“Ano Elmo,anong pinagsasabi mo dyan?” Napahinga ng malalim si Alvin. “Baka naman pinaglalaruan mo lang ‘yung babaeng kasama mo sa bahay niyo ha. Elmo, kilala kita. Alam kong mahal na mahal mo si Ziri kaya ang impossible ng sinasabi mong parang may nararamdaman ka na sa kanya. It’s too early to tell.”
Ibinaba ni Elmo ang tasang hawak niya sa coffee table at pagkatapos ay isinandal niya muli ang likod niya sa couch na kanyang inuupuan.
“Ewan ko rin Alvin, pero wala pa kasing babae ang nag-asikaso sakin tulad ng ginagawa niya kahit si Ziri hindi niya yun nagawa.”“Hindi nagawa yun ni Ziri kasi hindi siya marunong magluto.” He paused.
“At tsaka akala ko ba may kontrata kayo ng babaeng yun?”“Yun nga eh, hindi ko alam kung yung concern niya sakin out of contract o concern lang talaga siya.”
“Ewan ko sayo Elmo, baka naman binibigyan mo lang ng motibo ang time and effort niya.”
“Sa tingin mo?”
“Bakit hindi mo simulang umuwi na sa inyo,
di ba sabi mo may dinner siyang ihahanda para sayo?”“Shit!”Tiningnan ni Elmo ang relo niya.
“Bakit ngayon mo lang pinaalala. Dali-daling tumayo si Elmo sa kinauupuan niya sabay kuha ng susi ng kotse mula sa bulsa ng pants niya.“See you again soon bro.”
Mapang-asar na ngiti na lamang ang isinagot ni Alvin kay Elmo dahil hindi niya nagawang asarin ito ng pasalita dala narin ng pagmamadali ng matilik niyang kaibigan.“You’re so dead Elmo.” He whispered.
***
Halos dalawang oras nang naghihintay si Julie kay Elmo pero wala parin ito. Nakapangalumbaba siya sa lamesa habang tinitingnan niya ang kanyang mga nilutong pagkain.
“Nasaan na kaya yun, gutom na ako.”
“Edi kumain ka.”
Napabalik ang ulirat ni Julie ng may marinig siyang magsalita. Nakita niya si Elmo na nakasandal sa pader ng dining area nang ipininid niya ang kanyang ulo sa kaliwa.
Nandyan ka na pala, kain na tayo?”She said with a smile.
“Busog na ako, ikaw nalang.”
“Okay.”
Dahan-dahang nawala ang ngiti ni Julie at naglakad na siya papalabas ng dining area.
Dumaan siya sa harapan ni Elmo ng nakayuko at tila ba’y nalugi nang matanto niyang walang kakain ng mga niluto niya.
Papalabas na siya ng dining area ng maramdaman niya ang kamay ni Elmo na dumampi sa kaliwang braso niya.
Ang gentle ng pagkakahawak na iyon ni Elmo na tila ba’y may halong paglalambing kaya naman mas lalong bumigat ang sama ng loob na nararamdaman niya.“Saan ka pupunta?”
Inosenteng tanong ni Elmo.