My Groom, My Bride: Chapter 26

32 1 0
                                    

Masyadong makipot ang daan papunta sa kinatitirikan ng bahay nila Julie kaya naman doble ingat si Elmo sa pagmamaneho. Sinabihan siya ni Julie na tumigil sa isang bakanteng lote kaya roon niya na lamang naisipang pumarada dahil may kaluwagan ang lugar na iyon sapat para sa sasakyang dala niya.

Nasaan ang bahay niyo rito?
Nagtatakang sambit niya habang pinagmamasdan niya si Julie na nakatingin sa malayo. “Julie?” Nang hindi parin sumagot si Julie ay napilitan na siyang tapikin ang balikat nito. “Are you okay?

Umuwi nalang kaya tayo?”
Bakas sa mga mata ni Julie ang magkahalong kaba at takot na kaagad namang nakita ni Elmo kaya hindi na siya nagdalawang isip na hawakan ang kamay nito para mabigyan niya ito ng kahit kaunting lakas ng loob.

“Ano ka ba,
nag-leave tayong dalawa para rito tapos aatras ka kagad?

Eh kasi Elmo hindi mo kilala si nanay-”

Julie-” Ngumiti muna siya bago magsalitang muli.
Wala ka namang dapat ikatakot, nandito lang ako.”
Napakagat ng labi si Julie habang nakatitig siya sa mga mata ni Elmo na tila ba’y nagsasabi ng ‘kaya mo yan’.

Bahala na nga.”

Pa’no baba na tayo?
Huminga muna si Julie ng malalim bago siya tumango.
Nang sandaling makuha na ni Elmo ang approval niya ay bumababa na ito ng sasakyan upang mapagbuksan niya na ng pinto si Julie at upang maalalayan niya ito sa pagbaba.
Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina-” tiningnan niyang muli si Julie matapos niyang i-lock ang sasakyan niya. “Nasaan ang bahay niyo rito?”

Nakikita mo yung bahay na nasa gilid ng puno ng mangga?”

Yung green na puno?”

Binatukan niya si Elmo habang natawa. “Alangan, kailan ka pa nakakita ng puno ng mangga na red?”

Nakakasakit ka na ha,
halikan kita dyan eh.”

Hampas ng pagmamahal yun.”
Malambing na wika ni Julie.

Sus.” He giggled.
Ayun yung bahay niyo?
Yung up and down na may hagdan sa gilid na gawa sa kahoy?”

Oo yun,
pero hindi naman up and down ah.”
Tinitigan muli ni Elmo ang bahay nila Julie.

Up and down kaya.

Silong lang yung nasa baba,
bale yung bahay namin yung taas lang talaga.”
She giggled.

Silong? Ano yun?

Silong-” Sandaling nag-isip si Julie.
Dun nilalagay yung mga alagang manok.
Tiningnan niya si Elmo. “Ano gets mo na brad?”

Ah, edi dun din nilalagay yung mga chicks?”
Tumango si Julie.
Edi dun pala nilalagay ang katulad mo?”

She crossed her arms.
Nako Elmo, nagsisimula ka na naman.”

Bakit?” He laughed.
Totoo naman ah, sa silong nilalagay ang
chicks na katulad mo.
Malambing na sambit niya sabay hila kay Julie sa kanya upang suyuin ito.

my groom my bride By: JulielmolovinWhere stories live. Discover now