Pumunta si Elmo sa condo ni Alvin dahil hanggang ngayon ay hindi parin nagsi-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi niya parin matanggap na nagpakasal siya sa isang babaeng pangalan lamang ang alam niya.
“Oh Elmo anong ginagawa mo rito? Okay ka na ba? Nakita mo na ba si Ziri? Nakapag-usap na ba kayo?” Sunod-sunod na tanong ni Alvin nang pagbukasan niya si Elmo ng pinto.“Wala pa akong balita kay Ziri, Alvin.” Dire-diretsong pumasok si Elmo sa condo unit ni Alvin sabay upo sa malambot na sofa nito. “Pero bro may malaking problema ako.”
“Elmo alam kong masakit ang pag-iwan sayo ng bride mo-”
“Kasal na ako.”
“Kasal ka na?!” napaupo si Alvin sa kabilang sofa malapit sa kinauupuan ni Elmo.“Kanino? Nagpakasal parin kayo ni Ziri?”
Hindi si Ziri-” He paused.
“Her name is Julie Anne San Jose.”“Julie Anne San Jose? Yung kaklase mo nung college?”
Umiling si Elmo.
“Eh nung high school.”Umiling parin ang matalik niyang kaibigan. “Grade school?”“Kahit mag-prep at nursery ka pa iiling parin ako.”
“Eh sino ba yung napangasawa mo?
Wag mong sabihing kung saan-saan mo lang siya nakilala.”“Parang ganun na nga.”
Humiga si Elmo upang marelax ang kanyang likod.
“Masyadong mabilis ang pangyayari, pag gising ko narealize ko nalang na nakatali na ako sa kanya at hindi pa yun-”Huminga muna ng malalim si Alvin bago siya muling magsalita. “Elmo wag mong sabihing may nangyari sa inyo ng babaeng yun.”
***
“Ano?! May nangyari sa inyo?! Julie nasisiraan ka na bang talaga?!”
Mabilis na tinakpan ni Julie ang bibig ng kaibigan niya dahil nakuha nito ang atensyon ng ilang taong nasa paligid nila.
“Peebee hinaan mo naman kasi ‘yang boses mo, nag-effort akong pumunta rito kahit ganito lang ang suot ko tapos kung makapagsalita ka naman dyan parang daig ko pa ang nakapatay ng tao.”“Eh kasi naman Julie tingnan mo ha, tumakas ka kay Restituto para hindi kayo makasal kasi sabi mo gusto mong magpakasal sa lalaking mahal mo at hindi sa lalaking hindi mo kilala.” Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan niya.
“Ang tanong Julie-” She paused. “Anyare?”“Ewan ko nga Peebs, hindi ko rin maintindihan basta ang tanda ko marami akong nainom nun kasi nga hindi ko narin alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa utang ni nanay sa pamilya ni Restituto tapos ayun yung mga susunod na nangyari dala na talaga ng katangahan ko.”
“Buti naman Julie at alam mong sobrang tanga ng ginawa mo, teka nga ano bang pangalan ng lalaking napakasalan mo?
Baka naman kauri natin nako lang Julie, nganga ka dyan.”“Hindi siya basta-bastang tao Peebe,
siya lang naman yung anak ni Madamé G.”“Madamé G? Yung paborito mong designer?”