Hindi makuhang lunukin ni Elmo ang pagkaing kanina pa niya nginunguya dahil ramdam na ramdam niya ang mga matang nakamasid sa kanya.
“Okay ka lang?”
Palihim na bulong ni Julie.“Kakainin ba nila ako?”
Sagot naman ni Elmo.“Edi sa tingin mo yummy ka?”
She giggled.“EHEM.”
Pagsingit ng nanay ni Julie ng makita niya ang titigan ng anak niya at ni Elmo. “Elmo Magalona tama ba?”
Tinanguan lamang siya nito. “Sigurado ka na ba sa anak ko?”“Nay!”
“Julie Anne tigil-tigilan mo nga ako, gusto ko lang naman kilalanin ang asawa mo.”
“Nay, may mamaya na,
patapusin mo muna kaya siyang-”Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie sabay ngiti rito.
“It’s okay.”“Tingnan mo, is okay naman pala eh.”
Sabat ng ina ni Julie sa usapan ng mag-asawa.“Nay, it’s okay po.”
“Is okay o it’s okay pareho lang yun nak.”
Ibinaling niya kay Elmo ang kanyang tingin sabay ngiti ng wagas dito. “Sigurado ka na ba talaga kay Julie Anne?”Napangiti na lamang si Elmo habang tinitingnan ang mukha ng ina ni Julie habang hinihintay nito ang sagot niya.
“Opo, sigurado na po ako.”“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo.
Wag na wag mong papaiyakin yan ha? Subukan mo lang at makakaranas ka talaga ng bagsik ni Bonifacio.”“Atapang atao.”
Natatawang sambit ni Julie habang pinagmamasdan niya ang pag-uusap ni Elmo at ng kanyang ina.“Naaaaaaaaaay!”
Pare-parehong silang napatingin sa pintuan kung saan nakatayo si Peebee at hingal na hingal habang may hawak-hawak itong dalawang bote ng coke.
“Ano? Hinabol ka na naman ng aso ni Aling Puring?”
Mabilis na umiling si Peebee sabay turo sa labas ng bahay nila.
“Ano ba yun?” Inis na sambit ng ina ni Julie habang panay parin ang pagturo ni Peebee sa labas ng bahay ng mga ito.
“Si-si-si-si-” Biglang napalunok ng laway si Peebee.
“Si baby resti nasa baba!!”“Ano??”
Gulat na sambit ni Julie sabay tingin kay Elmo na walang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid niya.“Julie my loooooove.”
Pakantang sambit ni Restituto na may pagkasintunado.
“Nako Peebee saraduhan mo agad ang pinto.”
Utos ng ina ni Julie.
“Pero nay, hindi na keriboom.”“Anong hindi na keriboom ang pinagsasabi mo dyan?”
“Nay, zombie’s approaching na.”
Napakunot ang noo ni Julie ng magkatinginan sila ni Elmo.
“Pano na ‘yan?” problemadong sambit niya.“Ako ng bahala.”
Uminom muna si Elmo ng tubig bago siya tuluyang tumayo upang salubungin si Restituto na tila ba’y papapasok na sa bahay nila Julie dahil sa naririnig niya na papalapit na ng papalapit ang boses nito.Nakasuot ng tucked-in t-shirt na blue, pants na red, at sapatos na green ang lalaking papalapit sa kanya.
May mala-africanong kutis ito at gigintuing ngipin, may kakapalan din ang kilay, bilugan ang kanyang mga mata, medyo matangos ang ilong ngunit bahagya itong nakausli, may kakiputan din ang labi at makikitaan siya ng turangkig na buhok, iyong tipong ‘pag nahulugan ng butiki siguradong patay.
“Julie-”“Nandito ako.”
Mabilis na sagot ni Julie habang tinitingnan niya si Restituto.“Sigurado ka bang nasa tamang planeta tayo?”
Biglang natawa si Julie.“Ang sama mo.”
“Ano nga ulit pangalan niya?”
“Restituto Balbasor.”
She whispered.“Balbasor?”
Inilapit niya ang labi niya sa tenga ni Julie upang makabulong siya rito. “Hindi kaya may lahing pokemon yan?”“Julie my loves sino siya?”
maangas na tanong ni Restituto habang masama ang tingin niya kay Elmo.“Ah ano kasi-”
Hinalikan ni Elmo si Julie saglit at pagkatapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito bago niya muling tingnan si Restituto. “I’m her husband, and you are?”
“Julie my loves-”
Huminga ng malalim si Restituto dahil hindi siya makapaniwala sa nakita’t narinig niya. “Akala ko ba ako lang?”“HAHAHAHAHAHAHAHA!”
Hindi na nakapagsalita pa si Julie dahil bigla ng sumabog ang tawa ni Peebee habang nakatingin ito kay Restituto.
“Ang lakas talaga ng pananampalataya mo baby Resti-”
Tinapik niya ang balikat nito habang pinipilit niyang pigilan ang kanyang tawa. “Si Julie kay Elmo na ‘yan.”
She paused. “Pero kung gusto mong makatuluyan mo parin ang San Jose, try mo si inay.” And then laughed again.“Tigil-tigilan mo nga ako Peebee.”
Seryosong sambit naman ng ina ni Julie.“Pero Julie my loves may usapan tayo,
hindi ako nagpakasal sa ibang babae dahil sayo tapos ikaw nagpakasal ka kagad sa iba? Ano bang nakita mo sa kanya?”
Tiningnan niya mula ulot hanggang paa si Elmo. “Lamang lang naman siya ng ilang paligo sakin ah.”“Wow ha!”
“Peebee.”
Saway ni Julie sa kanyang kaibigan.“Restituto, ano kasi-”
napatingin si Julie kay Elmo ng maramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanya.“Sabi ko naman sayo ako na ang bahala rito.”
He looked at Restituto once more.
“Pare, alam ko may gusto ko kay Julie pero
‘tong babaeng nasa tabi ko eh asawa ko na kaya kung pwede sana pakiintindi nalang na pag-aari ko na siya.”“Hindi pa siya sayo hangga’t may utang pa ang pamilya niya sakin.”
“Iyon lang ba?”
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang tseke at pagkatapos ay iniabot niya agad iyon kay Restituto. “Sobra na yan sa pagkaka-utang nila kaya kung pwede lang lubayan mo na ang asawa ko.”“Maghihiwalay din kayo.”
Inis na sambit ni Restituto matapos niyang kunin ang tsekeng inaabot sa kanya ni Elmo.“Don’t worry pare, I will love her until the day after forever.” Nakangiting sambit niya habang mahigpit parin ang pagkakahawak niya sa malambot na kamay ni Julie.
To be continued…