“I will love you until the day after forever pala ha.”
Ibinato ni Julie kay Elmo ang bag niya kay Elmo ng makapasok sila sa kwarto kung saan sila magpapahinga para sa araw na iyon.“Bakit na naman ba?” Gulat na sambit ni Elmo ng mabigla siya sa ginawang iyon ni Julie.
“Ano na naman kasing kalokohan yung sinabi mo kanina?”
“Kalokohan daw pero kinikilig ka naman.”
He murmured.“Hoy Magalona-”
Inis na lumapit si Julie kay Elmo kaya hindi na niya napansin pa ang nakausling kahoy malapit sa kanyang kama.
Mabuti na lamang at ilang hakbang lamang ang layo sa kanya ni Elmo kaya naman kaagad siyang nasambot nito.
Nagtama ang mga tingin nila ng sandaling magkadikit ang mga katawan nila. Tahimik lang ang buong paligid.
Tila ba’y tumigil ang pagtakbo ng oras ng mga sandaling iyon.“May nagsabi na ba sa’yo na ang cute mo kapag naiinis?”
Pabirong sambit ni Elmo.“Wag mo nga akong titigan ng ganyan.”
Itinulak ni Julie papalayo sa kanya si Elmo.“Bakit?”
Hinila ni Elmo papalapit sa kanya si Julie sabay yakap dito.
“Kinikilig ka na naman?”“Elmo-”
“Moe nalang-”
Lumayo siya ng kaunti kay Julie upang matitigan niya itong muli.“O kung gusto mong itawag sakin eh baby o babe, pwede rin naman.” And then he smiled.
“Baby o babe?”
She laughed. “Seryoso na ba talaga ‘to El-
She cleared her throat. “Moe?”“Hindi pa ba klaro na seryoso ako sayo?”
Umiwas ng tingin si Julie ng maramdaman niya ang nakakatunaw na titig ni Elmo sa kanya.“Hindi lang talaga ako makapaniwala kasi parang kahapon lang para tayong aso’t pusa-” She shook her head.
“Parang tigre at tigress pala, tapos ngayon bigla-bigla nalang na ganito?”
Hinawakan ni Elmo ang baba ni Julie upang patinginin niya muli ito sa kanya. “Ayaw mo ba sakin? Hindi mo ba ako gusto?”
Pinagmasdan niya ng masinsinan si Julie.
“Kasi kung ako ang tatanungin mo Julie,
gustong-gusto talaga kita.”“Hindi naman sa ayaw ko sayo Moe pero-”
“Pero gusto mo ako?”
“Bakit ba ganito ang pinag-uusapan natin?”
Sinubukang kumawala ni Julie sa pagkakahawak sa kanya ni Elmo ngunit masyadong mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.“Kasi gusto kong malaman kung ano ‘yung nandyan sa isip mo.”
“Ang baduy mo.” She giggled.
“Julie seryoso ako.”
“Seryoso ka na ng lagay na yan?”
She giggled once more.“Julie naman magseryoso ka kasi, seryoso na talaga ako.”
Tinaasan niya ng kilay si Elmo.
“Bakit sinabi ko ba na magseryoso ka ha?”