaman lang talaga kaya may ilang babae na nagkakandarapa sa paghabol sa kanya. Ngunit kahit na ganoon ay hindi parin magawang ibaling ni Restituto ang atensyon niya sa iba dahil si Julie talaga ang inaasam-asam niya. At nang malaman ng binata na may malaking pagkaka-utang sa kanila ang nanay ni Julie ay sinamantala niya iyon, kaagad niyang binigyan ng kundisyon ang nanay ni Julie na sa sandaling ipakasal sa kanya ang dalaga ay maglalaho na parang bula ang pagkakautang nito sa pamilya nila.
Sumang-ayon naman ang nanay ni Julie dahil narin sa nagkagipitan na. At wala ng nagawa pa si Julie sa desisyon na iyon kundi pagbigyan ang nanay niya, isang linggo na lamang,KASAL na niya... ngunit hanggang ngayon ay nagdadalawang isip parin siya kung itutuloy niya ba iyon o hindi.Bakit kasi hindi mo subukang magbakasakali sa mga pabrika, Julie? O di kaya sa mga mall. Sigurado naman akong matatanggap ka, sa ganda mong 'yan."
Bumalik ang ulirat ni Julie ng marinig niyang muling magsalita si Peebee.
Peebs, sa panahon ngayon hindi na kasi ganda ang labanan,
kapag wala kang natapos limited lang ang mapapasukan mo. Minsan nga kahit nakatapos ka na wala ka paring mapasukan o di kaya underemployed, sa tingin mo ba may pag-asa pa ako sa ganyan?""Julie-" Tumayo si Peebee upang lapitan ang kanyang problemadong kaibigan. "Magaling ka na designer, remember maraming kumukuha ng mga tinatahi mo kasi gusto nila 'yung mga ginagawa mong designs? Bakit hindi ka mag-try na mag-apply sa mga pagawaan ng mga mamahaling damit? Siguro naman matatanggap ka dun, hindi lang naman sa talino yan. Nasa abilidad yan ng tao."
"Pero Peebee isang linggo lang ang palugit samin ng pamilya nila Restituto, kapag hindi namin nabigay ang pera na hinihingi nila, kailangan ko ng maglakad sa altar kasama ang lalaking yun. Kapag hindi ko naman ginawa ang gusto nila, ipapakulong nila si nanay. Sa tingin mo ba may pag-asa pa akong lumusot?"
"Hay nako Julie, ewan ko nga sayo."
Kinuha niya ang isang tsitsirya na binili niya para sa kanilang dalawa ni Julie. Binuksan niya kaagad iyon upang idaan sa pag-nguya ang stress na nakukuha niya mula sa sitwasyon ng matalik niyang kaibigan. Sabi nga ng mga matatanda friend, kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan."Ngumuya siyang muli. "Ang tao ang gumagawa ng kapalaran niya, kung sa bandang huli bigla mong mare-realize na mali ang desisyong ginawa mo. Well-" Ininom niya ang isang baso ng tubig na nakapatong sa lumang lamesita nila Julie ng walang kapoise-poise bago siya muling magsalita. "Kasalanan mo yan Julie Anne."
To be continued...