Nakapikit pa ang mga mata ni Julie, ine-enjoy niya pa ang katamtamang init ng araw na dumadampi sa mukha niya dahil nilalamig na siya sa hangin na nagmumula sa aircon.
Nang makundisyon na ang katawan niya ay iminulat niya na agad ang kanyang mga mata para siya’y makabangon na.“Good morning Julie.” Nakangiting sambit niya sa kanyang sarili. “Panibagong araw na naman ng pagtitiis ko kay Mr. Sungit.”
She heaved a deep sigh.
Dahan-dahan niyang ipinihit ang katawan niya upang tingnan si Elmo dahil buong gabi siyang natulog ng nakatalikod dito.
“Wala na siya?”
Tiningnan niya ang orasan na katabi ng lampshade sa kanang bahagi niya. “Alas osto na?! Patay na naman ako nito!”
Dali-dali siyang bumalikwas upang pumunta sa banyo, magpapalit na sana siya ng damit matapos niyang gawin ang kanyang morning rituals ng bigla niyang maalala na nasa guest room pa ang kanyang mga damit.
“Julie naman! Bakit ba sa lahat-lahat ng kakalimutan mo, yung mga damit mo pa. Paano mo ngayon kukunin yung mga yun kung nandun natutulog si Lola Vera?” Inis na sambit niya sa kanyang sarili.
Dahil wala na siyang ibang choice ay napilitan na lamang si Julie na lumabas ng kwarto nila at bumaba ng hagdan kahit na loose white v-neck shirt at shorts lang ang suot niya.
Wala na siyang pakialam sa itsura niya kaya pati ang buhok niya ay basta-basta niya lang tinali ng halatan gamit ang kanyang mga kamay na siyang nagsilbing suklay.
Masyadong mabilis ang lakad ni Julie kaya naman mabilis niya lang ding narating ang entrance ng kusina.
Papapasok na sana siya sa kusina ng biglang may kamay na humawak sa kanyang braso at ng sandaling makita niya kung sino iyon ay otomatikong lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Lola Vera, gising ka na po pala.” She smiled again.
“Pasensya na po kung late akong nagising, maghahanda na po muna ako ng almusal natin. Nagtaka si Julie ng biglang umiling si Vera sa kanya ng nakangiti.
Hinigit siya nito ng marahan papunta sa bukana ng kusina at itinuro si Elmo na abala sa mga niluluto nito habang nakasuot ng pink apron na lagi niyang ginagamit sa tuwing siya ang nagluluto sa kusinang iyon.“Mukhang maraming natutunan sayo ang apo ko.”
Hindi nagsalita si Julie ng sambitin iyon ni Vera dahil hindi niya makuha kung bakit gumising ng si Elmo para magluto.
“Julie-”
inihirap niya sa kanya si Julie habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. “thank you for everything, ngayon alam ko na, na nasa mabuting kamay ang unico hijo ko.
Maraming salamat talaga hija ha?”Hindi siya kaagad makapagsalita sa sinabi sa kanya ni Vera dahil alam niyang wala naman talagang ‘sila’ ni Elmo.
Oo, mag-asawa sila pero alam niyang hanggang papel na lamang ang relasyon nilang iyon at wala ng hihigit pa ron.“Pero Lola-”
“Good morning honey-”
Nagulat si Julie makita niya sa harapan niya si Elmo at mas nagulat pa siya ng bigla siyang halikan sa labi nito.
Gustuhin niya mang sampalin si Elmo ngunit hindi niya iyon magawa dahil alam niyang magtataka si Vera kung saka-sakaling gawin niya iyon.“Good morning.”
Lumapit siya kay Elmo sabay pahapyaw na kinurot niya ang tagiliran nito. “Ang sweet mo naman ngayon HONEY.”“Hehehe!”
Iyon na lamang ang nasambit ni Elmo dahil tagos sa buto ang kurot sa kanya ni Julie na halos naramdaman niya na may kakaibang kuryente na dumaloy sa kalamnan niya.
Nagtataka man si Vera sa ikinikilos ng mag-asawang nasa harap niya ay binalewala niya na lamang iyon dahil nakikita niya naman ang natural sweetness ng dalawang sa tuwing magtatabi ang mga ito at isa pa ay alam niyang newly wed palang sila Julie at Elmo kaya naman nakakasigurado siya na nag-aadjust pa ang mga ito sa isa’t isa.