Nawala ang konsentrasyon ni Alvin sa pagpirma ng mga papeles sa ibaba ng mesa niya ng may biglang kumatok sa pinto ng office niya.
“Come in.”“Sir pasensya na po sa abala pero pinapapatawag po kayo ni Ms. President.” Malumanay na sambit ng secretary ni Alvin.
“Bakit daw?”
“Hindi ko rin po alam Sir basta po ang sabi niya ngayon din.”
“Sige, thank you.”
Mabilis na sinara ni Alvin ang mga folder na pinipirmahan niya, sandaling nag-ayos ng kanyang sarili at pagkatapos ay dumiretso na sa office ng ina ni Elmo. Kinakabahan pa si Alvin nang makapasok siya sa loob ng office ni Gina dahil alam niya na ipinapatawag lang siya nito sa tuwing mayroon siyang maling nagawa.
“President, pinatawag niyo raw po ako?”Kaagad naman siyang tiningnan ni Gina matapos niyang itigil ang kanyang ginagawa. Inayos niya muna ang kanyang pagkakaupo at sumandal sa kinauupuan niya bago siya magsalita.
“Alvin, how’s my prodigal son?”
“Okay naman po siya president although yun nga po hindi natuloy ang kasal nila ni Ziri.”
“Good.”
“Good po?”
“Yes-” She paused.
“Darating na kasi sa isang buwan si Chairwoman kaya kailangan umayos niyang si Elmo para hindi naman nakakahiya sa lola niya.” She heaved a sigh.
“Puro nalang sakit ng ulo ang binibigay sakin ng batang yan kaya please lang Alvin, talk to him. Hindi ko na alam ang sasabihin sa kanya para lang umayos siya.”“Pero President-”
“Anong pero? Alvin, sinusuway mo narin ba ako ngayon?!”
“Nako President hindi po-” mabilis na sagot niya.
“Kasi po si Elmo… ano po.”“Alvin, diretsuhin mo nalang ako.
Wala akong panahon sa paligoy-ligoy mo.”“President, kasi po si Elmo nagpakasal na.”
“Ano?!”Napatayo si Gina sa sobrang pagkadismaya.
“Wag mong sabihing tinuloy parin ng babaeng yun ang pagpapakasal sa anak ko.”“Kilala niyo po si Julie Anne San Jose?”
“What?” She raised her left eyebrow.
“Who’s Julie Anne San Jose?”“I don’t know anything about her too,
President but she’s Elmo’s wife.”“What?! Wife?”
Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya alam kong ano ang dapat niyang sabihin. “Alvin, tell me this isn’t true.”