My Groom, My Bride: Chapter 24

40 2 2
                                    

“Elmo, ano na naman bang pakulo ‘to?”
Hindi siya pinapansin ni Elmo kahit panay ang salita niya.

Patuloy lamang ito sa paglalakad habang siya’y hila-hila nito patungo sa labas ng gate kung nasaan nakaparada ang sasakyan ni Elmo.

Isa!” Pagbabanta niya. “Kapag di mo ako binitawan kakagatin talaga kita Elmo.”

Sumunod ka nalang, ang dami mong satsat.”

Ang weirdo-weirdo mo talaga,
kahapon lang ang sweet-sweet mo sakin tapos ngayon ganyan ka na naman.
Yung totoo, abnoy ka na bang talaga?

Say what you want to say Julie,
you’re coming with me.”

Anong you’re coming with me?!
Inilabas na ni Julie ang lahat ng pwersang meron siya para makabitaw siya sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Elmo. Nang hindi parin niya magawang kumawala sa lalaking panay ang hila sa kanya ay wala na siyang ibang naisip kundi ang kagatin ito ng malakas.

“ARAAAAAAAAY!!”
Napabitiw si Elmo ng hindi niya makaya ang sakit.
Aso ka ba?!”
Hinimas himas niya ang kanyang kanang braso upang mawala kahit papaano ang bakat ng ngipin ni Julie na bumaon sa balat niya.
Mahal ang paturok ng anti-rabbies no.”

Excuse me lang mister ha, kung rabbies lang ang pag-uusapan mas makamandag ang rabbies mo.
Inirapan niya si Elmo ng may halong inis.
Bakit ba kasi nangangaladkad ka dyan? Eh kung nadapa ako, paano na ako papasok sa office nyan?”

Ipinasok ni Elmo ang mga kamay niya sa dalawang bulsa ng kanyang jeans.
Hindi ka papasok sa office.”

At bakit na naman?”

Dahil sabi ko.”
He said cutely

Elmo-”
minasahe ni Julie ang kaliwang sintido niya nang hindi na niya makaya ang mga katigasan ng ulo ni Elmo.
Ikaw ba talaga, sure kang normal ka?”

Hindi na tinatanong yan.
Sa gwapo kong ‘to?He giggled.
Ano sasama ka ba sakin?
Tandaan mo may kasalanan ka pa sa pagkagat sa braso ko.”

Ayoko nga,
hindi porket asawa kita at apo ka ng may-ari ng kompanyang pinagta-trabahuhan ko eh pwede ko ng umabsent kahit kailan ko gusto.
Elmo, nagta-trabaho ako para sa nanay ko kaya please wag mo naman yung sirain.”

Exactly.”

“Ha?”

“Pupunta tayo ngayon sa nanay mo,
at wag ka ng mag-alala inutusan ko na yung secretary ko na magfile ng leave para sating dalawa.”

“Akala ko ba next week pa tayo pupunta samin?”

Eh sa gusto ko ngayon.”
Hinawakan niyang muli si Julie sabay tingin ng seryoso rito. “Subukan mo lang na kagatin ako ulit,
magkakagatan talaga tayo rito.”

Elmo-” natatawang sambit ni Julie.
Mabait ka rin naman pala no?”

“At gwapo.”
Dagdag pa ni Elmo.

Pwede na sana eh mayabang nga lang.”
Sarkastikong sambit naman ni Julie.

“Pwede? Edi ibig sabihin-”

Malayo pa ang pupuntahan natin,
ayokong gabihin.”
Kaagad na hinawakan ni Julie ang kaliwang braso ni Elmo sabay lakad ng mabilis para maputol na niya ang usapan nila.

Uyy, iniiba ang usapan.
Aminin mo na, ano may chance ba?”
pabirong sambit niya habang nagpapadala siya sa paghila ni Julie.

“Chance?
Wala kang chance no.”

Sinungaling.

Never akong nagsinungaling.”

Sus.”
Hinigit niya si Julie papunta sa kanya at dahil sa lakas ng pagkakahigit niya ay masyadong nagdikit ang kanilang mga katawan kasabay ng pagtama ng kanilang mga tingin.“Aminin mo na kasi Julie na naiinlove ka na sakin.”

Wala akong aaminin dahil wala naman akong dapat nararamdaman sayo.”

Kahit point zero one percent?”

Kahit point zero, zero, zero one percent pa,
wala talaga kaya sorry ka nalang.

Ganun ba?”
Preskong sambit ni Elmo na tinanguan naman ni Julie.
Eh paano kung gawin ko ‘to.”

Walang pansintabi ay hinawakan ni Elmo ang batok ni Julie sabay halik dito ng madiin.
Subukan mang manlaban ni Julie ng maramdaman niya ang labi ni Elmo na nakalapat sa labi niya ay hindi niya na nagawa dahil sa diin ng pagkakahalik nito sa kanya.
Dahan-dahan siyang nanghina…
dahan-dahan siyang nawalan ng lakas upang manlaban…
dahan-dahan siyang bumigay…
at dahan-dahan siyang gumanti ng halik kasabay ng malambing niyang pagyakap sa leeg ni Elmo.
Dahil sa nadala narin si Elmo sa halik na binibitawan sa kanya ni Julie ay otomatik ng gumalaw ang isa niyang kamay patungo sa bewang nito.
Hinigit niya ng kaunti papunta sa kanya si Julie,
at pagkatapos ay pinutol niyang saglit ang paghalik niya rito.
Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito habang pareho silang naghahabol ng hininga.

Parang may nakalimutan ako sa kwarto,
balik muna tayo?”
He whispered.

To be continued…

my groom my bride By: JulielmolovinWhere stories live. Discover now