My Groom, My Bride: Chapter 17

37 2 0
                                    

Nilaro na lang ni Elmo ang susi ng kotse niya dahil sa pagkainip niya sa kakahintay kay Julie.
Panay ang tingin niya sa cellphone niya ng oras, halos dalawang oras na simula noong umalis si Julie at halos dalawang oras narin siyang nagpapalipas ng gutom.
Patay ka talaga saking babae ka mamaya, akala mo hanggang dito lang ang paggutom mo sakin?”
Naglabas siya ng hangin sa ilong niya sa sobrang inis.
Bumalik ka lang talaga makakatikim ka talaga sakin ng isang-”
Nawala si Elmo sa mga salitang sasabihin niya pa ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Kaagad niyang tiningnan iyon para i-check kung si Julie ang tumatawag ng bigla niyang maalala na wala nga palang cellphone ang babaeng kasama niya sa bahay.
Alvin?” He answered in an uncertain voice.

Bakit ka napatawag?”

Elmo, wag kang mabibigla ha? Pero kasi- He paused.
Kanina pa umalis dito ang lola mo and I’m sure malapit na siya dyan. Tinanong niya sakin kung nasaan ka at wala na akong ibang nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang address mo. Sorry talaga bro, trabaho lang.”
And then he hung up the phone.

Alvin! Alvin!” Inis na ibinaba ni Elmo ang cellphone niya ng putulin ni Alvin ang linya. “Tama ba yung narinig ko? Papunta rito si Lola? Pe-pero bakit?”

Napatayo si Elmo dahil hindi mawala sa isip niya kung papaano niya lulusutan ang sitwasyong iyon.
Ang lola niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, at kahit kailanman ay hindi niya nagawang suwayin ito.
Kahit kailan ay hindi niya ito binigyan ng sakit ng ulo dahil tanging ang lola niya lang nakakaintindi sa kanya at ang lola niya lang ang natatanging nagmamahal ng lubos sa kanya.
Si Vera lang ang walang sawa na sumuporta sa kanya lalong-lalo na sa tuwing mag-aaway sila ni Gina.

Julie kailangan mo ng umuwi,
may problema tayo.”
Kinakabahang sambit ni Elmo habang hindi siya mapakali sa pabalik-balik na paglakad niya.
N

ang makarinig si Elmo ng pagbukas sa gate ay pumunta agad siya sa bintana upang silipin kung sino iyon.

And to his surpise, hindi si Julie ang nakita niyang dumating kundi ang body guard ng lola niya na nagbubukas ng gate para makapasok ang sasakyan sa loob ng gate niya.
Huminga muna ng malalim si Elmo bago siya lumabas ng pinto ng bahay niya para salubungin ang pagdating ni Vera.
Inayos niya ang suot at buhok niya bago pa man makababa ang lola niya mula sa sasakyan.

Hijo.”
Tuwang-tuwang sambit ni Vera habang naglalakad siya papalapit sa kanyang apo. “I missed you so much Elmo.”
Hinalikan niya ang pisngi ng kanyang apo sabay ngiti rito.

Elmo?”
Parehong napatingin si Elmo at ang lola nito sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Napakunot ang noo ni Vera ng hindi niya mamukhaan ang babaeng nakatayo sa malapit sa kanila.
Tiningnan niya ito mula paa hanggang sa makita na niya ang mukha ng babaeng iyon.

Who is this woman Elmo?
Lumayo ng ilang hakbang si Vera upang mas mapagmasdan niya ang babaeng bigla nalang sumulpot sa harapan nila.

Dahil sa pagtataka ni Julie kung bakit ganoon na lamang ang tingin sa kanya ng matandang nasa harapan niya ay kaagad niyang nilapitan si Elmo para bumulong dito.
Sino yan Elmo? Sugar mommy mo?”

my groom my bride By: JulielmolovinWhere stories live. Discover now