Wala pang isang oras simula noong nakatulog si Julie dahil tinapos niya pa ang last batch ng designs na kinakailangan niyang ipasa kay Vernice kinabukasan.
Ilang beses na niyang naririnig ang tunog ng doorbell kaya kahit ayaw niya mang gumising ay napilitan nalang din siya dahil naisip niya na baka lola ni Elmo iyon.“Elmo?“
Antok na sambit ni Julie habang bahagya niyang niyuyugyog ang kanang kamay ni Elmo na nakayakap sa tiyan niya.“Hmm?”
“Wala bang susi si Lola Vera?”
“Wala.”
Napatingin si Julie sa kamay ni Elmo na nakayakap sa kanya ngunit hindi niya na lamang iyon pinansin.
Tumayo na lang siya upang mapagbuksan na ang matandang kanina pa nagdo-doorbell sa labas ng bahay nila.
Nang maramdaman ni Elmo ang pagtayo ni Julie ay kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata na may halong inis.“Saan ka pupunta?”
“Bubuksan ang pinto si Lola malamang.”
Sambit niya habang nagsusuot ng pambahay na tsinelas.“Kainis naman.”
Bumangon nalang din si Elmo habang inis niyang kinakamot ang kanyang ulo.
“Kahit kailan talaga ‘yan si Lola wrong timing.”“Oh bakit ka pa bumangon?”
“Sasamahan kita.”
Isinuot narin niya ang tsinelas niya at naglakad na papunta kay Julie.“Wag na matulog ka nalang dyan, ako nalang.”
“Ayoko, wala akong mayayakap.”
Hinawakan niya ang kamay ni Julie sabay lakad papalabas ng kwarto nila. Hindi maiwasang mapangiti at mapailing ni Julie habang tinitingnan niya ang pagkakahawak ni Elmo sa kamay niya. It was too tight, yet so gentle.
“Marami namang unan sa kama,
bakit kasi kailangan na ako pa ang yakapin?”
She murmured.“Mas okay ‘pag ikaw.”
He murmured as well.This time, pareho na silang napapangiti habang hawak nila ang isa’t isa dahil kahit na panay ang pagbulong nila sa hangin ay naririnig parin nila ng klaro ang mga sinasabi ng bawat isa…
mas maliwanag pa sa sikat ng araw.
Tahimik nilang tinahak ang maindoor ng kanilang bahay.
Si Elmo na ang nagbukas ng pinto habang si Julie naman ang pumunta sa switch para buksan ang ilaw.
Hindi sila nagkakamali, si Vera nga iyon, at halatang pagod na pagod ito.“Lola okay ka lang ba?”
Nag-aalalang sambit ni Elmo habang inaalalayan niya si Vera papunta sa sala nila.
Nang maiupo niya na ito sa sofa ay kaagad niyang nilingon si Julie na ngayon ay nag-aalala narin sa lagay ni Vera.“Kukuha lang ako ng tubig.”
She mouthed.He just nodded.
“Hijo-”
Napatingin siya kay Vera ng hawakan nito ang kamay niya.
“Pwede ka bang tumugtog ng piano para sakin?”“Pero Lola alam niyo naman po na simula nung namatay si Papa-”
“Like the old times?”
malambing na sambit ng matanda.Umiling si Elmo.
“Lola iba nalang po, please?”“Ako nalang.”
Parehong napalingon si Vera at Elmo sa likuran nila ng biglang magsalita si Julie.
Lumapit muna si Julie papunta kay Vera upang maibigay dito ang hawak niyang ibang basong tubig at pagkatapos ay dumiretso na sa piano malapit sa kinauupuan ni Vera.Umupo na siya at binuksan na iyon.
“Ano po ba ang gusto niyong tugtugin ko lola?”“Kahit ano hija, gusto ko lang marelax.”
And then she smiled.Huminga muna siya ng malalim bago niya tingnan ang lola ni Elmo upang mangitian niya ito bago siya tumugtog.
“Lola,
hindi po ako magaling pero sana po magustuhan niyo ‘to.Sinimulan niya na ang pagpindot sa mga keys,
sa una ay halatang nangangapa pa siya sa mga nota ngunit ng magtagal na ay nakuha na niya ng maayos ang kantang nais niyang iparinig sa matanda.
Isang tanong, isang sagot.
Iyon ang tinugtog niya.
Tahimik lang ang buong paligid.
Nakatingin lang si Elmo kay Julie habang tumutugtog ito,
ipinikit naman ni Vera ang mga mata upang mas ma-appreciate niya ang bawat tunog ginagawa ng mga kamay ni Julie.
Maya-maya pa ay sinabayan na ito ni Julie ng pagkanta na siyang ikinagulat ng mag-lola dahil hindi nila inaasahan na may ginintuang boses na itinatago si Julie.Nakita ko sa kilos mo Na may tibok rin ang puso Wala ka lang sinasabi Bitin tuloy ako Ang hirap na man ng lagay ko Di puwedeng mauna sa iyo Kailan ko ba maririnig N'akin ang iyong pag-ibig?
Isang tanong isang sagot lang ang akin Ako ba ang nilalaman ng iyong damdamin?
Kapag inaming mong ako'y mahal mo…oh…oh..
Hanggang langit ang lundag ko.
Isang tanong isang sagot lang ang akin Ako ba ang nilalaman ng iyong damdamin?
Kapag inaming mong ako'y mahal mo…oh…oh..
Hanggagng langit ang lundag ko.“Your wife’s such a talented woman Elmo,
you’re very lucky to have someone like her.”
Vera said with a gentle smile on her face.“She’s the one.”
“She could be the one.”
Biglang lumabas ang natural na ngiti ni Elmo habang masinsinan niyang pinapanuod si Julie, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Tila ba’y nahuhulog siya sa bawat pagpindot nito sa mga piano keys at maging sa bawat himig na naririnig niya mula rito.
“Kung ikaw na nga,
sana ikaw nalang talaga dahil ayoko na sa iba.”
He said softly.To be continued…